Isang hapon habang ako'y inaantok sa loob ng bus, biglang may umakyat sa bandang Boni na nagbebenta ng mani sabay sigaw:
"Mani! Mani! Mani kayo dyan! Mainit pa, bagong lutong mani! Mani!"
Araw-araw namang bagong luto ang mani nila. Araw-araw ding mainit dahil bilad ito sa araw. May dalawang pasahero siyang nabentahan sa bandang harapan at tumuloy siya sa likuran.
"Mani kayo dyan! Mainit pa! Mani!"
Nang wala nang iba pang bumili, hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.
"Mani! Ayaw nyo? Itatapon ko 'to!"
Nagtawanan bigla ang ilang pasahero pati na ako. Agad naman siyang bumaba ng bus pagkatapos niyang gumawa ng eksena. Sandali ring nawala ang nararamdaman kong antok.
: )
Showing posts with label bus stop. Show all posts
Showing posts with label bus stop. Show all posts
Friday, August 9
Wednesday, July 6
Byaheng 90's
Kaninang umaga, pagsakay ko ng ordinary bus ay agad kong narinig ang hindi napapanahong tugtugin ng 1990's. Hindi ito mula sa isang radio station dahil walang nagsalitang nakakairitang DJ. Natuwa ako dahil matagal ko nang hindi naririnig ang mga napakinggan kong kanta kanina. Napakanta ako sa halos lahat ng kanta nila Ariel Rivera, Dingdong Avanzado, April Boy, Roselle Nava, Carol Banawa, Gary V., Freestyle, Side A, at marami pang ibang hindi ko na maalala ang kumanta. Naalala ko tuloy na madalas kong marinig ang mga kantang 'yan sa radyo noong bata pa ako. Ang nakakainis lang kanina, hindi buo lahat ng narinig kong kanta! Mula 1st verse hanggang end of chorus lang and then next song na agad! Lintek 'yung nag-burn ng CD! Kung kumpleto lang 'yung mga kanta kanina, mas masaya sana. Nabitin ako e. Ayaw ko pa namang nabibitin.
Paminsan-minsan, subukan ninyong makinig ng mga kantang napapakinggan ninyo noong kayo'y bata pa lalo na ang OPM. Sa halos isang oras kong byahe kanina, sandali akong bumalik sa pagkabata. Marami tayong magagandang tugtugin noon na hindi dapat nababaon sa limot ngayon. Mabuti nga't may naririnig pa akong mga lumang OPM songs sa radyo ng mga pampublikong sasakyan. Hinding-hindi ko tatawaging laos ang mga kantang ito. Mas laos ang mga taong lumilimot dito.
Para sa akin, mas malaman ang mga kanta noon kaysa mga usong tugtugin ngayon. Kung tutuusin nga, mas may kwenta pa 'yung mga OPM songs noong 90's kaysa mga kanta ni Justin Bieber.
: )
Friday, September 21
The Knight Bus
Sumakay ako sa isang bus na lagi kong sinsakyan papasok, pero this time, pauwi na ako. Maganda kasi ang mga bus ng kumpanyang ito. Halos lahat bago. Laging malamig at may tv. This time, Harry Potter 3 ang palabas, napanood ko na yun pero dahil libre naman, pinanood ko na rin.
Habang binabaybay namin ang Commonwealth Avenue, biglang bumilis ang takbo ng bus! Sinabayan naman ng eksena sa tv: humaharurot ang Knight Bus kung saan nakasakay si Harry! Parang bigla kong naramdam (pati ata lahat ng pasahero ng bus) ang biyaheng-Knight Bus! Parang walang pakialam yung driver basta makauwi siya ng bahay! Pare-pareho kami ng movements sa loob ng bus. Pag kumanan yung bus, nahahatak kami sa kaliwa. Pag kaliwa naman, kanan. Ilang minuto rin kaming parang binabagyong eroplano, buti na lang, di nawawalan ng traffic sa Commonwealth. Naging maaliwalas ulit ang lahat.
Sanay naman ako sa mga ganung bus. Nakakauwi naman akong buhay at di tulad ng naranasan ni Harry sa Knight Bus, hindi naman kami tumatalsik pag nagpepreno yung bus. Parte na yan ng araw-araw ko. Mas mabilis, mas masaya. Lalo na kung male-late ka na.

Subscribe to:
Posts (Atom)