Minsan naiinis ako kapag nakakakita ako ng mga taong naninigarilyo. Hindi lang dahil sa hindi ako nagyoyosi, kundi dahil na rin masama ito sa kalusugan ng mga nakakalanghap ng usok nito (Oo, yung mga nakakalanghap lang ng second-hand smoke. Wala akong pakialam dun sa mga naninigarilyo).
Pero ang isa pang kinaiinis ko, habang naninigarilyo itong mga sunog-baga na ito, may mga tao namang lumalaban sa kanilang sakit at may taning na ang buhay. Yung iba, bata pa lamang may sakit na. Yung iba dinapuan naman ng malalang karamdaman tulad ng cancer. Samantalang ang mga nagsusunog ng baga dyan, unti-unting pinapatay ang malusog nilang pangangatawan.
Sana yung mga naninigarilyo na lamang ang dapuan ng malalang sakit, tutal hindi naman nila pinapahalagahan ang kanilang kalusugan. Sana yung mga sinusunog nilang buhay sa mundo ay napunta na lamang sa mga may sakit at may taning na ang buhay. Sana sila na lang ang nasa bingit ng kamatayan para malaman nila kung gaano kahirap mabuhay para sa mga nag-aagaw-buhay. Sana lang talaga.
Narinig ko kanina yung kanta ni Jovit. “Too much love will kill you” raw. Sa tingin ko ang babaw nun. Ang dapat, “Too much smoke will surely kill you.”
: (
photo from http://www.absolutepunk.net/gallery/files/1/4/9/6/4/8/Smoking-Kills-Poster-C10223322.jpeg
No comments:
Post a Comment