Pinanood ko kanina yung Miss Universe 2008 bago ako pumasok kaya nalaman ko agad kung sino ang nanalo. At ito'y walang iba kundi si Ms. Dayana Mendoza ng Venezuela. Pumangalawa naman si Taliana Vargas ng Colombia. Nakasama naman sa Top 5 sila Marianne Cruz ng Dominican Republic, Vera Krasova ng Russia, at Elisa Najera ng Mexico.
Hindi ko naman napanood yung nabalitaan ko kanina pag-uwi ko na nadulas raw sa kalagitnaan ng evening gown competition si Miss USA Crystle Stewart. Baka naliligo ako nung nangyari yun kaya di ko nakita.
Hindi ko naman napanood yung nabalitaan ko kanina pag-uwi ko na nadulas raw sa kalagitnaan ng evening gown competition si Miss USA Crystle Stewart. Baka naliligo ako nung nangyari yun kaya di ko nakita.
Sa mga hindi nakakaalam, sa Nha Trang, Vietnam ginanap ang Miss Universe 2008. Kaya naman noong evening gown competition na e nag-joke yung host dahil umaga doon nung mga oras na yun. Gets mo?
Dahil na rin sa pagkapanalo ni Miss Venezuela, mayroon na ngayong hawak na 5 Miss Universe titles ang Venezuela. Huli itong nanalo noong 1996. Mayroon rin silang hawak na 5 Miss World titles. Ang galing!
Wala namang naiuwi ang ating representative na si Jennifer Barrientos kahit na Best in National Costume. Mukhang tinamad bumoto on-line ang ating mga kababayan.
: )
Photo from Yahoo! News and Associated Press
No comments:
Post a Comment