Naglabas ng ilang litrato ang The Voice of the Philippines Facebook page ng mga kuha mula sa taping ng Battle Rounds. Noong Martes, lumabas ang dalawang ito:
#VoicePH Update: Coach Bamboo ready for battle! | facebook.com/TheVoiceABSCBN |
#VoicePH Battle Round set sneak peek. | facebook.com/TheVoiceABSCBN |
Ang liit ng stage pero hindi na masama. Wala naman tayong magagawa, hindi ba? Kumpara sa Blind Auditions, malaking improvement na ito (Clap clap sa production design team). Pero ang talagang nagustuhan ko dito ay sa wakas, nakita ko na ang live band! Hindi ko kasi nakita 'yung banda sa Blind Auditions kaya akala ko'y recorded ang music ng mga nag-audition.
Para naman sa mga nagtataka kung bakit parang boxing ring ang stage, ganyan talaga 'yan. Mixed martial arts ang laban eh. At uto-uto ka kung naniwala ka naman. Ganito ang siste: Bawat coach ay pipili ng dalawa o tatlong artists sa kanyang team para magkasamang kumanta ng iisang kanta. Tutulungan at gagabayan naman sila ng kanilang coach at kasama nitong mentor bago tuluyang makipagbuno sa boxing ring. Pagkatapos ng performance, pipili ang kanilang coach ng battle winner at pasok na siya sa next round. At base sa litratong nasa ibaba, mukhang may pag-asa pa ang matatalong artist.
The Ultimate Multimedia Star @CelestineGonzaga for The #VoicePH Battles. Abangan. | facebook.com/TheVoiceABSCBN |
Pagkatapos mong tingnan si Toni, tingin ka naman sa background. Makikitang may buttons pa rin ang Big Red Voltes V Chairs. Dalawa lang ang ibig sabihin nito:
- May Steal/Save at posible ring may Knockouts ang Philippine version o kaya nama'y
- Nakalimutan lang tanggalin.
#VoicePH Battle Rounds Day 2 today. Good luck, artists! Let the battle begin! | facebook.com/TheVoiceABSCBN |
Mapapansin naman sa kuhang ito na katabi ng coaches ang kanilang mentors. Nakilala ko agad si Gerard Salonga for Coach Lea at si Gary V. naman for Coach Sarah. Hindi ko naman makilala 'yung kay Bamboo at kay Apl... Nasan kay Apl?!
Sa Australian version, kasama rin ang mentors pero nakaupo sila sa likuran ng coaches. Pwede munang kausapin ng coach ang mentor bago mag-decide ng battle winner. Sa US and UK versions naman, sa rehearsals lang lumilitaw ang mentors. Dahil dito, naisipan kong maghanap sa YouTube ng Battle Rounds video clips ng orihinal na The Voice of Holland at ito ang aking nakita:
Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng maliit na set pati ang mentors sa tabi ng coaches. Maliit din siguro ang studio nila doon. Ngayon alam ko na kung bakit parang may sariling mundo ang production team ng The Voice of the Philippines. Akala ko dahil nagtitipid sila ng budget. 'Yun pala, mas pinili nilang gayahin ang set ng original version kaysa mas kilalang US at UK versions. Well, good luck na lang sa pagtitipid nila.
Coach @MsLeaSalonga ready for the 2nd day of Battle Rounds. #VoicePH | facebook.com/TheVoiceABSCBN |
Ayon sa isang tweet ni Ms. Lea Salonga, sa July 28 daw magsisimula ang airing ng Battle Rounds. Wow, ang tagal. At base sa napakaraming episodes ng Blind Auditions, tingin ko'y isang buwan din itong eere. Baka sa September pa ang Live Shows at tatanghalin ng Guinness ang The Voice of the Philippines bilang may pinakamaraming episodes ng The Voice sa buong mundo.
Matagal pa ang July 28. Matagal pa akong maghihintay. Nawalan na kasi ako ng interes sa first episode pa lang ng Blind Auditions kaya hindi ko na rin pinanood ang mga sumunod na episodes. Sana lang ay hindi masayang ang aking matagal na paghihintay. At sana, nag-Rexona si Apl para he won't let me down.
: )
2 comments:
hi po. i just would like to correct you po. i believe may banda po sa blind auditions. kaya lang, hindi masyandong kita because hindi naman sila iniilawan sa likod. pero definitely, there's a band. i remembered lea mentioned during juvie's audition that the band must have been delighted to play a piece like juvie's.
Hinanap ko tuloy 'yung audition ni Juvie at ayun, nakita ko na sila. Yehey! I already edited the post and thank you very much for correcting my error.
: )
Post a Comment