Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, December 26

Si Siopao

Last week, nakatanggap ng laruang itim na pusa yung kapatid ko. Sapilitan kong inangkin yung stuff toy at pinangalanan kong Siopao.

May hawak na puso si Siopao na may nakasulat na 'LOVE", at ayon sa nakasaad ay may balat sya na 84% nylon at 16% Spandex at may laman itong 100% Polystyrene beads, for short, styro.

Madalas kong gamiting panggulo si Siopao kila Princess at Sputnik (mga aso namin) pero hindi naman nila ito pinapansin, inaamoy-amoy lang. Hindi sila naniniwalang pusa si Siopao dahil na rin siguro sa hugis-siopao nga ang ulo nito.

Yan si Siopao. Ang instant pusa namin.

: )

Wala, walang reserve-reserve!

Yan yung madalas sabihin nung isang matanda sa simbahan noong Simbang Gabi. May punto naman sya kasi dapat nga naman e first-come, first-served sa upuan. Pero hindi mo nga naman maiiwasan na mag-reserve dahil may kapamilya ka rin gusto mong paupuin.

Pero kinabukasan, nakita naming may ni-reserve na dalawang upuan yung matada sa harap namin. May pinaupo sya bago magsimula ang misa.

Akala ko ba walang reserve-reserve?

: )

Nakakasawa na si Inday

Hanggang last week ay nakakatanggap pa rin ako ng mga "Inday jokes" sa text at hindi na ako natutuwa dito. Nakakasawa na. Seryoso.

Tapos, napag-alaman ko pa na meron din palang english-speaking Inday dun sa Zaido at nung minsang nadatnan kong nanonood yung kapatid ko e nakita ko ngang may katulong na nag-e-english doon. At tauhan pa pala ito ng mga kalaban. Diba nakakainis?!

Bad trip.

: (

Tuesday, December 18

"A Prirority Project of HOA Phase 1"

Yan ang nakalagay dun sa isang karatula sa dulo ng street namin.

May napansin ka bang kakatwa? Kung wala, basahin mo ulit yung title.

Ano? Nakita mo na? Nakakainis diba? Hahaha!

: )

Ang Asian Idol at Pinoy Idol

Nabigong maiuwi ni Mau Marcelo noong nakaraang Linggo ang titulong Asian Idol dahil yung taga-Singapore ang nanalo sa patimpalak na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Samantala, tuloy na nga ang Pinoy Idol sa GMA. Ewan ko lang kung isasabay nila dun sa American Idol 7 dahil sa January 2008 na ang airing nito. Oo, mukhang inagaw rin ng GMA ang pagpapalabas ng AI sa ABC5 dahil nakakakita ako ng commercial ng AI7 sa Qtv. Isa pa, hindi raw kikilalanin ng GMA si Mau Marcelo bilang kaunaunahang Pinoy Idol, which means Season 1 ulit yung gagawin ng GMA.

Hay, kawawang Mau. Anyway, alin kaya ang mas mabenta next year, PDA2 o Pinoy Idol?

: (

Ha? Totoo ba to?

Sa aking paglilibot sa mundo ng kabihasnan ay natagpuan ko itong paragraph na ito sa Wikipedia. Ire-remake raw ng GMA yung Darna at hulaan nyo kung sino ang bida?

Si Marian Rivera.

Eto yung nakalagay:

The 2008 Remake

"Because of Angel Locsin's decision on leaving GMA Network, the network removed all remembrances that she left including her picture of being Darna. Ms. Wilma Galvante decided to remake Angel's trademark to the mass, the Darna role. Many artists was being considered but Marian Rivera have 30% of getting the role. Marian Rivera who is slated to reprise the role, admitted to star in all GMA Telebabad Shows to continue the MariMar Fever because she is good in copying acts like what she did on the telenovela of Thalia.."

Ginawa kong Bold yung interesanteng nabasa ko. Tama naman diba? Mukhang mabubuhay nga sya sa Showbiz sa kare-remake ng mga pumatok na programa. Balita ko gagawa rin daw sila ng Rosalinda.

Sunday, December 16

"Ibato mo yung pusa!"

Nung isang araw, habang ako'y nag-iigib ng tubig ay narinig ko yung malayong kapit-bahay namin na sumisigaw.

"Anak! Wag mong paglaruan yung pusa! Mamamatay yan!"

Tiningnan ko naman kung nasaan yung bata at nakita ko ngang may hawak itong kuting. Pero bigla akong natawa nang muling nagsalita yung ina.

"Ibato mo yung pusa!"

LOL. Mas mamamatay ata yung pusa pag binato mo e! Haha!

: )

Bagon show ni Pacquiao, di na bago.

Tama. Yung Pinoy Records. Bago kasi yun ay may Pinoy Records na sa ABC5 hosted by Benjie Paras, segment ata yun nung tinagalog na Guiness World Records blah blah...

A, basta. Peke yun. Ayun din sa nakita kong ratings nun, hindi naman ganun kataas.

Hay, pag hindi talaga boxing, walang kwenta si Pacquiao.

: )

"Hi Arthur! What's going on?"

Yan ang tanong ni Joey (Magic DJ) nang may tumawag para bumoto sa Top 5 @ 5 noong isang Huwebes. At alam nyo ba ang sinagot ng mokong? Nag-isip muna sya ng 4 seconds saka sinabing...
"About what?"
Tawa ako nang tawa! Pati yung dalawang DJ tawa rin nang tawa! Ang laking ----- naman nung tumawag! Nakakainis! Sana binagsakan na lang sya ng telepono!
: )

What?! Jessica Alba's pregnant?!

Hindi nga?! O HINDEEE!!!

Ngayon ko lang nabalitaan! Nung isang araw pa pala binalita! Langya!

...

: (

O HINDEEE!! NA-ELIMINATE SILAHH!!

Oo, medyo nalulungkot at disappointed nga ako dahil parehong bet ko sa Survivor: China at Amazing Race 12 e parehong na-eliminate sa isang linggo lang.

Kung nanonood ka, alam mo na siguro kung sino tinutukoy ko: sina Azaria and Hendekea sa AR12 at si Peih-Gee sa Survivor.

Sayang talaga. Pero ganyan talaga. Na-film na yun e so wala na akong magagawa kundi manood. Pero sayang lang talaga.

: (

Monday, December 10

Heroes Season 2, naka-11 episodes lang.

Yup. 11 lang. Powerless yung title nung huling episode so far.

So far dahil hindi ko rin naman alam kung tapos na talaga yung Season 2 o pansamantala munang nawala dahil sa strike doon ng mga writers.

Yun lang. Wala lang. Gusto ko lang isulat.

: (

Wednesday, October 10

Primetime TV Ratings in Mega Manila (Oct. 1-7)

October 1, Monday

1. Marimar (GMA-7) - 35.4%
2. 24 Oras (GMA-7) - 33.4%
3. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 32.6%
4. Zaido (GMA-7) - 31.7%
5. Jumong (GMA-7) - 29.5%
6. Lastikman (ABS-CBN) - 29%
7. Kokey (ABS-CBN) / TV Patrol World (ABS-CBN) - 27.5%
8. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 23.8%
9. Ysabella (ABS-CBN) - 19.3%
10. Natutulog Ba ang Diyos (ABS-CBN) - 16.7%

October 2, Tuesday

1. Marimar (GMA-7) - 36.6%
2. 24 Oras (GMA-7) - 34.9%
3. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 34.6%
4. Zaido (GMA-7) - 33.9%
5. Lastikman (ABS-CBN) - 29.2%
6. Jumong (GMA-7) - 28.2%
7. Kokey (ABS-CBN) - 28.1%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 27.7%
9. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 24.4%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 20.8%

October 3, Wednesday

1. Marimar (GMA-7) - 38.2%
2. Zaido (GMA-7) - 35.6%
3. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 35%
4. 24 Oras (GMA-7) - 33.4%
5. Jumong (GMA-7) - 28%
6. Kokey (ABS-CBN) - 27.7%
7. Lastikman (ABS-CBN) - 27.5%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 26.8%
9. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 25.6%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 22.9%

October 4, Thursday

1. Marimar (GMA-7) - 37.9%
2. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 35%
3. Zaido (GMA-7) - 34.9%
4. 24 Oras (GMA-7) - 33.2%
5. Jumong (GMA-7) - 31.1%
6. Lastikman (ABS-CBN) - 29.3%
7. Kokey (ABS-CBN) - 28.8%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 26.5%
9. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 25.4%
10. Magpakailanman (GMA-7) - 20.8%

October 5, Friday

1. Marimar (GMA-7) - 40%
2. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 36.4%
3. Zaido (GMA-7) - 33.1%
4. 24 Oras (GMA-7) - 29.8%
5. Jumong (GMA-7) - 29.2%
6. Lastikman (ABS-CBN) - 27.9%
7. Kokey (ABS-CBN) - 27%
8. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 24.5%
9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 24.1%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 22.3%

October 6, Saturday

1. Bitoy’s Funniest Videos (GMA-7) - 33.9%
2. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 29.9%
3. Celebrity Duets (GMA-7) - 28%
4. Imbestigador (GMA-7) - 25.6%
5. 1 vs. 100 (ABS-CBN) - 21.7%
6. TV Patrol World (ABS-CBN) - 19.4%
7. John En Shirley (ABS-CBN) - 17.5%
8. XXX (ABS-CBN) - 17.1%
9. Nuts Entertainment (GMA-7) - 14.8%
10. U Can Dance (ABS-CBN) - 12.6%

October 7, Sunday

1. Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok (GMA-7) - 33.4%
2. Kap’s Amazing Stories (GMA-7) - 33.1%
3. Mel & Joey (GMA-7) - 26.2%
4. All-Star K (GMA-7) - 21%
5. Goin’ Bulilit (ABS-CBN) - 20.1%
6. Rated K (ABS-CBN) - 19.6%
7. TV Patrol World (ABS-CBN) - 16.9%
8. Ful Haus (GMA-7) - 15.7%
9. Sharon (ABS-CBN) - 14.4%
10. That’s My Doc (ABS-CBN) - 12.3%

Source: AGB Nielsen Philippines

Monday, October 8

Primetime TV Ratings in Mega Manila (Sept. 24-30)

September 24, Monday


1. 24 Oras (GMA-7) - 35.2%
2. Zaido: Pulis Pangkalawakan (GMA-7) - 34.6%
3. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) - 31%
4. Marimar (GMA-7) - 30.5%
5. TV Patrol World (ABS-CBN) - 30.4%
6. Lastikman (ABS-CBN) - 30.3%
7. Kokey (ABS-CBN) - 29.2%
8. Jumong (GMA-7) - 23.9%
9. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) - 23%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 19%

September 25, Tuesday

1. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) - 35.1%
2. Zaido (GMA-7) / Marimar (GMA-7) - 33.3%
3. 24 Oras (GMA-7) - 30.8%
4. Kokey (ABS-CBN) - 28.9%
5. Lastikman (ABS-CBN) - 27.8%
6. TV Patrol World (ABS-CBN) - 25.8%
7. Jumong (GMA-7) - 25.2%
8. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 24.5%
9. Ysabella (ABS-CBN) - 19.5%
10. Natutulog Ba ang Diyos? (ABS-CBN) - 16.1%

September 26, Wednesday

1. Zaido (GMA-7) - 34.8%
2. Marimar (GMA-7) - 34.6%
3. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 33.5%
4. 24 Oras (GMA-7) - 32.2%
5. Lastikman (ABS-CBN) - 28.9%
6. Kokey (ABS-CBN) - 28.8%
7. Jumong (GMA-7) - 27.6%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 24.2%
9. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) - 23%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 18.9%

September 27, Thursday

1. Marimar (GMA-7) - 36.1%
2. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) - 36%
3. Zaido (GMA-7) - 34.1%
4. 24 Oras (GMA-7) - 33.5%
5. Lastikman (ABS-CBN) - 30.3%
6. Kokey (ABS-CBN) - 29.6%
7. Jumong (GMA-7) - 26.3%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) / Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) - 25.6%
9. Ysabella (ABS-CBN) - 21.2%
10. Natutulog Ba ang Diyos? (ABS-CBN) - 15.5%

September 28, Friday

1. Marimar (GMA-7) - 39.6%
2. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) - 36.3%
3. Zaido (GMA-7) - 33.7%
4. 24 Oras (GMA-7) - 31.6%
5. Jumong (GMA-7) - 28.9%
6. Lastikman (ABS-CBN) - 28.7%
7. Kokey (ABS-CBN) - 26.2%
8. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) - 25.1%
9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 24.3%
10. Ysabella (ABS-CBN) - 21.1%

September 29, Saturday

1. Bitoy’s Funniest Videos (GMA-7) - 34.3%
2. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 32.1%
3. Imbestigador (GMA-7) - 28.7%
4. Celebrity Duets (GMA-7) - 28.5%
5. 1 vs. 100 (ABS-CBN) - 20.1%
6. John En Shirley (ABS-CBN) - 19.8%
7. XXX (ABS-CBN) - 18.4%
8. TV Patrol Sabado (ABS-CBN) - 18.1%
9. Nuts Entertainment (GMA-7) - 17.7%
10. U Can Dance (ABS-CBN) - 12%

September 30, Sunday

1. Kap’s Amazing Stories (GMA-7) - 30.7%
2. Tok! Tok! Tok! (GMA-7) - 28.1%
3. Mel & Joey (GMA-7) - 23.7 %
4. Rated K (ABS-CBN) - 21.6 %
5. Goin’ Bulilit (ABS-CBN) - 19.2%
6. All Star K (GMA-7) - 17.7%
7. TV Patrol Linggo (ABS-CBN) - 17.2%
8. Ful Haus (GMA-7) - 14.2%
9. Sharon (ABS-CBN) - 11.6%
10. SNBO: The Return of the King (GMA-7) - 10.9%

source: AGB-Nielsen Philippines

Pangalawang IMAX theater sa Pilipinas

Napansin naman nating lahat na biglang nawala yung Annex ng SM North EDSA. Napalitan naman ito ng The Block kaya ayos lang. Kasalukuyan pala itong nire-renovate at pag natapos next year ay may IMAX theater na to!

Astig! Di mo na kailangan pang magpunta ng Mall of Asia kung gusto mong maranasang manood sa IMAX! Di magtatagal, isang jeep na lang ang layo nito!

Kaso, taga-Bulacan ako, kelan kaya magkaka-IMAX yung SM Fairview?

: )

Ano raw? Teri Tacher?

Sa wakas, nakahanap din ako ng video para mapanood nyo yung kakatwang pagkundena ng mga congressmen na na-interview tungkol sa Desperate Housewives issue.

Pansinin at pakinggan niyong mabuti yung sinabi nila Congressman Bienvenido Abante, Jr. at Dan Fernandez.

Punta lang dito at hintaying mag-load: http://tagpuan.com/filipino-congressmen-criticize-americans-over-desperate-housewives-racial-slur/

: )

Thursday, October 4

Robinson's Novaliches, na-demote?

Nasabi ko yan dahil hindi na Robinson's Noveliches ang tawag sa mall na located in front of SM Fairview. Mga dalawang linggo ko na ring napansin na binabaklas nila yung pangalan ng mall sa buong paligid ng mall. At anong ipinalit?

Nova Market.

Hindi na sya tunog mall, di ba?

Ilang beses na rin ako nakapasok dyan, simula pa nung nagbukas yan. Doon nga ako nanood ng Matrix Revolution dahil parang fridge yung mga sinehan nila. At alam nyo napansin ko? Habang tumatagal sila, nauubos yung mga stalls doon. Yung Smart Wireless Center nga lumipat sa SM Fairview e. Ground floor na lang ang puno.

Noon, punung-puno ng iba't-ibang stalls, stores and boutiques lahat ng floors nila. Ngayon, tiangge na yung buong second floor nila, parang sa Greenhills. Kulang-kulang din yung sa third floor, Netopia nga lang ata yung pinupuntahan ng tao. Pag pumasok ka, mukhang matamlay yung mall. Hindi makulay ang buhay. At mukha ngang hindi nila nagawang talunin yung SM Fairview.

Sayang naman. Alam ko malaking pera ang ginugol ng Robinson's dyan. At ang pinakamalalang pwedeng mangyari sa mall na yan, magsara.

: (

Wednesday, October 3

CONGRATULATIONS! YOU WON A PRIZE!

Ilang beses na rin akong nakakatanggap ng mga e-mail (spam ata ang tama) na yan ang subject. Iba't-iba ng pinanggalingan pero iisa ang laman: nanalo raw ako sa online lottery.

Noong una kong nakatanggap ng ganyang spam, natawa ako. Pano ba naman, nanalo raw ako ng £1,532,720 sa UK National Lottery. E wala naman akong sinasalihang promo pero nanalo na ako agad? Ang galing naman. At dahil sana'y na ako sa mga scam at panlolokong napapanood ko linggo-linggo, alam kong manggagancho yung nagpadala nito.

Yung sumunod, naka-third prize lang ako. 470, 000Euros naman raw ang napanalunan ko. Galing Microsoft Global E-Mail Lottery naman. Validation na lang raw ang kulang, makukuha ko na.

Mas malaki naman yung sumunod, galing Bank of Africa naman yung nagpadala. Ang kwento, may isang mayamang tao raw ang namatay kasama ng kanyang pamilya sa isang plane crash at wala siyang tagapagmana. Sabi nung e-mail sender, pwede raw akong magprisintang claimer nung $15.5 Million na naiwan ng nasabing namatay. Pag naging successful raw ang transaction, 40% raw ang mapupunta sa akin para sa tulong. 50% sa kanya bilang pioneer ng kabaklaan. At yung natitirang 10%, para sa charities raw. Kailangan ko raw magreply kung gusto kong yumaman. Kaso di ko pinatulan.

Sa parehong bangko (Bank of Africa), may tatlo pang makulit. $9.5 Million, $2 Million, at $25 Milliom naman raw yung mga naiwan nung mga mayayamang namatay sa car crash, plane crash, at nakalimutang huminga. Ako raw yung inaasahan nilang mag-claim nun. Kaso, di ko rin pinansin.

At kahapon lang, nanalo naman raw ako ng �750,000.00(GBP) [bakit "?"? di ko alam] sa The Irish National Online Lottery! Kailangan ko raw silang kontakin at magbigay ng sangkatutak na info para makuha yung prize. Sabi pa nila, pag di ko raw na-claim yung prize within 2 weeks, hindi ko na raw makukuha yun.

Nagresearch rin ako tungkol sa mga pinanggalingan ng mga yan. Isa sa mga nakita kong site ang nagpatunay sa duda kong panloloko nga lang ang mga ito. Dito ko nakita: Just Click Here!

Sana totoo nalang lahat yan. Kung nagkataon, kahit si Gloria, mabibili ko na. Sayang.

: (


Monday, September 24

Recycled Goods (apo issue sa Zaido 3)

Fan ako ni Shaider kaya hindi ko mapigilang punahin ang bagong show ng GMA.

Gusto ko sana sabihing "Wala naman akong nakikitang masama roon," pero kung ang Zaido ang so-called unofficial sequel ng Shaider, bakit hindi na lang sila gumawa ng bagong set ng mga kalaban? Pati sidekick ni Zaido, sana pinalitan rin nila.

Pwede namang si Zaido lang ang kunektado kay Shaider, pero bakit pati yung mga dating kalaban ni Shaider, kailangan pang buhayin at i-remake? Pati si Annie na-remake.

Kung naging mas creative sila, hindi na nila kailangang i-recycle ang istorya. Makakagawa sila ng bagong istorya, bagong kalaban, at higit sa lahat, hindi magiging Annie o Amy ang magiging pangalan ng sidekick ni Zaido.

I'm so disappointed. Bilang isang Shaider fan, para sa akin, hindi siya worth watching for.

: (

Sila na naman? (apo issue sa Zaido 2)

Fan ako ni Shaider kaya hindi ko mapigilang punahin ang bagong show ng GMA.

Oo, sila na naman. Sila na naman dahil sila na naman ang kalaban ni Shaider, este Zaido pala.

Nandyan si Le-Ar, yung malaking mukhang mahilig mag-utos. Oo, nandun din siya at may make-over sya. Pumangit nga lang.

Nandyan si Babaylan Ida, yung hindi mo malaman kung girl o boy o bakla o tomboy. Baka butiki? Binuhay rin siya sa pamamagitan ni Paolo Ballesteros. Bakla nga siguro si Ida.

Nandyan si Drigo, yung maitim na may balde sa ulo. Si Jay Manalo ang napili nilang gumanap dito. Pero this time, wala na siyang balde, lumiit at nagmukhang malaki ang mukha nito. Balita ko, tulad ni Ida, apo rin siya nung unang Drigo. Pero kanino? Kay Ida rin?

Nandyan din ang dakilang mga Amazonas! Lahat sila, buhay! Mas sexy nga lang ngayon.

Nandyan din yung mga army ng mga halimaw. This time, para silang yung mga kalaban sa Encantadia, yung parang bara-bara lang ang pagkakagawa ng costume. Sumasayaw-sayaw pa nga dun sa primer e.

Pero kung lahat sila ni-remake, yung mga halimaw naman sana hindi na ni-remake!

At hindi lang sila ang sila na naman, pati ang sidekick ni Shaider, may apo rin! May sidekick rin kasi si Zaido, Annie o Amy naman ata ang pangalan. Apo nga kaya siya ni Annie? Pero kanino? Di ba loveteam sila ni Alexis? Siguro may third party.

: (

Zaido, apo ni Shaider? (apo issue sa Zaido 1)

Fan ako ni Shaider kaya hindi ko mapigilang punahin ang bagong show ng GMA.

Nagtataka lang ako, sabi kasi ng GMA, apo raw ni Shaider si Zaido. Pero sabi rin nila, magsisimula yung Zaido 20 years o 2 dekada pagkatapos ng mga kaganapan sa Shaider.

Nakuha mo na ba ang pinagtatakhan ko? Kung hindi, ipapaliwanag ko.

It takes about 40-60 years bago magkaroon ng apo ang isang tao. Kung 20 years lang, malamang anak mo pa lang ang buhay. Now, let's talk about Shaider.

Let's assume na nagkaanak si Alexis (pinoy name nung alterego ni Shaider) sa edad na 25. And after 25 more years, nagkaapo naman sya. 50 na agad, sanggol pa ang apo niya. Pero sa Zaido, after 20 years, Pulis Pangkalawakan na agad ang apo ni Shaider! Wohow! Ang galing naman.

Pero dahil Philippine setting naman ang Zaido, at alam naman natin kung paano nagsisimula ang mga Pinoy dramas, pwedeng magsisimula ang palabas noong bata pa ang apo ni Shaider. Pwede na. Tapos dahan-dahan silang lalaki. Pwede na rin.

Pwede rin namang i-apply ang pagiging alien ni Shaider. Pwedeng ang 10 years sa atin ay 30 na sa mga alien. Di ba?

Pero ang alam ko, tao si Alexis. So pano yun?

: (

Ang lintek na vendo 4

Ito na siguro ang pinakamalupit kong experience sa vendo.

Bumili ako ng Milo sa vending machine. Pagkatapos mag-ingay nung vendo, kinuha ko na yung baso.

Mukha namang walang problema. Pero yun ang akala ko. Pagtikim ko dun sa Milo, LINTEK! WALANG ASUKAL! Ano ba naman yan kuya! Napakasakit, Kuya Eddie! Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong kapaklang pangyayari?! Pati ba naman asukal, ipinagkait na rin sa'kin?! Bakeehtt???

: (

Ang lintek na vendo 3

Isang araw, naisipan kong mag-kape. Naisipan kong mag-kape dahil may nakita akong vending machine. P10 ang kape nila so naghulog ako ng dalawang P5 coin saka pinindot yung button.

Matapos ang proseso, nagulat ako dahil walang baso. Nung sinilip ko, sumabit dun sa taas! Pero nahulog na yung kape dahil may stain yung baso! TINAMAAN NGA NAMAN NG LINTEK! WALA NA NAMAN AKONG KAPE!

Sa susunod, sisiguraduhin ko munang gumagana bago ako bumili.

: (

Ang lintek na vendo 2

Nasa office ako ng aking nanay nang maisipan kong mag-kape. Lumabas ako at pumunta sa pinakamalapit na vending machine. P10 ang coffee with cream and sugar. Naghulog ako ng dalawang P5 coin at pinindot yung button ng coffee with cream and sugar.

Maya-maya pa'y umandar na yung machine. Hinintay kong tumahimik yung vendo at nang sa wakas ay tapos na ang "coffee brewing," kinuha ko na yung baso. Pero pag-angat ko ng baso, ANG GAAN! Nung tiningnan ko yung laman, kalahati lang ang laman! ABA! LINTEK NA VENDO TO! DINAYA AKO!

Wala naman akong nagawa kasi wala naman akong marereklamuhan. So yun, ininom ko na rin. Bitin nga lang.

: (

Friday, September 21

"Don't Steal"

Tapos may "(the government hates competition)" sa baba.
Nakita ko yan sa isang sticker na nakakabit sa windshield (windshield nga ba?) ng motor.
Nakakatawa dahil sa totoo, totoo ang nakalagay dun.
Currently, yung ZTE issue ang nagpapatunan nyan.
: (

Ano ba yung tinatayo dun malapit sa Philcoa?

Hindi yun mall, school building, o updated version ng Paskong Pasiklab. Yun ang UP North Science and Technology Park. Kung hinahanap mo yung South, sakay ka ng UP Ikot.

Maraming nagsasabi na gagawing call center yun. Naniniwala naman ako dahil mukha namang dun rin ang pupuntahan nun. Balita ko may kinalaman ang Ayala doon. Pakulo rin naman yun ni Gloria so malamang, Call Center nga ang ilagay dun.

: (

The Knight Bus

Sumakay ako sa isang bus na lagi kong sinsakyan papasok, pero this time, pauwi na ako. Maganda kasi ang mga bus ng kumpanyang ito. Halos lahat bago. Laging malamig at may tv. This time, Harry Potter 3 ang palabas, napanood ko na yun pero dahil libre naman, pinanood ko na rin.
Habang binabaybay namin ang Commonwealth Avenue, biglang bumilis ang takbo ng bus! Sinabayan naman ng eksena sa tv: humaharurot ang Knight Bus kung saan nakasakay si Harry! Parang bigla kong naramdam (pati ata lahat ng pasahero ng bus) ang biyaheng-Knight Bus! Parang walang pakialam yung driver basta makauwi siya ng bahay! Pare-pareho kami ng movements sa loob ng bus. Pag kumanan yung bus, nahahatak kami sa kaliwa. Pag kaliwa naman, kanan. Ilang minuto rin kaming parang binabagyong eroplano, buti na lang, di nawawalan ng traffic sa Commonwealth. Naging maaliwalas ulit ang lahat.
Sanay naman ako sa mga ganung bus. Nakakauwi naman akong buhay at di tulad ng naranasan ni Harry sa Knight Bus, hindi naman kami tumatalsik pag nagpepreno yung bus. Parte na yan ng araw-araw ko. Mas mabilis, mas masaya. Lalo na kung male-late ka na.
: )

The Flush

Minsan sa isang mall, naramdaman kong naiihi ako. Pumunta ako sa banyo at nagbawas ng likido. Nakaugalian ko nang habang umiihi ako e pinipindot ko na yung flush. Pero this time, may nangyari mali! Hindi tumitigil ang pagbuhos ng tubig! Napasobra ata ang pag-pindot ko! Kinabahan ako dahil unti-unti nang napupuno yung bowl! Malapit nang umapaw! Kumakabog-kabog na ang puso ko dahil ang daming tao sa banyo at nakakahiya pag nakita nilan umapaw yung sakin! Malapit na talagang umapaw ng mapadasal ako sa kaba! Sabi ko, hindi ko na uulitin basta tumigil lang to! At sa isang iglap, tumigil ang paghagulgol ng bowl! Buti na lang! Salamat sa Diyos!
Unti-unti nang lumbog ang tubig at ako'y nabunutan ng tinik. Umalis na ko, dala ang isang aral na natutunan ko sa isang lugar na hindi ko inakalang may matututunan ako.
: )

Mga Inabonohang Abono

Minsan, nagliligpit ako ng gamit sa bahay nang may bigla akong nakita.
Abono. Yung iba kulay lupa, yung iba puti.
Naalala ko bigla ang aking elementary days sa JASMS.
Hindi ko na maalala kung kailan nagsimulang lumitaw ang mga abonong yun sa bakuran ng JASMS. Basta ang naalala ko lang, simula nang lumabas yun, taun-taon na akong nag-uuwi ng abono sa bahay. At hindi lang ako, pati mga kapatid ko. Wala naman kaming palayan sa bakuran pero bakit nga ba bumili ako?
Yan ang malaking tanong ko sa sarili noong nasa elem ako. Bakit nga ba?
Ang naaalala ko, may papasok sa classroom namin, madalas dalawang matandang babae. Tatlo kung isasama mo si teacher. Ibibida nila sa amin ang dala nilang abono. Ituturo rin kung pano gamitin. At pag natapos sila, bibigyan nila kami ng order slip. Mabuti sana kung pagkain pero hindi! Gusto nilang bumili kami ng abono! Tapos pag di ka bumili, pipilitin ka ni teacher. At dahil malakas ang impluwensya ni teacher, bibili ka na rin. At pagkatapos ng ilang araw, darating na yung order mo, pero minsan bitbit na talaga nila ang produkto nila, daig pa bumbay.
Sa halagang P10 bawat isa, may abono ka na. E san mo nga ba gagamitin?
May kaklase ako noon, ang daming binili, iniisip ko nga kung may ekta-ektaryang palayan sila sa bakuran. Ano kayang nangyari sa kanya?
Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yun. Inabuso nila ang pagiging mangmang namin. Naiwan kaming nagtataka kung bakit may hawak kaming abono, habang sila'y tuwang-tuwa dahil sila'y kumita. Gusto ko ring isiping nagsabwatan sila ni teacher dahil sila pa ang nag-udyok sa amin na bumili ng abono. Ano bang malay namin kung may kickback sila?
At pagkatapos kong magligpit ng gamit, lumabas ako ng bahay, naghukay sa bakuran, binutas ang pakete at ibinuhos ang lahat ng abono sa hukay saka tinabunan.
Sa ngayon, hindi pa rin siya tumutubo. Ni hindi nga tumataba ang lupa e. Siguro dapat binenta ko na lang sa bata.
: (

Monday, September 17

0-14

Kung nanonood ka ng UAAP, malamang alam mo kung ano ang mga numbr na yan.

Sa ikli ng pagsubaybay ko sa UAAP Basketball lalo na sa performance ng UP, wala pa akong nakitang team standings na ganyan.

Mandakin mong na-sweep nila ang pagkatalo sa dalawang rounds ng eliminations with a 0-14 losing streak! Walang panalo! Ni minsan hindi nila nalamangan ni isa sa mga nakalaban nila!

Ang galing talaga!

: (

UAAP Cheerdance Competition Results

Don't worry, hindi ko ipagyayabang na NAG-CHAMPION ANG UP ngayong taon. Ilalagay ko lang ang points na nakuha ng lahat ng school. Ang source ko: Wikipedia.

UP - 92.66 %
UST - 92.16%
FEU - 91.66%
ADMU - 90.63%
AdU - 90.62%
UE - 90.55%
DLSU - 89.54%
NU - 84.23%

Kung mapapansin nyo, .5 lang ang lamang namin sa UST. Dikit na dikit ang laban. Kung hindi pala nasira yung isang pyramid nila e malamang champion ulit sila.

Ang Ateneo at Adamson, .01 lang ang pagitan. At syempre, nasa baba ulit ang NU.

: )

Friday, September 14

1 vs. 100 Last Man Standing match (dapat sa video to e.)

Oo, dapat sa video to. Pero sa di ko malamang dahilan e ayaw mag-load. Kaya dito ko na lang ilalagay!

Isa itong special episode ng 1 vs. 100 US version kung saan mismong the Mob ang maglalaban-laban hanggang sa isa na lang ang matira para manalo ng $250,000.

Exciting to seryoso! Masaya at astig!

JUST CLICK HERE!

Enjoy!

: )

Tuesday, September 11

Manny Pacquiao, Kapuso na! (follow-up)

Nabasa ko sa dyaryo kahapon na binigyan pala ng engrandeng welcome party ng GMA thru SOP (yung tuwing Linggo) si Manny Pacquiao. Halos buong show raw ay nandun sya. Sabi pa, bukod sa kumanta ay sumayaw pa raw ang boksingero. May ilalabas nga raw itong dance album.

Nabasa ko rin na noong Sabado pa raw ito pumirma ng kontrata sakay ng isang private plane galing Cebu. Hindi ko lang alam kung kanya. Ite-televise sana ang pagpirma kaso na-delay ang lipad nya. Balita ko pa nga e si Raymond Gutierrez (yung kakambal ni Richard na mukhang bading at kadugo ni Tim Yap) sana ang sasalubong sa kanya pero dahil sa tagal, di na nito nagawa pang maghintay.

Sa ngayon, pagkatapos raw ng laban ni Pacman next month ay magsisimula na itong gumawa ng kalokohan sa bakod ng Siyete. Siguro gagawa na nga siya ng Singing contest para sa mga boksingero.

: )

Monday, September 10

Tingi-tingi

Last Wednesday, habang nasa jeep papuntang Cubao (mula Marikina), may nakita akong nakaaagaw-pansing karatula ng isang ink refilling shop.

Bukod kasi sa ink e nagbebenta rin daw kasi sila ng cologne...na tingi-tingi.

Astig. Ano? Bili na!

: )



Pinoy Idol 2 sa GMA7?

Eto nabasa ko rin sa dyaryo noong mga nakaraang linggo.

May posibilidad raw na mag-air ang second season ng Philippine Idol sa GMA7, Pantapat sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.

Alam naman nating lahat na hindi masyadong gumawa ng ingay ang Pinoy Idol noon dahil nasa ABC5 ito.

Pero ang alam ko, under negotiation pa ito sa Fremantlemedia, ang may-ari ng Idol franchise. Sino kaya makakakuha?

: )

Manny Pacquiao, Kapuso na.

Nitong August lang, balitang pipirma o pumirma na ng kontrata si Manny Pacquiao sa GMA Network. Nabasa ko rin ang balitang ito sa dyaryo kaya ako'y nagsagawa ng kaunting research.

Ayon sa Wikipedia: "In September 2007, he signed up with GMA Network as a artist." Balita rin na gagawa siya ng show sa GMA. Kung hindi sitcom ay isang reality show ang gagawin nito. Nabasa ko rin sa Inquirer about 2 weeks ago ang isang joke tungkol dito, na ang gagawin niyang show ay isang singing contest for boxers.

Sa totoo lang, no big deal ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA. Alam naman nating lahat na noong unang panahon e ABS-CBN ang naging tambayan nito. Madalas nga siyang mag-guest sa mga programa nito para magpa-cute o para magyabang lang.

Kung tama ako, may tampo ang boksingero sa ABS-CBN. Nagsimula ang lahat nang gumawa siya ng malaking pagkakamali---nang tumakbo siya noong nakaraang eleksyon.

Lumalabas kasi na maski noong simula pa lang ng kampanya, mas pabor ang mundo sa kalaban nitong si Incumbent Congresswoman Darlene Antonino-Custodio, at halos araw-araw ay may balita dito ang Channel 2. Nabasa ko rin sa isang dyaryo na nagalit ito kay Korina Sanchez for some reason noong kasagsagan ng eleksyon. Napansin ko nga noon na hindi na siya nagpapaunlak ng interview sa ABS-CBN at laging may exclusive interview naman ang GMA kay Manny. Napansin niyo rin ba na GMA na ang nakakakuha ng exclusive rights para i-air sa free tv ang mga laban ni Pacquiao?

Simula noon hindi ko na siya nakita sa mga programa ng ABS-CBN.

Siguro mapapansin niyong medyo bias ang blog entry na ito. Sorry pero wala na kayong magagawa dahil yan ang mga napansin at nalaman ko simula nang magtampo si Manny. Ngayon, kung may gusto kayong itama o punahin, libre namang mag-comment di ba? Bahala na kayo.

Abangan na lang natin ang bagong show ni Pacman.

: )

Thursday, August 30

Kaya pa ba ng Rivermaya?

Matapos iwan ni Rico Blanco ang banda, ano na nga ba ang susunod na kabanata?

Kumalat ang chismis noong Mayo na magdi-disband na ang grupo. Di naglaon ay kinumpirma na rin mismo ni Rico Blanco at ng Rivermaya ang pag-alis nito sa grupo. Hindi rin malinaw kung bakit. Dahil dito, nadamay din ang dating miyembro nitong sa Bamboo Manalac. Hindi kaya gumawa rin ng sariling banda si Rico?

Pero ang hanging question: Paano na ang Rivermaya?


Nakapaglabas sila ng "Bagong Liwanag EP" at kung di mo alam kung ano yun, pumunta ka sa record bars.

Noong mga nakaraang linggo, nagpa-audition ang grupo para makakuha ng bagong miyembro. Parang "Rock Star: Inxs/Supernova" pero hindi bokalista ang hinahanap nila kundi miyembro lang (hintayin nyo sa Studio23). Mukhang kaya namang maging bokalista nila Mike at Japs, yun nga lang, hindi na tunog-Rivermaya.

Kung maliligaw ka sa Studio23, yung maririnig mong tugtog dun ay gawa ng Rivermaya, "Sumigaw" ang title. Noong una, kala ko kung sino lang, yun pala Rivermaya may gawa. Hindi kasi tunog-Rivermaya.

E bat ko nga ba nasabing hindi tunog-Rivermaya?

Aminin na natin, boses ni Bamboo at Rico ang bumubuhay sa Rivermaya. Kahit noon pa. At kung hindi ako nagkakamali e mas marami pang fans si Rico kaysa sa Rivermaya mismo. Kaya nga sa biglang pagtalikod ni Rico sa banda, tatagal pa kaya ang Rivermaya?

: (

Death Penalty, ibalik!

Yan lang ang masasabi ko matapos kong mabalitaan last week yung tungkol sa batang natagpuang patay sa isang suitcase. Ayon sa autopsy, ni-rape ang bata bago pinatay. Ayon pa sa report, marami silang gumahasa sa bata.

Sa mga ganitong sitwasyon, tama bang ikulong LANG habambuhay ang mga may sala?

Hindi ako Diyos o ano mang Santo pero para sa akin, dapat lang ang parusang bitay para sa mga dimakataong krimen.

: (

Nakakainggit ang beer

Isang hapon, nagpunta ako sa opisina ng mama ko para kumain. Nagulat ako dahil pagdating ko e may handaan. Malamang may birthday sabi ko sa sarili ko. At meron nga at officemate ng mama ko yung may birthday. Pero wala akong masyadong paki sa kanya kaya kumain na lang ako.

Maya-maya pa, may naglabas ng cooler, yung malaki. May lamang beer. SMB, San Mig light, at Red Horse. Nag-inuman yung mga lalaking officemate ng mama ko. Dun mismo sa opisina. Maingat nga lang at baka magaya sila dun sa nabalita sa tv na taga-B.I.R. ata.

So yun, nag-inuman sila at ako nama'y natatakam uminom maski isang bote lang. Gusto ko sanang humingi kaso nandun yung mga nakababata kong kapatid. Ayoko naman maging BI. Kaya ayun, uminom na lang ako ng coke.

: (

Wednesday, August 22

Gretchen vs. Bong vs. Manong Driver

Napanood ko kagabi ang isang nakakalokong tagpo sa isang presinto sa Mandaluyong City.

Bong Alvarez strikes again. Matapos ang matagal na pananahimik, eto na naman siya’t gumawa ng gulo. Binugbog niya ang isang taxi driver na nagngangalang Wilfredo Cabanlit dahil umano sa pag-o-over-charging nito ng pamasahe sa pamamagitan ng pagdaan sa mas mahabang ruta. Di pa nakuntento sa isa, pagdating sa presinto ay pinatulan naman nito ang tv reporter na si Gretchen Malalad na sinusubukan lamang kumuha ng balita. Ayaw magpa-interview ni Alvarez kaya’t sa inis nito ay sinadya niya itong sikuhin palabas ng kuwarto.

Hindi nagpadaig ang black belter na reporter kaya’t dali-dali itong gumanti ng sapak sa mukha ng dating basketbolista. Pero muling bumanat si Alvarez ng sabunot at nagsimula na ang riot sa presinto.

Sa dulo, nagsampa ng kaso ang reporter at ang taxi driver naman, nadaan sa areglo. Nagkalaya rin si Alvarez sa piyansang P4,000.

: (

Sunday, August 19

Si Jed ba yun?

May napanood akong commercial ng palmolive last week. Commercial sya ng sabon pero hindi yung sabon yung napansin ko kundi yung babae. Parang si Jed. Parang nakita ko talaga si Jed.

Nakita mo na ba yung commercial? Sa tingin mo, si Jed ba yun?

: )

Ang WikiPilipinas

Oo, tama ang basa mo. WikiPilipinas nga, at hindi ko alam kung may kuneksyon yan dun sa original na Wikipedia.

Subukan mo na Just Click Here! Suportahan ang sariling atin! : )

Si John Travolta sa Hairspray

Nakakita ako ng isang disturbing na movie poster sa mall at sa mga dyaryo this past few days. "Hairspray" ang title at sabi, musical daw.

Disturbing dahil namumukhaan ko yung yung nasa upper-left ng poster, parang si John Travolta. At dahil nakita kong part siya ng cast, in-assume kong siya yun.

Pero bakit nga ba? Bakit nga ba babae ang papel niya dun? Babae nga ba o bakla? At bakit mataba? A! Ewan! Hindi ko rin naman masasagot yan dahil hindi naman ako nanununod ng mga musical. Oo, maski yung High School Musical na kinababaliwan ng iba, di ko pinanood. Ano bang mapapala ko dun? Puro pa-cute lang naman sila.

"What time is it?"

"It's basura time!"

"What time is it?"

"It's basura time!"

Yeah!

: )

Anlene at Arthro

Hindi siguro kaila sa inyo yang dalawang commercial na yan.

Yung isa e may lolong naglalakad nang patalikod habang sinasabing "Ang lakas ko!" at yung isa, may lolang uminom ng gatas at dumiretso bigla yung likod tapos nag-ballet pa (raw) sa dulo.

Ang napansin ko lang sa dalawang commercial na yun e pareho nilang niloloko ang mga taong nanonood.

Sa bagay, nasa nasa tao naman yun kung maniniwala siya.

: (

Tuesday, August 14

The Speaker

Sa Philcoa ulit...

Naghihintay ako ng masasakyang bus nang dumating itong speaker kasama ng mga nahihiya niyang mga kaibigan.

Salita siya nang salita na parang walang ibang tao sa paligid niya. Ang volume ng boses: above average. Kahit may mga bumubusinang mga sasakyan e rinig pa rin ang boses niya. Yung mga kausap naman niya: below-average. Sinasabihan nga nilang hinaan niya yung boses niya. Pero wa-epek, tuloy ang ligaya--niya.

Naghihintay rin sila ng masasakyan pero di pa ring mapigilang magsalita.

The Speaker: (above avereage ang volume) OY SAKAY NA TAYO DUN SA BUS!

Kaibigan1: oi hinaan mo naman boses mo.

The Speaker: HINDI, AYUS LANG YAN.

Bilib din naman ako dahil hindi humihina ang boses niya kahit gaano siya katagal magsalita. Natatawa nga ako kasi kahit pinagtitinginan siya ng ibang tao e wala siyang pakialam basta masabi niya yung gusto niyang sabihin. Sa totoo lang, para siyang palengkera. Naalala ko tuloy bigla si Betsy sa kanya. Parang gusto lagi ng away. Haha!

: )

Friday, August 10

Shaider-->Shaido-->Zaido-->?

Mula sa Shaider, naging Shaido, at ngayon ay Zaido na.

Hanggang ngayon ay di pa rin mapag-desisyunan ang gagamiting title sa gagawing remake or PINOY remake ng Shaider.

Nabalitaan ko kasing hindi pumayag yung hapong may-ari ng Shaider na gamitin yung title na yun para sa gagawing PINOY remake. So walang nagawa yung mga nagbabalak kundi umimbento ng title na medyo hawig kay Shaider. Ayon pa sa nabasa ko, ang gagawin nilang istorya ay kamag-anak ni Shaider yung Shaider este, Zaido dito. Gets? At hulaan nyo kung sino yung gaganap na Shaido este, Zaido?

Si Tuxedo Mask! este, si Dennis Trillo!

Wag na rin kayong umasa na makakita ng mga kalabang tulad dun sa original (yung mga malalapad na halatang pinagpagurang gawin para lang pasabugin ni Shaider). Duda akong titipirin nila yun. Ala-Darna at Captain Barbell lang kalalabasan nun. At ang kuwento? Siyempre pinoy na pinoy!

Hindi ko alam kung matutuloy pa yun dahil sa sobrang tagal. February pa lang kasi nagko-commercial na yun. Naaalala nyo pa siguro yung commercial na "Time-space warp, ngayun din!" tapos, "Ang pulis pangkalawakan, reresponde na!" tapos may "Abangan!"

Naku, wala na kasing maisip na palabas yung siyete kaya angkat na lang sila ng angkat ng mga dayuhang programa para i-remake. i-PINOY remake pala.

Ano kayang susunod? Jewel in the Palace?

: )

"Dalawang Regular Yum po...."

Sa Philcoa...

Galing ako sa Netopia nang maramdaman kong nagugutom ako. Nagpunta ako sa Mcdo para bumili ng burger. Burger lang dahil papunta na dapat ako sa klase ko nun. Pagpasok ko, may pila as usual. Naisip kong lumipat na lang sa Jollibee dahil para sa akin, mas masarap yung burger nila. Nag-iisip pa rin ako nang marating ko yung counter.

"Good Afternoon, sir! Welcome to McDonald's!" ang sabi nung miss.

Sa di inaasahang pagkakataon nasabi ko ang isang maling bagay...

"Dalawang Regular Yum po..."

...

...

Agad akong bumawi nang ma-realize ko ang pagkakamali.

"Ay, dalawang Burger McDo pala." tapos may pahabol pang "Sorry!"

...

Nakakahiya pero anung magagawa ko? Nangyari na e. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko yun.

Hay...

: )

Sa Parks and Wildlife

Isang araw last July, nagpunta ako sa Parks and Wildlife para maghanap ng unggoy--para sa isa kong subject, kailangan kasi naming i-observe ang behavior nila.

Pagdating ko dun, bumalik ang alaala ko noong huli akong pumunta doon. Matagal na, di ko na maalala. Basta ang natatandaan ko lang e may camping noon.

Teka muna, balik muna tayo sa unggoy. So yun, nagbayad ako ng P5 na entrance fee at naghanap na ng unggoy. Unfortunately, wala akong makitang unggoy. Puro ibon. Ibon na mainggay, ibon na nagsasalita, at mga ibong nilalanggam.

Ang laki ko rin namang ewan dahil hindi ako nagtanong sa mga tao. May dumaan nang dalawang guards na naka-bike pero di pa rin ako nagtanong. Gusto ko kasi, ako makahanap.

Habang naglalakad ako e napadaan ako sa isang medyo pamilyar na lugar. Malapit lang sa lawa. Pamilyar dahil naaalala kong minsan ay nagtayo kami ng mga tent dun. Si Malaya lang yung natatandaan kong kasama ko sa tent dahil kanya yun. Yung iba, di ko na matandaan.

Hay, memories... memories...

Teka, balik ulit tayo sa unggoy. Bale inabot ako nang mahigit 40 minutos bago ko nakita yung mga unggoy--malapit lang sa entrance.

Ay naku! Siguro kung may kasama ako e binatukan na ko nun. Pero ayus na rin dahil nakapasyal at nakapag-ikot ako sa lugar na yun. Marami akong naalala bigla. Yung pagkain naming parang rasyon sa mga nasalanta ng bagyo, mga kulitan, mga gawaing ginawa, mga activities, at kung anu-ano pa...

Ang aking simpleng pamamasyal ay naging malaking pagbabalik-tanaw.

: )

Ang lintek na vendo

Paglabas ko sa Parks and Wildlife, doon na ako dumaan sa Lung Center para makapag-short cut papuntang City Hall.

Habang naglalakad ako e may nadaanan akong vending machine. Tumingin ako ng masarap inumin. (Weirdo ako kaya naman) Hot Choco Mocha ang pinili ko. Isipin nyo, mainit ang panahon pero mainit din ang binili ko, ang weird 'no?

P12 ang hinihingi. Naghulog ako ng P10 coin pero bago ko pa mailagay yung natitira e nagulat ako dahil P5 ang lumabas sa screen! Aba! lintek na vendo to! Dadayain pa ko! Kaya naisip kong kunin nalang yung hinulog ko. Kaso, pag pindot ko nung button e LIMANG PISO YUNG LUMABAS!

ANAK NG PATING! Dinaya ako nung vendo! Inulit-ulit kong hinulog yung limang piso at pindutin yung button para lumabas yung barya pero di ko na muling nasilayan pa yung P10 coin ko! Napagkamalan pa akong sumusungkit ng barya nung guard kaya wala akong nagawa kundi bumili na lang ulit.

Hay, gumastos ako ng P17 para sa P12 na inumin. Nakakalungkot.

: (

Si Pacquiao

Hindi si Manny and tinutukoy ko kundi yung isang kunduktor ng bus na kamukhang-kamukha nya.

Hindi ko alam ang pangalan nya pero sa tuwing nakikita ko syang umaakyat ng bus e "Si Pacquiao!" agad ang pumapasok sa utak ko.

Hindi natatapos ang linggo ko na hindi sya nakikita. Ni hindi ko nga alam kung anung bus company talaga ang pinapasukan nya dahil iba't ibang bus ang iniinspeksyunan nya. May Mayamy, may Elena, may Mersan, basta yung bulok na bus papunta samin!

Hindi lang ako sigurado pero palagay ko e iisa lang siguro ang may-ari nung mga ganung bus kaya siguro kung saan-saan ko nakikita si Pacquiao.

Hindi ko na pahahabain to, hanggang dito na lang.

: )

Monday, July 30

Magsisimula na akong maglako

Malapit nang magbukas ang aking blog kung saan wala kayong makapupulot na aral at puro kalokohan lang ang mababasa!

Nagtitinda rin ako ng Artificial Fresh Flowers! Kaya um-order na ng marami! Supplies good until Offers last!

Antabayanan ang susunod na kabanata!

Huwag kayong mag-alala sapagkat bukas naman ako 24 hours! Huwag nga lang kayong pupunta ng 12 ng gabi dahil sarado kami.