Ako mismo'y nadismaya pagkakita sa mga litratong ito. Ang liit ng studio! Teka, hindi ba't si Laurenti Dyogi ang director nito? 'Yung Big Brother House nga nakaya niyang pagandahin every season e. Anong nangyari dito? Naubos ang budget kay Ms. Lea Salonga? Big Brother, you can do better than that!
Napapanood ko kasi ang US (mula Season 3) at UK (Series 2) versions kaya naman hindi ko maiwasang ikumpara ito sa Philippine version. May nakita pa nga akong ikinukumpara ito sa versions ng ating mga karatig bansa.
Sino ba namang hindi madidismaya sa resulta kung ang ginamit nila sa teasers ng local version ay video clips mula sa The Voice US?
Sana sa The Voice of Holland na lang sila kumuha ng video clips para hindi masyadong nadismaya at umasa ang ilang fans ng The Voice.
By the way, si Ben Saunders nga pala ang first winner ng The Voice of Holland.
Ngayon, bukod sa mukhang piloto ng Voltes V ang coaches ng The Voice of the Philippines, ano naman kaya ang magiging istura ng Battles set? Utang na loob! Sana may mas malaking studio ang ABS-CBN. At kung totoo man na sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World gaganapin ang live shows, aba'y malaking improvement na 'yun! Gandahan na lang nila ang production design. Kahit kasi singing contest ang The Voice, it is still a TV show. Bukod sa naririnig ang tenga, importante rin ang nakikita ng mata.
: )
2 comments:
normal sa pilipinas ang gumawa ng project na malaki, pero maliit ang studio.. tignan mo ang masterchef ph.. ang liit ng studio nila nung auditions ng mga home cooks..
Yun nga e, karamihan kasi ng ginagamit nilang studios ay luma na. Kaya sana maisipan nilang gumawa ng mas malaki.
Post a Comment