Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, January 11

Mga nakakainis na kapunapuna sa Deal or No Deal

Dahil ngayong gabi na matatapos ang 2nd season ng Deal or No Deal, na papalitan ng Wheel of Fotune sa Lunes, napag-isipan kong ilagay ang ilan sa nakakainis na kapunapunang eksena tuwing may naglalaro dito na naobserbahan ko sa halos 2 taong pag-ere nito...

  • Sinisigawan ng player yung briefcase ng "LOWER!" mula umpisa hanggang matalo, este matapos pero alam naman natin na hindi lahat ng amount sa loob ng briefcase ay low.
  • Humihingi ang player ng mataas na offer kay "Banker" pero magno-No Deal naman.
  • May pakulo si Kris Aquino na maswerte ang ganyan at ganun sa laro pero alam naman natin na game of chance o sa madaling salita ay chambahan ito.
  • May bitbit na "kapamilya" yung player at hinihingan nila ng number. Madalas, nagmumukhang hindi na laro nung player ang nangyayari.
  • Kapag celebrity ang naglalaro, lalo na kung sexy't maganda, antaas ng offer ni Banker.
  • In some cases, kasali pati probinsya na pinanggalingan nung player.
Yun lang.

: )

No comments: