Nang sakupin ng Jollibee ang Mang Inasal noong nakaraang
taon, akala ko'y magiging unlimited rice na rin ang paborito kong 2 pcs.
burgersteak meal. Pero hindi pa rin ito nangyari. Hay naku.
Kanin na nga lang, ipinagkakait pa? Bakit ba hindi nila
maipatupad ang unlimited rice scheme? Mamumulubi ba sila pag nag-unlimited rice
sila? Ang Mang Inasal nga ilang taon nang may unlimited rice pero kita naman
natin ang patuloy pa nitong paglaki. Samantalang 'yung mga mas kilala at 'di
hamak na mas big time na food chains sa bansa (ehem, Jollibee, ehem, Mcdonald's)
ay hindi man lamang ito magawa! Sa isang rice meal, isang cup rin lang ang
kanin. Buti pa 'yung Bento, kumpleto.
Alam naman nating malakas sa kanin ang mga kababayan natin.
Kaya para sa kapakanan ng mga gutom na tiyan, nananawagan ako sa lahat ng food
chains at restaurants dito sa Pilipinas na gawing rice-all-you-can-eat ang
kanilang rice meals! Pero dapat walang price increase!
Mas enjoy ang Chickenjoy kapag kanin ay 'di bitin. Ipaglaban
ang karapatan mong mag-kanin! Kaya't sabay-sabay nating isigaw ang sigaw ng
bayan:
Kanin! Kanin! Kanin!
: )
No comments:
Post a Comment