Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, January 18

Ang Meatloaf na galing sa lata

May napapanood ako na commercial ng meatloaf kung saan kumakanta yung mga bata ng "Kung ikaw ay masaya, kumain ka..." at maya-maya ay dumating yung Nanay at inilapag sa hapag yung plato na may meatloaf at agad kong napansin na bilog ang mga ito.

Ano naman ang problema ko dun?

Kase ako, pag tinatanggal ko sa lata yung meatloaf, masuwerte na kung may buo akong nakukuha. Kahit kasi butasan ko sa magkabilang dulo yung lata para itulak yung meatloaf sa kabila e nadudurog lamang ito, tapos yung nasa commercial bilog na bilog?! Ano kaya yun?! Pano nya tinanggal sa lata yun?! PAANO?!

: )

No comments: