Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, September 21

The Knight Bus

Sumakay ako sa isang bus na lagi kong sinsakyan papasok, pero this time, pauwi na ako. Maganda kasi ang mga bus ng kumpanyang ito. Halos lahat bago. Laging malamig at may tv. This time, Harry Potter 3 ang palabas, napanood ko na yun pero dahil libre naman, pinanood ko na rin.
Habang binabaybay namin ang Commonwealth Avenue, biglang bumilis ang takbo ng bus! Sinabayan naman ng eksena sa tv: humaharurot ang Knight Bus kung saan nakasakay si Harry! Parang bigla kong naramdam (pati ata lahat ng pasahero ng bus) ang biyaheng-Knight Bus! Parang walang pakialam yung driver basta makauwi siya ng bahay! Pare-pareho kami ng movements sa loob ng bus. Pag kumanan yung bus, nahahatak kami sa kaliwa. Pag kaliwa naman, kanan. Ilang minuto rin kaming parang binabagyong eroplano, buti na lang, di nawawalan ng traffic sa Commonwealth. Naging maaliwalas ulit ang lahat.
Sanay naman ako sa mga ganung bus. Nakakauwi naman akong buhay at di tulad ng naranasan ni Harry sa Knight Bus, hindi naman kami tumatalsik pag nagpepreno yung bus. Parte na yan ng araw-araw ko. Mas mabilis, mas masaya. Lalo na kung male-late ka na.
: )

No comments: