Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, September 10

Manny Pacquiao, Kapuso na.

Nitong August lang, balitang pipirma o pumirma na ng kontrata si Manny Pacquiao sa GMA Network. Nabasa ko rin ang balitang ito sa dyaryo kaya ako'y nagsagawa ng kaunting research.

Ayon sa Wikipedia: "In September 2007, he signed up with GMA Network as a artist." Balita rin na gagawa siya ng show sa GMA. Kung hindi sitcom ay isang reality show ang gagawin nito. Nabasa ko rin sa Inquirer about 2 weeks ago ang isang joke tungkol dito, na ang gagawin niyang show ay isang singing contest for boxers.

Sa totoo lang, no big deal ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA. Alam naman nating lahat na noong unang panahon e ABS-CBN ang naging tambayan nito. Madalas nga siyang mag-guest sa mga programa nito para magpa-cute o para magyabang lang.

Kung tama ako, may tampo ang boksingero sa ABS-CBN. Nagsimula ang lahat nang gumawa siya ng malaking pagkakamali---nang tumakbo siya noong nakaraang eleksyon.

Lumalabas kasi na maski noong simula pa lang ng kampanya, mas pabor ang mundo sa kalaban nitong si Incumbent Congresswoman Darlene Antonino-Custodio, at halos araw-araw ay may balita dito ang Channel 2. Nabasa ko rin sa isang dyaryo na nagalit ito kay Korina Sanchez for some reason noong kasagsagan ng eleksyon. Napansin ko nga noon na hindi na siya nagpapaunlak ng interview sa ABS-CBN at laging may exclusive interview naman ang GMA kay Manny. Napansin niyo rin ba na GMA na ang nakakakuha ng exclusive rights para i-air sa free tv ang mga laban ni Pacquiao?

Simula noon hindi ko na siya nakita sa mga programa ng ABS-CBN.

Siguro mapapansin niyong medyo bias ang blog entry na ito. Sorry pero wala na kayong magagawa dahil yan ang mga napansin at nalaman ko simula nang magtampo si Manny. Ngayon, kung may gusto kayong itama o punahin, libre namang mag-comment di ba? Bahala na kayo.

Abangan na lang natin ang bagong show ni Pacman.

: )

No comments: