Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Thursday, August 5

Para makatipid raw

Narinig ko kanina sa balita sa radyo na nais ipagpaliban ng ilang kongresista ang Barangay Elections upang makatipid umano ang gobyerno.

Pero hindi ba MAS makakatipid ang gobyerno kung babawasan, kung hindi man tuluyang tanggalin, ang pork barrel ng mga kongresistang ito? Milyon-milyong piso rin yun.

Kung nais talaga ng mga buwaya este, mga kongresistang ito na makatipid ang gobyerno, simulan nila sa kani-kanilang bakuran.

: )

No comments: