Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Sunday, March 30

Ang Inet

Ang inet.

Grabe. Ang inet.

Seryoso. Grabe. Ang inet.

Gusto ko ng ice cream. Seryoso. Grabe. Ang inet.

Ice Cream. Gusto ko ng ice cream. Seryoso. Grabe. Ang inet.

http://huntsvillehappeningstx.blogspot.com

: )
 

Monday, March 17

The Voice Kids Blind Auditions Set

Habang ako'y namamangka sa Facebook kanina, nakita ko ang litratong ito:

www.facebook.com/TheVoiceABSCBN
Presenting: Ang bagong Blind Auditions Set ng The Voice Kids!

www.facebook.com/TheVoiceABSCBN
 At sa wakas, napalitan na ang Voltes V Chairs! Yehey!

www.facebook.com/TheVoiceABSCBN
Kayang-kaya naman pala nilang gumawa ng ganitong set. Dapat sa first season pa lang, ganito na! Matatandaang pinagpyestahan ng netizens ang itsura ng The Voice of the Philippines Blind Auditions Set noong nakaraang taon. Ako mismo, nadismaya.


Good job to the people behind the show! Nag-improve kahit papaano! Dahil dito, umaasa akong mas maganda na rin ang set para sa Battle Rounds.

At wag nyo na rin ibabalik si Apl sa Season 2 para masaya.

: )

Thursday, March 13

Be Careful What You Wish For

tsaynatown.wordpress.com
Narinig ko sa TV Patrol noong isang gabi na extended na naman (for the nth time) ang Be Careful With My Heart. Lalong matutuwa ang die-hard fans nito dahil ayon mismo kay Ser Chief, tuloy-tuloy lang ang ligaya ng longest-running telesineseryenobela sa bansa ngayon.

Paborito rin daw ang programang ito sa iba't ibang karatig-bansa gaya ng Vietnam. Gagawan na rin ito ng Korean adaptation sa oras na mapatunayang may patutunguhan talaga ang istorya nito.

www.facebook.com/anyarenews
Bilib din ako sa mga nanonood nito. Hindi ba kayo nagsasawa? Anyway, dahil sa inyo kaya tila wala pang katapusan ang programang ito. Congrats sa bumubuo ng programang ito at sana'y maglunsad kayo ng bago sa lalong madaling panahon.

: )

Monday, March 10

I'm back, baby!

Na-miss ko 'to. Na-miss kong gumawa ng blog entries about anything and everything under the sun. Na-miss ko ang blog ko. Kaya naman ako'y nagbabalik para magsulat ng kung anu-ano kahit walang nagbabasa nito. Si Jack Bauer nga nagawang bumalik, ako pa kaya?

I'm back, baby!

: )

24: LIVE ANOTHER DAY



#JackisBack
: )