Isang hapon sa sakayan, may nakita akong isang dalagang Nursing student na bumili at nagsindi ng yosi. Umuulan pa naman nun kaya lahat ng nasa waiting shed, kasama na ako, ay minalas na mausukan. At habang pinagmamasdan ko syang naghihithit-bugang parang sunog-baga kasama ng ilang kauri nya, naisip ko, hindi ba dapat higit kanino man, mga tulad nilang Nursing student ang nakaaalam ng masamang epekto ng yosi sa kalusugan hindi lamang ng naninigarilyo kundi pati na rin ng mga nakalalanghap ng usok nito
Pero hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng medical-related human being na nagyoyosi. Ilang taon na ang nakararaan, may nakasakay ako sa bus na nagsindi ng yosi at humithit na parang sunog-baga. Nalaman ko, base sa nakaburda sa uniform nya na isa siyang empleyado ng Lung Center of the Philippines.
: (
No comments:
Post a Comment