Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, March 15

Remote Control

Simula nang masira ang remote control ng biniling DVD Player ni Papi, hindi na namin ito muling nagamit nang maayos. Apat lang kasi ang built-in buttons sa mismong player: Play/Pause, Stop, R/L (speaker) at Open/Close. Kaya kung manonood ka, dapat tuloy-tuloy. Walang rewind at wala ring fast forward. Good luck na lang kapag may na-miss kang eksena.

Ni minsan ay hindi sinukuan ni Papi ang DVD Player na 'yun. Hindi siya pabor na bumili na lang ng bagong Blu-ray Player. Kapag may dumadaan ngang nagbebenta ng remote control sa tapat ng bahay, nagbabakasakali siya na may isang gumana sa aming DVD Player. Pero ni isa, walang tumalab. Ngunit nitong nakaraang Linggo, dinapuan na ng swerte si Papi. Nang may dumaan na nagtitinda ng remote control, agad niya itong tinawag para ma-testing ang mga inilalako nito. Mga limang remote controls yata ang nasubukan niya at lahat naman gumana... pero hindi maayos. Hindi kasi tugma ang karamihan ng buttons sa dapat na silbi nito. Sa huli, binili na rin ni Papi 'yung may "pinakamalapit" na remote control.

http://memecrunch.com/
Ang problema, pahirapan gamitin 'yung bagong remote control. "Universal" kasi. Kumbaga sa gamot, generic. Walang brand. Power at Open/Close buttons lang ang gumagana nang tama. Sa ibang buttons, kailangan mo pa ng matinding pagsasanay para makabisado kung alin ang alin at saan ang saan. Halimbawa na lamang, ang Volume Control ay nasa buttons 1(+) and 4(-) samantalang ang nasa Volume (-) button naman ay Play. 'Yung iba, hahayaan ko na sa iyong imahinasyon.

Looking on the bright side, masaya na si Papi dahil muli nang magagamit ang aming DVD player. Good luck na lang sa amin.

: )

No comments: