Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, August 24

What a day

Grabeng araw yan, nakatingin na naman ang mata ng mundo sa Pilipinas, sa hindi magandang dahilan. Salamat sa taong nagngangalang (dismissed Senior Inspector) Rolando Mendoza.



Sa nabasa kong isang report, at least 3 people were killed raw. Dun naman sa isa pa, 7 naman raw. Mas mababa ang death toll, may ayos. Buti na lang at natapos ang gulo bago tuluyang natapos ang araw. Halos 12 hours rin tumagal ang hostage drama.
Halos lahat ata nakatutok sa kani-kanilang tv screens para malaman kung ano ang kahahantungan ng di kanais-nais na pangyayaring ito.

Nung may nagsabi nga sa'kin kaninang hapon na may hostage taking raw, hindi ako agad naniwala. Kaso nung napanood ko sa bus pauwi (at gabi na yun), dun ko lang nakumpirma ang nangyari na kanina pa palang umaga! Huling-huli na ko sa balita! Bigla ko tuloy naalala yung hostage drama rin way back 2007 kung saan mga bata naman ang hostages. Pero at least yun, may magandang dahilan yung hostage-taker. Hindi tulad ngayon na @#$%@#$%!

Hay, nakakalungkot na araw. Salamat na rin at maraming survivors. Ipagdasal na lang natin na hindi na ito mangyari ulit, pati na rin ang mga biktimang sinawing palad sa nangyari.

: (

photo from inquirer.net

No comments: