Siya si Gretchen Espina, ang nagwagi (sa di nalamang dami ng boto) sa "Pinoy Idol" ng GMA na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia noong August 17 (grand finals). Tinalo niya sina Jayann Bautista at Ram Chavez para tanghaling the very 1st Pinoy Idol.
Pero technically, siya ang pangalawang winner ng isang Philippine Idol fenchise dahil alam naman natin na si Mau Marcelo ang unang naging "Idol" nang manalo ito sa "Philippine Idol" two years ago.
Hindi ko napanood ang finale ng programa. At hindi ko rin napanood ang kabuuan ng kompetisyon kaya hindi ko rin alam kung deserving ba talaga siyang manalo.
Bakit kanyo?
Bali-balita kasi na kaya raw siya nanalo sa Pinoy Idol ay dahil anak raw ito ng isang politiko (governor ng Biliran sa Eastern Visayas). Impluwensiya raw. Napag-alaman ko rin na ni minsan ay hindi ito napadpad sa Bottom Group (tulad ni Jayann, co-finalist niya) ng kompetisyon---ibig sabihin, maraming botante. Ito kayang "maraming botante" na ito ang tinutukoy nila na epekto ng impluwensiya ng kanyang ama? Hindi ko alam.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, Gretchen will be receiving a prize package worth P5.7 million, including 1 million pesos in cash from SM Supermalls, a management contract from GMA Artist Center, a recording contract from Sony-BMG, a brand new car, and a condo unit from Avida Towers in New Manila (tagpuan.com). Nalaman ko rin na napag-usapan raw pala ng tatlong finalist na may hatian silang gagawin sa pera mapapanalunan ng mananalo. Ayon sa Inquirer.net, Espina added: “I will share a portion of my winnings with the two other finalists. Napagkasunduan na namin ito (We agreed on this).” Bautista and Chaves will each receive P100,000 from her.
Ang bait.
: )
No comments:
Post a Comment