Kaninang umaga lang, nawala ang cellphone ko.
:((
Nabiktima ako ng "ipit gang" sa bus kanina. Hindi ko naman pinakitang may cellphone ako at sa bandang likuran ako nakaupo pero nabiktima pa rin ako. Hay buhay.
Sa mga hindi pamilyar sa modus na ito ng mga walanghiya, ganito ang siste nila...
Sasakay sa bus ang 5 o higit pang miyembro at haharangan ang unahan ng bus na tipong ayaw magsipasok dahil masikip sa gitna. At ang sinumang pasaherong bababa ay iipitin nila, na kumwari ay dulot ng siksikan ng mga pasahero at di mapapansin ng biktima na may nawala na palang gamit (i.e. cellphone o wallet) sa kanya. Tapos ayun, siguro ibebenta na nila ang nanakaw na cellphone at paghahatian ang laman ng pitaka.
Hay, sayang si N1209. Nami-miss ko na sya. Si Kuya Don pa naman bumili nun, nakakahiya pag nalaman niyang nawala ko.
Anyway, looking into the bright side, hindi naman ako nasaksak ng mga masasamang loob. Mabuti na lamang at sa bus nangyari yun at hindi sa kalye o jeep kung saan may nanunutok talaga at napapasama ang mga lumalabang biktima. Sabi nga ni Cris, "yeah, better cp than get stab pare. masmahal ang hospital bills."
Hay. Sa mga nakakabasa nito, magsilbi sana sa inyong babala ang nangyari sa'kin. Wag na kayo sasakay ng bus. Joke lang. Lagi ninyong ingatan ang mga mahahalagang bagay ninyong dala. Iwasan rin ipakita ang mga ito sa pampublikong lugar para hindi maging target ng mga masasamang loob. At kung sakali mang mabiktima kayo at may patalim o baril itong nakatutok, wag mag-atubiling ibigay ang hinihingi kung ayaw ninyo ma-ospital or worse, makita si Lord.
O sige, ingat na lang kayong lahat and God Bless!
: )
I miss my cp.
: (