Oo nga't ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na gawing malinis at maganda ang Metro Manila. Pero hindi ba pwedeng sa matino at makataong paraan? Hindi naman mga daga ang mga tinataboy nila a. TAO. Mga taong katulad nila na may puso't damdamin, atay at bituka. Bakit kailangan nilang umastang parang diktador? Tama na ang isang pangulo para magpaka-diktador sa Pilipinas. Pwede naman nilang pakiusapan a!
Dapat na nga sigurong gumawa ng hakbang ang CHR ukol dito. Habang maliit pa ang sungay, dapat na itong putulan.
: (
No comments:
Post a Comment