- Nakakairita ang host. Lahat ng bagay pinapansin at sinasabi niya. Kung may di siya nagustuhan sa mga contestants, sinasabi niya rin. Pati personal na buhay ng mga contestants, pinakikialaman niya.
- Sinisigawan ang wheel. Hindi ko alam kung required bang magsisigaw yung mga contestants kung ano ang halaga na gusto nilang makuha pag tumigil sa pag-ikot ang wheel. Para silang sira. Mapapaki-usapan ba yun? Naalala ko tuloy bigla yung Deal or No Deal. Sinisigawan rin kasi ng contestant yung briefcase.
- Dinidiktahan ng host ang contestant. Kapag medyo malaki na ang pera ng contestant, inuudyukan ito ng host na mag-buy a vowel. P2,500 ang halaga ng isang vowel. Minsan naman sa Jackpot round, kapag gusto na nung contestant na mag-solve the puzzle at hindi pa nakukuha ang pot prize, inuudyukan din ito ng host na tumuloy pa. Ang masama pag tumuloy, minsan naba-bankrupt.
- Kitang-kita ang crabmentality. Kapag turn to spin ni Yellow player, sisigaw ng "BANKRUPT!" at "LOSE A TURN!" sina Blue at Red player, then vise versa. Sayang nga lang at wala akong nakitang mga congressman na naglaro.
- May favoritism. Dalawa ang Puzzle Assistant ng programa. Yung isa maganda, yung isa mas maganda. At yung huli ang laging pinapansin ng host. Bukod doon, madalas rin magkaroon ng paboritong player ang host. Madalas rin itong manlait.
- Suwerte raw ang ganito't ganyan. Mahilig nga naman tayong mga Pilipino sa mga paniniwalang wala namang basehan. At malinaw itong makikita sa programa, salamat na rin sa magaling nilang host. Maswerte raw ang kalbo. Maswerte raw ang kulay pula. Kapag malas raw sa lovelife maswerte naman raw sa programa nila. At kung anu-ano pa. Tapos sa huli, hihirit siya ng "God is Good!" Wow.
Sa Lunes, wala ng Wheel of Fortune. Deal or No Deal na. But unfortunately, si Kris Aquino na naman ang host nito. Hay. Kailan ba siya mapapalitan?
: )
No comments:
Post a Comment