Naalala ko noong unang beses akong nagprito ng tilapia.
Binating itlog at hotdog lang ang alam kong lutuin noong bata pa ako. Kaya nang minsang nautusan ako ng aking tatay na magprito ng tilapia, ginawa ko naman. Prinito ko ang tilapia na parang hotdog. Wala pang limang segundo sa mantika ay binaliktad ko agad ang isda. At binaliktad. At binaliktad. At nagwala ang tatay ko.
Sermon ang tanghalian.
Natutunan kong magprito ng tilapia the hard way.
: )
Showing posts with label kwento ko. Show all posts
Showing posts with label kwento ko. Show all posts
Wednesday, March 4
Monday, March 10
I'm back, baby!
Na-miss ko 'to. Na-miss kong gumawa ng blog entries about anything and everything under the sun. Na-miss ko ang blog ko. Kaya naman ako'y nagbabalik para magsulat ng kung anu-ano kahit walang nagbabasa nito. Si Jack Bauer nga nagawang bumalik, ako pa kaya?
I'm back, baby!
: )
I'm back, baby!
: )
Sunday, September 22
Autopilot
Sa araw na ito, eksaktong isang taon na ang nakararaan, gumising ako nang nagtataka kung paano ako nakauwi ng bahay.
Birthday ng aming kaibigan noon kaya kami ay dumayo sa kanilang bahay. Kami ay kumain. Kami ay nagsaya. Kami ay uminom pero...
Isang tagay sa tagumpay! 'Sang case pa! At isa pa. At isa pa. At isa pa. At makalipas ang hindi mabilang na oras ay nagkayayaan nang mag-uwian dahil malalim na ang gabi. Pagkatapos magpaalam sa celebrant ay umalis na kami. Sumakay ako ng bus then the next thing I know, umaga na. Gumising ako sa aking higaan at nagtataka kung paano ako nakauwi ng bahay. Wala na akong maalala pagsakay ko ng bus kagabi. Seryoso.
Hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa rin alam kung paano ako nakauwi noong araw na 'yon. Ang alam ko lang, nakauwi ako nang ligtas. Sa tingin ko lang talaga, nag-autopilot ang katawan ko. Seryoso.
Kaya mga kaibigan, laging sundin ang payo ng alcoholic beverages:
: )
Birthday ng aming kaibigan noon kaya kami ay dumayo sa kanilang bahay. Kami ay kumain. Kami ay nagsaya. Kami ay uminom pero...
![]() |
| http://memecrunch.com |
Hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa rin alam kung paano ako nakauwi noong araw na 'yon. Ang alam ko lang, nakauwi ako nang ligtas. Sa tingin ko lang talaga, nag-autopilot ang katawan ko. Seryoso.
Kaya mga kaibigan, laging sundin ang payo ng alcoholic beverages:
![]() |
| https://www.google.com.ph |
: )
Thursday, August 22
Ortigas Station
Noong Lunes, habang ako'y nakasakay sa punung-punong tren ng MRT approaching Boni Avenue Station, biglang nagsalita ang driver ng tren sa PA system...
"Ortigas Station, Orti-", sandali siyang huminto at agad bumawi, "Boni Avenue Station, Boni."
Maraming pasahero ang napangiti tulad ko. Minsan talaga kahit medyo hirap tayo sa isang sitwasyon, may mga pangyayaring hindi mo inaasahan ang maglalagay ng ngiti sa iyong mga labi.

Friday, August 9
Mani
Isang hapon habang ako'y inaantok sa loob ng bus, biglang may umakyat sa bandang Boni na nagbebenta ng mani sabay sigaw:
"Mani! Mani! Mani kayo dyan! Mainit pa, bagong lutong mani! Mani!"
Araw-araw namang bagong luto ang mani nila. Araw-araw ding mainit dahil bilad ito sa araw. May dalawang pasahero siyang nabentahan sa bandang harapan at tumuloy siya sa likuran.
"Mani kayo dyan! Mainit pa! Mani!"
Nang wala nang iba pang bumili, hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.
"Mani! Ayaw nyo? Itatapon ko 'to!"
Nagtawanan bigla ang ilang pasahero pati na ako. Agad naman siyang bumaba ng bus pagkatapos niyang gumawa ng eksena. Sandali ring nawala ang nararamdaman kong antok.

Friday, March 15
Remote Control
Simula nang masira ang remote control ng biniling DVD Player ni Papi, hindi na namin ito muling nagamit nang maayos. Apat lang kasi ang built-in buttons sa mismong player: Play/Pause, Stop, R/L (speaker) at Open/Close. Kaya kung manonood ka, dapat tuloy-tuloy. Walang rewind at wala ring fast forward. Good luck na lang kapag may na-miss kang eksena.
Ni minsan ay hindi sinukuan ni Papi ang DVD Player na 'yun. Hindi siya pabor na bumili na lang ng bagong Blu-ray Player. Kapag may dumadaan ngang nagbebenta ng remote control sa tapat ng bahay, nagbabakasakali siya na may isang gumana sa aming DVD Player. Pero ni isa, walang tumalab. Ngunit nitong nakaraang Linggo, dinapuan na ng swerte si Papi. Nang may dumaan na nagtitinda ng remote control, agad niya itong tinawag para ma-testing ang mga inilalako nito. Mga limang remote controls yata ang nasubukan niya at lahat naman gumana... pero hindi maayos. Hindi kasi tugma ang karamihan ng buttons sa dapat na silbi nito. Sa huli, binili na rin ni Papi 'yung may "pinakamalapit" na remote control.
Ang problema, pahirapan gamitin 'yung bagong remote control. "Universal" kasi. Kumbaga sa gamot, generic. Walang brand. Power at Open/Close buttons lang ang gumagana nang tama. Sa ibang buttons, kailangan mo pa ng matinding pagsasanay para makabisado kung alin ang alin at saan ang saan. Halimbawa na lamang, ang Volume Control ay nasa buttons 1(+) and 4(-) samantalang ang nasa Volume (-) button naman ay Play. 'Yung iba, hahayaan ko na sa iyong imahinasyon.
Looking on the bright side, masaya na si Papi dahil muli nang magagamit ang aming DVD player. Good luck na lang sa amin.
: )
Ni minsan ay hindi sinukuan ni Papi ang DVD Player na 'yun. Hindi siya pabor na bumili na lang ng bagong Blu-ray Player. Kapag may dumadaan ngang nagbebenta ng remote control sa tapat ng bahay, nagbabakasakali siya na may isang gumana sa aming DVD Player. Pero ni isa, walang tumalab. Ngunit nitong nakaraang Linggo, dinapuan na ng swerte si Papi. Nang may dumaan na nagtitinda ng remote control, agad niya itong tinawag para ma-testing ang mga inilalako nito. Mga limang remote controls yata ang nasubukan niya at lahat naman gumana... pero hindi maayos. Hindi kasi tugma ang karamihan ng buttons sa dapat na silbi nito. Sa huli, binili na rin ni Papi 'yung may "pinakamalapit" na remote control.
| http://memecrunch.com/ |
Looking on the bright side, masaya na si Papi dahil muli nang magagamit ang aming DVD player. Good luck na lang sa amin.
: )
Thursday, December 27
Matapobreng Taxi Driver
Minsan lang ako sumakay ng taxi.
Kahapon, napilitan akong pumara ng taxi dahil halos 40 minutes na akong late sa aking pupuntahan. Kasalanan ko naman e, hehe. Sa dami ng naghihintay ng taxi, awa ni Lord, nakasakay rin ako.
Nang malapit na akong bumaba at makitang 92.50 na ang meter fare, dumukot ako ng 100 peso bill mula sa aking bulsa at iniabot kay Manong Driver sabay sabing, "Malapit na po. Pwede na po ba ito?"
Biglang sinabi ni Manong Driver, "Bakit? Wala ka bang pera?"
Nagulat ako. "Ha?" lang ang nasabi ko.
"Wala ka bang pera?" ulit niya.
"Meron naman po," sagot ko.
"Kung 'yan lang ang ibabayad mo, ihihinto ko na 'to." Ang labo ng sinabi niya. Bakit niya ihihinto ang taxi? Hindi ba siya masaya sa 100 pesos? Dagdag pa ng matanda, "Kung wala kang pera, wag kang sasakay ng taxi."
Lalo akong naguluhan. Sa isip ko, sasakay ba ako sa taxi mo kung wala akong pera? At naliliitan ba siya sa 100 pesos? Kung tutuusin, dapat may sukli pa nga ang 100 ko e. Kung wala lang akong respeto sa matanda baka nasagot ko na siya nang pabalang. Pero good boy ako. Kalma lang, sabi ko sa sarili ko.
Nakarating naman ako sa aking destinasyon nang hindi lumampas sa 100 ang metro ng taxi. Iniabot ko na ang 100 peso bill kay Manong at kasama ng aking pekeng ngiti, pinasalamatan ko siya. Agad humarurot ang lintek na taxi.
Minsan lang ako sumakay ng taxi. At hindi ko akalaing ito pa ang mangyayari sa akin.
: |

Friday, October 26
Tahoooooeeeww
Kaninang alas-singko ng umaga, habang naglalakad kami ng kapatid ko papunta sa terminal ng jeep ay may nakita kaming magtataho sa 'di kalayuan. Bibili sana ako ng taho ngunit agad nagbago ang isip ko (at parang ayaw ko na ulit kumain ng taho) nang makita namin ang ginagawa ng magtataho.
May pinipigaang basahan 'yung magtataho sa gilid ng daan at ang nakita naming kulay ng likido ay puti. Oo, puti. Kakulay ng tinatabuan at tinatapon ng magtataho bago lagyan ang iyong baso.
Isipin niyo na lang kung saan ginamit ang basahan.

Thursday, October 25
Sundae Cone
Jollibee Starmall SJDM
October 8, 2012
Me: Dalawang cone twirl.
Cashier: 'Yung nasa cone po ba o nasa cup?
Jollibee Starmall SJDM
October 25, 2012
Me: Dalawang sundae cone.
Cashier: 'Yung sa cone lang po?
Pag ito nasundan pa, ewan ko na lang. Hahaha!

Thursday, March 29
Tuesday, January 3
Holiday Calories
Habang nanonood
sa TV, nainis ka nang pumasada ang commercial na may katagang “Tinatago ang
taba? Mag-Lesofat!”
Pagsuot mo ng
pantalon, agad mong naramdamang hindi nakarating sa dulo ang zipper.
Pagpasok mo sa
opisina o eskwela, bati agad sayo'y “Tumaba ka yata?”
Kung nangyari
sa'yo ang alin man sa mga nabanggit, wag kang mag-alala dahil natural disaster
'yan. Hindi na baleng lumaki ang tiyan basta't hindi bata ang laman. Napasarap
lang naman ang iyong kain, hindi ba?
Matapos kasi ang
Noche Buena at Medya Noche nitong nakalipas na dalawang linggo, siguradong bahagyang
nadagdagan ang ating mga timbang. Umamin ka. Masamang magsinungaling, kaibigan.
Ako mismo'y ramdam kong nadagdagan ng ilang guhit ang bigat ko sa timbangan.
Masarap kasing kumain, hindi ba?
Spaghetti dito,
pancit doon! Fried chicken dito, crispy pata doon! Adobo dito, hamon doon! Lechon
dito, inihaw doon! Leche flan dito, fruit salad doon! Cake dito, ice cream
doon! Softdrinks dito, alak doon! Lamon dito, laklak doon! Ang sarap talagang
kumain, hindi ba?
Pero syempre,
kailangang bumawi this year. Panahon na para mag-gym! Minsan lang naman tayo
kumain ng ganyan karami. Minsan rin lang naman masira ang pinaghirapang dyeta.
Ngunit kahit minsanan lamang ito, dapat ay palagi pa rin nating
pinangangalagaan ang ating kalusugan. Dapat nang simulan ang healthy diet and
lifestyle. Tara na't mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing
umaga!
Kaya naman dahil
sa dagdag na timbang dulot ng mga nakain sa handaan, plano ko'y makapagbawas ng
timbang sa mga darating na araw upang pagsapit muli ng Pasko at Bagong Taon,
pwede na ulit akong tumaba.
Ang sarap kasing
kumain, hindi ba?
: )
Sunday, January 1
Taun-taon tuwing sasapit ang bagong taon
Bago ang lahat, nais ko kayong
batiin ng MALIGAYANG BAGONG TAON! 2012 na kaya naman nalalapit na ang
pagkagunaw ng mundo! Mwahahahahaha!
Anyway, dahil sa December pa
muling mauulit ang kasiyahan kagabi, narito ang ilan sa mga taun-taong
kaganapan tuwing sasapit ang bagong taon:
- Matindi ang traffic jam sa mga pangunahing lansangan. Puno kasi ng mga mamimili ang malls lalo na ang department store at supermarket nito. Maging mga palengke malapit sa kalsada na walang nakalaan na parking lot ay nagdudulot rin ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.
- Blockbuster ang mga bus terminals, pantalan at paliparan. Karamihan ng mga pasahero’y daig pa ang OFW sa dami ng bitbit na gamit pauwi sa kani-kanilang probinsya.
- Kaliwa’t kanan ang guestings ng dakilang Feng Shui experts para sabihing pera ang dala ng Year of the Water Buffalo at mamalasin ka ngayong taon kapag hindi ka bumili ng charms na crystals at nagpagawa ng water fountain sa kusina. Maganda ring mag-franchise ng siomai at kumuha ng life plan.
- Samu’t sari namang makukulay na bente, singkwenta, sandaan, limandaan, at sanlibo ang makikitang nagpuputukan sa kalangitan habang nalalapit ang pagsapit ng alas-dose. Nakakaaliw sa paningin pero mas mainam kung pinambili na lamang ito ng pagkain at ibinigay sa mga katulad kong walang makain.
- At siyempre, tadtad ng madugong balita ang radyo’t telebisyon bago sumapit ang bagong taon. Kahit kasi paulit-ulit na magbabala ang mga kinauukulan, paulit-ulit pa ring may napuputukan. Hindi kasi kumpleto ang pagpapalit ng taon sa Pilipinas kapag walang nasusugatan, napuputulan ng daliri, or worst, namamatay dahil sa napaka-child-friendly fire-crackers at iresponsableng gun owners.
Nawa’y ngayong 2012, kumpleto
pa rin ang inyong mga daliri, kamay at paa. Dalawang tenga, dalawang mata,
ilong na maganda.
Muli, MALIGAYANG BAGONG TAON sa
inyong lahat! Live each day like it’s your last dahil ayon daw sa mga Mayan, baka
ito na nga ang last.
: )
Wednesday, November 30
Regalong Nakakaiyak
May nagregalo na ba sa'yo ng panyo? Kung oo, anong naisip mo
nang matanggap mo ang regalong ito?
A) Natuwa
B) Naiyak
C) Nakow! Siguradong paiiyakin ako ng taong iyon sa
hinaharap!
Kung letter C ang sagot mo, basahin mo ang susunod na
kwento. Kung A o B naman ang iyong sagot, basahin mo na rin ang kwento para
masaya.
Noong unang panahon,
may isang lalaking 4th year high school student na nakikipagbiruan sa isa sa
mga kaklase niyang babae. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, isang
nakakahiyang pangyayari ang naganap.
Habang tumatawa ang
lalaki, bigla na lamang siyang napasinga ng sipon. Yaks. Hindi niya napigilan
ang bumabarang malapot na likido sa kanyang paghinga. Dali-dali niyang kinuha
ang panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang nakakadiring bagay sa dalawang
butas ng ilong niya.
Naglaho naman ang
ngiti ng kausap niyang dilag at agad umalis sa kanyang harapan. Syet. Sana'y
kinain na lang siya ng lupa kaysa nakita ng dalaga ang kanyang kahihiyan.
Nang sumapit ang
Christmas party ng kanilang klase, nakatanggap ng regalo ang lalaki mula sa
dalagang saksi sa nagawa niyang krimen. Hindi niya inaasahan ang laman ng
regalong bigay sa kanya ng dalaga. Isang bagay na nagpatunay na hindi lahat ng
taong nireregaluhan ng ganito ay paiiyakin ng taong nagbigay nito: isang panyo.
Wasak. Este, Wakas.
Ayan mga bata, ngayon ay alam na ninyo na hindi porke't niregaluhan
ka ng panyo ng isang tao ay paiiyakin ka ng taong iyon sa hinaharap. Huwag
basta-bastang maniniwala sa sabi-sabi dahil ang taong madaling maniwala sa
sabi-sabi, chismoso.
...
Sa tuwing nagagamit ng lalaki ang panyong iyon, napapangiti na lamang siya pagkat kanyang naaalala ang isa sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.
: )
Baluktot Na Daan
Dito sa lugar namin, ganito ang napansin kong pinagdaraanan
ng sementong kalsada ng Quirino Highway:
Kapag ang sementong kalsada ay may bitak na, lalapatan ito
ng aspalto. Kapag nagkaroon na ng bitak o parang napudpod na ang aspalto, bubungkalin
ito pati ang semento sa ilalim nito at matapos patagin ang lupa, bubuhusan na
ito ng semento. Kapag natuyo na ang semento, lalapatan naman ito ng aspalto.
Kapag nagkaroon naman ng bitak o parang napudpod na ang aspalto, bubungkalin na
naman ito, pati ang semento sa ilalim nito upang lagyan ng bagong semento.
Kapag may bitak na naman ang kalsadang semento, basahin mo na lang ulit ang
paragraph na ito.
Hindi ko alam kung kagagawan ito ng mga dumadaang malalaking
truck ng semento o sadyang substandard lang talaga ang materyales na ginamit sa
kalsadang ito. Pareho man ang dahilan, perwisyo ang siguradong hatid nito sa
aming mga taga-Bulacan. Dyan sa inyo, ganito rin ba ang sitwasyon ng inyong
kalsada?
Hindi ba nila pwedeng ayusin ang pagpili sa matinong
contractor na gagawa ng ganitong proyekto? Ayaw ba nila ng matagalang solusyon
sa problemang paulit-ulit na umuusbong? Sabagay, sa bawat proyekto ng local
government tulad nito, may budget na makakaltasan ang buwayang kurakot. Hay
buhay! Sila dapat ang binunungkal sa pwesto nila e.
Kailan ba natin madaraanan ang matibay at tuwid na daan?
: |
Monday, November 28
Unlimited Rice
Noong sumikat ang Mang Inasal dahil sa kanilang unlimited
rice, akala ko'y gagayahin na rin ito ng mga nangungunang food chains sa bansa.
Ngunit hindi ito nangyari. Hay.
Kanin na nga lang, ipinagkakait pa? Bakit ba hindi nila
maipatupad ang unlimited rice scheme? Mamumulubi ba sila pag nag-unlimited rice
sila? Ang Mang Inasal nga ilang taon nang may unlimited rice pero kita naman
natin ang patuloy pa nitong paglaki. Samantalang 'yung mga mas kilala at 'di
hamak na mas big time na food chains sa bansa (ehem, Jollibee, ehem, Mcdonald's)
ay hindi man lamang ito magawa! Sa isang rice meal, isang cup rin lang ang
kanin. Buti pa 'yung Bento, kumpleto.
Nang sakupin ng Jollibee ang Mang Inasal noong nakaraang
taon, akala ko'y magiging unlimited rice na rin ang paborito kong 2 pcs.
burgersteak meal. Pero hindi pa rin ito nangyari. Hay naku.
Kanin na nga lang, ipinagkakait pa? Bakit ba hindi nila
maipatupad ang unlimited rice scheme? Mamumulubi ba sila pag nag-unlimited rice
sila? Ang Mang Inasal nga ilang taon nang may unlimited rice pero kita naman
natin ang patuloy pa nitong paglaki. Samantalang 'yung mga mas kilala at 'di
hamak na mas big time na food chains sa bansa (ehem, Jollibee, ehem, Mcdonald's)
ay hindi man lamang ito magawa! Sa isang rice meal, isang cup rin lang ang
kanin. Buti pa 'yung Bento, kumpleto.
Alam naman nating malakas sa kanin ang mga kababayan natin.
Kaya para sa kapakanan ng mga gutom na tiyan, nananawagan ako sa lahat ng food
chains at restaurants dito sa Pilipinas na gawing rice-all-you-can-eat ang
kanilang rice meals! Pero dapat walang price increase!
Mas enjoy ang Chickenjoy kapag kanin ay 'di bitin. Ipaglaban
ang karapatan mong mag-kanin! Kaya't sabay-sabay nating isigaw ang sigaw ng
bayan:
Kanin! Kanin! Kanin!
: )
Thursday, August 18
Vrum! Vrum!
Motorsiklo na raw ang bagong hari ng kalsada. Ito ang titulong hawak dati ng mga jeepney. Bigla kasing nagsulputang parang kabute ang mga nagbebenta ng murang motorsiklo kaya ang resulta: lomobong parang populasyon ng Pilipinas ang bilang ng mga motorsiklo sa daan. Gagaya na ba tayo sa Thailand?
Pero ang nakakabahala lamang, ginagamit rin ito ng mga kawatan sa kanilang masasamang gawain. Nandyan yung mga "riding-in-tandem" na nang-aagaw ng cellphone at bag o kaya'y mas malalang krimen tulad ng armed robbery at carjacking. Madali kasing makatakas ang mga kriminal gamit ang motorsiklo dahil mabilis ito. Kaya rin nitong mag-overtake o sumingit sa pagitan ng ibang sasakyan lalo na kung magaling magmaneho si gago. Kaya madalas, hindi nasasakote ng mga pulis ang mga tarantado.
Ang isa pang problemang dulot ng pagdami ng motorsiklo ay ang pagtaas ng kaso ng aksidenteng sangkot ang bagong hari ng kalsada. Masuwerte kung galos at konting sugat lamang ang tinamo ng naaksidente sa motor dahil sa pagkakaalam ko, marami dito ang namamatay on the spot. Karamihan kasi ng mga namamatay sa aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo ay dahil sa hindi pagsusuot ng matigas na helmet. Marami kasing matitigas ang ulo na sadyang binabalewala ang paggamit nito. Ang iba'y mayroon namang suot pero pang-scooter nga lang. Ngunit balewala rin ang tigas ng kanilang ulo kapag sila'y minalas na maaksidente sa daan. Kahit sinong tumilapon sa ere at bumagsak sa matigas na semento, kahit gaano pa katigas ang ulo ay siguradong mababasag ang bungo kapag helmet ay hindi suot. Laman na agad ng news programs mamaya at laman pa ng tabloid bukas. Ngayon, ayaw mo pa rin bang magsuot ng helmet?
Wala namang masama sa pagmo-motor kung hindi tarantado ang nagpapaandar nito. Walang maaaksidente kung tamang disiplina ang nangingibawbaw sa kalsada. At wala ring mawawala kung uunahin lagi ang kaligtasan.
: )
Sunday, July 17
Mischief Managed!
Matapos ang walong buwang paghihintay, sa wakas ay nandito na rin ang Part 2 ng Harry Potter and the Deathly Hallows. Sa sobrang excitement, pinamadali ko pa ang kapatid ko para lang maabutan yung 11:10 AM, pero dahil nasa dugo namin ang JASMS, di namin ito inabutan. Buti na lang may 11:40 AM dun sa isang theater. Anyway, pagpasok ko ng sinehan, sabi ko sa sarili ko, "It all ends now!"
: )
After 130 minutes sa aking kinauupuan, ang nasabi ko na lang, "That's it?"
: |
Naiintindihan kong hindi lahat ng mga nakasaad sa libro ay lalabas sa movie adaptation nito. May mga detalye talagang matatanggal pero dapat maiwan yung mga importanteng bagay. Ngunit sa kaso ng 7.2, talagang may natanggal na mga importanteng detalye! Ang bilis pa ng mga pangyayari! But wait, there's more!
Una sa listahan ng mga hindi ko nagustuhan sa 7.2 ay ang Chamber of Secrets scene. Bakit pa ito dinagdag kung yun lang ang nangyari?! Bakit?! Pangalawa, bitin na bitin ako sa fight scenes. Bakit kulang sa aksyon?! Bakit?! Pangatlo, ang nakakainis na katapusan ni Bellatrix Lestrange. Bakit sumabog si Bellatrix?! Bakit?! Pang-apat, kung sisirain rin lang pala yung Elder Wand, sana nadurog na lang ito sa final duel nila Harry at Voldemort. Bakit pinutol?! Bakit?! At huli, parang walang dating yung epilogue. Di ba dapat makulit si James? At bakit masyadong seryoso si Al? Bakit nagkaganoon sila?! Bakit?!
Sa kabuuan, ayos lang yung pelikula. Ayos lang. Hindi maganda, hindi pangit. Ayos lang. Ang nagustuhan ko lang talaga ay ang kwento ni Snape, kahit bitin. Muntik pa nga akong maluha, seryoso. Sana yun na lang ang dinagdagan nila ng eksena.
Masyado siguro akong nag-expect. Pero masisisi mo ba ako? Matagal ko itong hinintay e! Naalala ko tuloy yung Goblet of Fire. Deathly Hallows Part 2 na nga ang pinakahuli sa film series na ito tapos ganito pa ang kinahinatnan. Bakit ganun?! Bakit?!
: (
Wednesday, July 6
Byaheng 90's
Kaninang umaga, pagsakay ko ng ordinary bus ay agad kong narinig ang hindi napapanahong tugtugin ng 1990's. Hindi ito mula sa isang radio station dahil walang nagsalitang nakakairitang DJ. Natuwa ako dahil matagal ko nang hindi naririnig ang mga napakinggan kong kanta kanina. Napakanta ako sa halos lahat ng kanta nila Ariel Rivera, Dingdong Avanzado, April Boy, Roselle Nava, Carol Banawa, Gary V., Freestyle, Side A, at marami pang ibang hindi ko na maalala ang kumanta. Naalala ko tuloy na madalas kong marinig ang mga kantang 'yan sa radyo noong bata pa ako. Ang nakakainis lang kanina, hindi buo lahat ng narinig kong kanta! Mula 1st verse hanggang end of chorus lang and then next song na agad! Lintek 'yung nag-burn ng CD! Kung kumpleto lang 'yung mga kanta kanina, mas masaya sana. Nabitin ako e. Ayaw ko pa namang nabibitin.
Paminsan-minsan, subukan ninyong makinig ng mga kantang napapakinggan ninyo noong kayo'y bata pa lalo na ang OPM. Sa halos isang oras kong byahe kanina, sandali akong bumalik sa pagkabata. Marami tayong magagandang tugtugin noon na hindi dapat nababaon sa limot ngayon. Mabuti nga't may naririnig pa akong mga lumang OPM songs sa radyo ng mga pampublikong sasakyan. Hinding-hindi ko tatawaging laos ang mga kantang ito. Mas laos ang mga taong lumilimot dito.
Para sa akin, mas malaman ang mga kanta noon kaysa mga usong tugtugin ngayon. Kung tutuusin nga, mas may kwenta pa 'yung mga OPM songs noong 90's kaysa mga kanta ni Justin Bieber.
: )
Tuesday, May 31
Maanghang
Thursday, May 19
Baka tamaan ng kidlat
Tuwing kumukulog o kumikidlat, bukod sa kailangan patayin ang TV at PC ay kailangan rin i-unplug ang cables ng super antenna (Yes, hindi kami naka-cable TV dahil hindi kami mayaman)at ng modem (Yes, may PC sa bahay pero hindi pa rin kami mayaman) dito sa bahay. Bakit? Dahil baka tamaan ng kidlat yung antenna o kable sa mga poste. Pero bukod pa dyan, may isa namang kakaibang ginagawa ang aking Tatay dito sa bahay kapag nagwawala ang kalangitan. Itinatago o tinatakpan niya ang mga salamin (mirror) gamit ang anumang tela tulad ng towel. Bakit daw? Kasi baka tamaan daw ng kidlat yung salamin. Weird.
Hindi ko alam kung sinong hudas ang nag-imbentong lapitin ng kidlat ang mga salamin. Kahit kasi sa probinsya namin, ginagawa yun kapag kumukulog at kumikidlat sa kasagsagan ng ulan. Yung antenna at mga kable sa poste, matatanggap ko pang posibleng tamaan ng kidlat. Pero yung salamin?! Anong koneksyon? Teka, hindi kaya iisa lang ang nag-imbento nito at ang nagpauso ng mga out-of-this-world pamihiin sa mga baryo? Kung buhay pa siya, sana tamaan siya ng kidlat!
At dahil umulan kagabi, hindi tuloy namin natapos yung episode 12 ng My Girlfriend is a Gumiho. Tapos na mag-buffer yun e! Kainis!
: (
Subscribe to:
Posts (Atom)