Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Saturday, December 18

"May nakaupo po dyan?"


Kunwari, pumunta ka sa simbahan para sa Simbang Gabi at pagdating mo doon, wala ng ibang bakanteng upuan maliban dito...


Ganito ang gabi-gabing eksena sa chapel namin. Palaging may naka-reserve kahit marami nang tinutubuan ng ugat sa katatayo sa labas. Tapos pag tatanungin yung nag-reserve ng, "May nakaupo po dyan?" ang isasagot naman nya e, "Meron po."

Meron?! Oo, yung payong. Uso ata ang VIPs dito, darating just in time sa start ng misa, samantalang yung mas maaga dumating sa kanila, inaatake na ng rayuma.

Tsk. Tsk. Tsk. Dapat kasi, first come, first seated.

Kayo? May VIPs din ba sa inyo?

: )