Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, January 28

"Lintek kang bata ka! Nandito ka lang pala!"

Isang hapon, nagpunta ako dito sa Internet shop sa labas ng subdivision namin. Pagdating ko, 3 batang naka-uniform lang ang laman. Pero wala naman akong pakialam sa kanila basta may bakanteng computer.
Maya-maya pa, nagulantang ang lahat nang biglang may pumasok na naghuhuramentadong ale. Sumugod ito papasok at agad pinalo sa braso yung isang bata at sinabing:
"Lintek kang bata ka! Nandito ka lang pala!" sabay tingin dun sa katabi at nagtanong nang pasigaw, "Ikaw ba nagbitbit dito sa lintek na batang 'to?!"
Hindi kumibo yung bata at pareho silang mangiyak-ngiyak. Tapos, mabilis pa sa alas-kwatro, kinaladkad palabas nung ale yung anak nya. Hindi ko lang alam kung nakapagbayad na sya. At naiwan yung dalawa pang kasama nung bata na nagbubulungan.
: )

No comments: