Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, January 9

Pusa na naman

Nagbabasa ako ng paborito kong tabloid nang may mabasa akong nakakatuwa/diring report. Tungkol sa pusa.

Sa isang subdivision raw sa Makati, may nagaganap raw na massacre ng mga pusa sa hindi ipinaalam na dahilan. Ang kwento, isinisilid raw ang mga pusa, karamihan mga kuting, sa mga hawla ng ibon at saka pinagbababaril gamit ang air gun, para bang nagta-target shooting lang. At natural, patay yung mga pusa.

Pina-imbestigahan na raw ni Mayor Binay ang pangyayari at wala na akong alam sa resulta dahil hindi na ito nailathala pa.

: (

No comments: