Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, July 1

Pinoy Fear Factor in South America

Kasalukuyang nagpapa-audition ang ABS-CBN para sa mga gustong sumali sa PINOY FEAR FACTOR. Hindi ko nga lang alam kung saan at kailan dahil tapos na yung audition doon sa PDA Concert Hall (June 29).

Ayon rin sa commercial ads ng programa, 30 days raw titira ang mga kalahok somewhere in South America. Palagay ko sa Amazon River. At ang top prize raw ay tumataginting na P2,000,000! Malayung-malayo sa format ng US version! Parang Survivor na nga e.

Onga pala, ang Fear Factor ay hindi galing sa US. Galing ito sa Endemol Netherlands na siya ring may gawa ng Big Brother at Deal or No Deal. Ang orihinal na titulo nito ay NOW OR NEVERLAND. Ang pangit no? Sa US lang ito ginawang FEAR FACTOR.

So, kung matibay ang sikmura mo, sumali ka dito.

: )

No comments: