Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, January 9

United Opposition, hindi united sa 2010

Samu't-saring pangalan ang lumalabas na posibleng tumakbo sa susunod na Presidential elections. At karamihan nito, galing sa oposisyon.

Nandyan si Loren, si Ping Lacson, si Mar Roxas, si Makati Mayor Binay, at si Villar. Balita ring kasamang tatakbo si Chiz Escudero pero baka sa pagka-bise presidente lang. At dahil sa dami ng pangalang lumalabas, hindi tuloy masabi ng oposisyon kung sino ang "The One" na isasalang nila sa pagka-Presidente.

Nagpaparamdam rin daw si Erap. Pero duda ako dahil nasa kasunduan yun ng kanyang pardon.

Sa kabilang banda naman, marami ring lumulutang na pangalan sa Admin. Una na dito si Noli de Castro. Nandyan rin si QC Mayor Belmonte, at MMDA chairman Bayani Fernando (na nagjo-joke lang ata sa interview).

Malayo pa ang 2010 pero gigil na gigil na ang mga politiko na dumating ito dahil, alam naman natin, na ginagawa nila itong hanap-buhay.

Pero sino man ang manalo pagdating ng taong yun, sana naman, sana lang, may magbago sa Pinas.

: (

No comments: