Noong una kong nakatanggap ng ganyang spam, natawa ako. Pano ba naman, nanalo raw ako ng £1,532,720 sa UK National Lottery. E wala naman akong sinasalihang promo pero nanalo na ako agad? Ang galing naman. At dahil sana'y na ako sa mga scam at panlolokong napapanood ko linggo-linggo, alam kong manggagancho yung nagpadala nito.
Yung sumunod, naka-third prize lang ako. 470, 000Euros naman raw ang napanalunan ko. Galing Microsoft Global E-Mail Lottery naman. Validation na lang raw ang kulang, makukuha ko na.
Mas malaki naman yung sumunod, galing Bank of Africa naman yung nagpadala. Ang kwento, may isang mayamang tao raw ang namatay kasama ng kanyang pamilya sa isang plane crash at wala siyang tagapagmana. Sabi nung e-mail sender, pwede raw akong magprisintang claimer nung $15.5 Million na naiwan ng nasabing namatay. Pag naging successful raw ang transaction, 40% raw ang mapupunta sa akin para sa tulong. 50% sa kanya bilang pioneer ng kabaklaan. At yung natitirang 10%, para sa charities raw. Kailangan ko raw magreply kung gusto kong yumaman. Kaso di ko pinatulan.
Sa parehong bangko (Bank of Africa), may tatlo pang makulit. $9.5 Million, $2 Million, at $25 Milliom naman raw yung mga naiwan nung mga mayayamang namatay sa car crash, plane crash, at nakalimutang huminga. Ako raw yung inaasahan nilang mag-claim nun. Kaso, di ko rin pinansin.
At kahapon lang, nanalo naman raw ako ng �750,000.00(GBP) [bakit "?"? di ko alam] sa The Irish National Online Lottery! Kailangan ko raw silang kontakin at magbigay ng sangkatutak na info para makuha yung prize. Sabi pa nila, pag di ko raw na-claim yung prize within 2 weeks, hindi ko na raw makukuha yun.
Nagresearch rin ako tungkol sa mga pinanggalingan ng mga yan. Isa sa mga nakita kong site ang nagpatunay sa duda kong panloloko nga lang ang mga ito. Dito ko nakita: Just Click Here!
Sana totoo nalang lahat yan. Kung nagkataon, kahit si Gloria, mabibili ko na. Sayang.
: (
No comments:
Post a Comment