Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, July 30

ABC 5, magsa-sign off na

Isang gabi habang naglilipat ako ng channel ay bigla kong nakita yung public advisory ng channel 5 na "GOODBYE ABC 5" at magsa-sign off na raw ito sa August 8. Pero maya-maya, may lumitaw sa gilid na "Abangan ang bago sa August 9!" so naisip ko, magpapalit lang pala sila ng pangalan.

Inalam ko kung anong dahilan at kung ano ang ipapalit nilang pangalan. At syempre, inuna ko ang Wikipedia. Doon ko nalaman na TV5 raw ang ipapalit nilang pangalan ng Network at nakipagkasundo raw si Tonyboy Cojuangco, CEO ng Associated Broadcasting Company (ABC) sa MPB Primedia Inc., isang local company na pinapatakbo ng Media Prima Berhad of Malaysia. Ito raw ang mamamahala sa mga entertainment programs ng bagong TV5, habang ABC naman ang bahala sa news programs at pag-o-operate ng station.

Kaya iniimbitahan ko ang lahat ng sawa na sa ABS at GMA na abangan ang bagong TV5. Ako mismo, aalamin ko kung mayroon silang improvements. Pero kung katulad pa rin sila ng dati, balewala rin lang ang pagpapalit nila ng pangalan.

: )

SONA: 50 centavo na per text; MGA PILIPINO: Ba't piso pa rin?!

Mainit pa ring pinagtatalunan ang binitawang balita ni Gloria Arroyo sa kanyang SONA noong nakaraang Lunes tungkol sa pagbaba ng halaga ng text messaging sa 50 centavos. Pero hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtataka kung bakit piso pa rin ang bawas sa kanilang load sa tuwing nagpapadala sila ng text.

Yun pala, isang promo lang pala ito ng lahat ng telecom networks. At tatagal lamang ng 3 buwan. Kailangan mo pa palang mag-register at hanggang P20 lamang ang iyong magagamit para sa 40 text messages. May validity rin ito. Sa Sun raw, 5 days. Hindi ko alam dun sa Smart at Globe.

So ang bottom line: Mas sulit pa rin mag-unli.

: )

Sunday, July 27

Mga nakakainis na kapuna-punang bagay sa Wheel of Fortune

Natapos na ang Wheel of Fortune dahil papalitan na ito ng Deal or No Deal sa Lunes. Kaya naman naisipan kong ilista ang ilan sa mga nakakainis na kapuna-punang bagay noong umi-ere pa ang Wheel of Fortune.

  • Nakakairita ang host. Lahat ng bagay pinapansin at sinasabi niya. Kung may di siya nagustuhan sa mga contestants, sinasabi niya rin. Pati personal na buhay ng mga contestants, pinakikialaman niya.
  • Sinisigawan ang wheel. Hindi ko alam kung required bang magsisigaw yung mga contestants kung ano ang halaga na gusto nilang makuha pag tumigil sa pag-ikot ang wheel. Para silang sira. Mapapaki-usapan ba yun? Naalala ko tuloy bigla yung Deal or No Deal. Sinisigawan rin kasi ng contestant yung briefcase.
  • Dinidiktahan ng host ang contestant. Kapag medyo malaki na ang pera ng contestant, inuudyukan ito ng host na mag-buy a vowel. P2,500 ang halaga ng isang vowel. Minsan naman sa Jackpot round, kapag gusto na nung contestant na mag-solve the puzzle at hindi pa nakukuha ang pot prize, inuudyukan din ito ng host na tumuloy pa. Ang masama pag tumuloy, minsan naba-bankrupt.
  • Kitang-kita ang crabmentality. Kapag turn to spin ni Yellow player, sisigaw ng "BANKRUPT!" at "LOSE A TURN!" sina Blue at Red player, then vise versa. Sayang nga lang at wala akong nakitang mga congressman na naglaro.
  • May favoritism. Dalawa ang Puzzle Assistant ng programa. Yung isa maganda, yung isa mas maganda. At yung huli ang laging pinapansin ng host. Bukod doon, madalas rin magkaroon ng paboritong player ang host. Madalas rin itong manlait.
  • Suwerte raw ang ganito't ganyan. Mahilig nga naman tayong mga Pilipino sa mga paniniwalang wala namang basehan. At malinaw itong makikita sa programa, salamat na rin sa magaling nilang host. Maswerte raw ang kalbo. Maswerte raw ang kulay pula. Kapag malas raw sa lovelife maswerte naman raw sa programa nila. At kung anu-ano pa. Tapos sa huli, hihirit siya ng "God is Good!" Wow.
Isama mo pa ang lahat ng unnecessary actions ng host at ng contestants, siguradong nanaisin mo na lang manood ng GoBingo o patayin ang tv niyo. Siguro kung iba ang naging host ng programang ito, baka mas maganda ang naging kinalabasan nito.

Sa Lunes, wala ng Wheel of Fortune. Deal or No Deal na. But unfortunately, si Kris Aquino na naman ang host nito. Hay. Kailan ba siya mapapalitan?

: )

Felix Manalo Day pala ngayon

Kanina ko lang nalaman na meron palang "Felix Manalo Day" at ngayong araw ito mismo sini-celebrate(?) sa Metro Manila.

Buti pa si Ka-Felix Manalo may "Day" samantalang si Ka-Eliseo Soriano wala.

: )

UAAP 71: Weekend game results

*July 26 at the PhilSports Arena*

Game 1: DLSU defeated UP, 82-60
Quarters: 17-10, 37-29, 65-45, 82-60

Game 2: FEU defeated UE, 71-69
Quarters: 16-15, 31-33, 53-55, 71-69


*July 27 at the PhilSports Arena*

Game 1: ADMU defeated NU, 74-62
Quarters: 21-15, 44-35, 59-51, 74-62

Game 2: UST defeated AdU, 86-80
Quarters: 15-20, 36-37, 54-49, 73-73 (reg), 86-80 (OT)

source: Inquirer.net

Team Standings

Teams

W L
ADMU

5
0
DLSU

5
1
FEU

4
1
UE

3
3

UST

2 3

AdU


2
4

UP

1 5

NU

0 5

: )


Friday, July 25

Survivor Philippines, sa Thailand nagte-taping


Sa totoo lang, wala akong balak ipaskil ito hanggang wala pang malinaw na ebidensyang nasa Thailand nga ang Survivor Philippines production crew. Pero kani-kanina lang pagdaan ko sa Wikipedia, nakita kong may update na sa article ng Survivor Philippines. Pinuntahan ko rin yung source (http://nationmultimedia.com/breakingnews/read.php?newsid=30077377) at ayon nga doon, may production team nga raw (presumably Survivor) sa Thailand mula sa Pilipinas na mukhang may kinakaharap na environmental issues. Pumirma naman raw ng kontrata ang producer at nangakong iingatan ang kapaligiran ng pagdadausan ng programa.

Mukha namang matino yung balita. Kayo na lang ang humusga. Nasa Thailand nga ba sila?

: )

Thursday, July 24

MMDA, human rights violator na

Narinig ko sa balita kanina na hindi na nagugustuhan ng CHR ang ginagawang demolition ng MMDA sa iba't-ibang lugar sa Metro Manila. Hindi na makatao. Kung makikita mo nga naman sa t.v. kung paano sila mag-demolish (the MMDA way) e maiinis ka nga naman sa kanila. Daig pa nila ang bagyo.

Oo nga't ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na gawing malinis at maganda ang Metro Manila. Pero hindi ba pwedeng sa matino at makataong paraan? Hindi naman mga daga ang mga tinataboy nila a. TAO. Mga taong katulad nila na may puso't damdamin, atay at bituka. Bakit kailangan nilang umastang parang diktador? Tama na ang isang pangulo para magpaka-diktador sa Pilipinas. Pwede naman nilang pakiusapan a!

Dapat na nga sigurong gumawa ng hakbang ang CHR ukol dito. Habang maliit pa ang sungay, dapat na itong putulan.

: (

Wala lang


Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?

: )

Wednesday, July 23

Impossible-Quiz.com


Impossible-Quiz.com - Fun Quiz

Grabe, nakakainis yang quiz na yan. Karamihan naman alam ko yung sagot. Yung iba, pinag-isipan ko. At yung iba pa, hinulaan ko. Ano ba naman ang alam ko sa golf o sa Apotemnophobia o sa rules ng australian football?! Takteng quiz yan. Pero ayos na rin dahil kahit papaano, nagamit ko ang aking "critical thinking" na minsan-minsan ko lang magamit.

: )

Tuesday, July 22

"ICE AND OUT"

Pagkagising ko kaninang mga 8:30, isang text message ang aking nabasa mula kay BA. Isang brain teaser. Ayon sa text message, bumuo ka raw ng isang salita gamit ang mga salitang "ICE AND OUT" at ang tanging clue ay "it is important now a days."

Ilang oras ko rin yang pinag-isipan at kaninang alas-dos ko lang nalaman. Ikaw, alam mo ba ang sagot?

Game?

: )

Monday, July 21

UAAP 71: Weekend game results

*July 19 at the PhilSports Arena (ULTRA)*

Game 1: ADMU defeated UP, 83-66

Quarters: 25-15, 43-33, 70-52, 83-66

Game 2: DLSU defeated NU, 93-69

Quarters: 22-24, 46-36, 70-48, 93-69

*July 20 at the PhilSports Arena (ULTRA)*

Game 1: AdU defeated UE, 66-64

Quarters: 10-15, 32-27, 52-43, 66-64

Game 2: FEU defeated UST, 70-65

Quarters: 10-16, 31-30, 47-49, 70-65

: )

Friday, July 18

How to get tickets for the Eraserheads Reunion Concert


Sa totoo lang, walang malinaw na detalye akong makalap tungkol sa sinasabing "much-awaited" reunion concert ng Eraserheads. Ang malinaw lang sa lahat ay gaganapin ito sa CCP Open Grounds sa darating na August 30. Kung anong oras, hindi ko pa alam. Tungkol naman sa tickets, libre raw ito. Hindi ko nga lang alam kung paano at saan kukuha.
Sorry, pero pang-akit lang yung title ko.

Ang mga sumusunod naman na inyong mababasa ay nakuha ko lamang sa isang site (http://philmusic.com/main/content/view/165/1/) na gawa raw ng isang Villy Ray Villacorta na ipinaskil sa Eraserheads mailing list. Eto, basahin niyo:

"Yes it's true. It's been in the works for several months na. Marlboro is sponsoring this concert and paid each of the members a staggering P10M each to do a full 45-minute set. This is the official announcement:
"No more blind items my dear friends. Yes. We are confirming it.
There is no point denying:

August 30, 2008 will be LEGENDARY!!!

The country's most influential band ever will be reunited for ONE NIGHT ONLY.

This once in a lifetime experience will be staged at the CCP
opengrounds.

Tickets are free and you can download it early August. Website to be
announced.

ONE BRAND.
ONE BAND.
ONE NIGHT ONLY...

ERASERHEADS REUNION CONCERT!"


Muli, hindi ito opisyal na liham mula sa Eraserheads. P10M each? I don't think so. At kung totoo ngang sponsored ito ng Marlboro, tanging mga nagyo-yosi lamang ba ang makakapanood nito? Paano naman yung mga hindi nagyo-yosi?

Ayon kasi sa mga nababasa ko, kailangan mo raw mag-register sa website ng Marlboro (
http://marlboro.ph/ ) upang makakuha ka ng free tickets. Nung pinuntahan ko, kailangan mo ngang mag-register. Di ko ginawa. Di naman ako sunog-baga e.

Kaya ayun, wala pa talagang opisyal na pahayag mula sa Eheads o sa alin mang nasa likod ng nasabing reunion concert ukol dito. Kung mamimigay man sila ng ticket o ipapa-raffle nila sa Wowowee, hindi ko pa alam. Basta sa August 30, magko-concert raw sila.

Hindi kaya wala naman talagang Eraserheads Reunion Concert?

: )

Monday, July 14

UAAP 71: AdU vs NU & UE vs ADMU

*July 13 at the PhilSports Arena (ULTRA)*

Game 1: AdU defeated NU, 73-65
The scores:

AdU 73--Agustin 25, Colina 11, Galinato 9, Nuyles 7, Olalia 7, Cañada 7, Alvarez 4, Gonzalgo 2, Yambot 1, Lozada 0, Santos 0, Gorospe 0.

NU 65--Asoro 22, Jahnke 8, Dela Cruz 7, Ponferrada 7, Aguilar 5, Baloran 5, Garcia 5, Fabula 4, Tungkul 2, Batac 0, Galapon 0, Luy 0, Catamora 0.

Quarters: 16-13, 31-22, 51-47, 73-65

Game 2: ADMU defeated UE, 64-58
The scores:


ATENEO 64--Al-Hussaini 18, Tiu 11, Buenafe 10, Baclao 10, Salamat 6, Salva 4, Escueta 3, Nkemakolam 2, Austria 0, Baldos 0, Long 0, Reyes 0.

UE 58--Espiritu 11, Llagas 10, Zamar 9, Lingganay 9, Martinez 7, Bandaying 6, Thiele 4, Arellano 2, Noble 0, Etrone 0, Acuña 0, Reyes 0.

Quarters: 12-10, 26-27, 47-47, 64-58

source: Inquirer.net

Team Standings

Team W L
ADMU 3 0
UE 2 1
UST 1 1
DLSU 1 1
UP 1 1
FEU 1 1
AdU 1 2
NU 0 3

: )

Eraserheads Reunion Concert


Mayroon raw reunion concert ang bandang minahal ng lahat na Eraserheads sa darating na August 30, 2008 sa CCP Open Grounds.

Hindi ko alam kung paano sila nagkasundong muling magsama para sa event na ito. Pero isa lang ang sigurado, maraming fans ang matutuwa dito.

: )

Kaya naman pala umuulan

Sa mga hindi nakakaalam, may bagyo ngayon sa ibabaw ng Pilipinas, si Helen. Kaya naman pinapayuhan ang lahat na mag-ingat. Makinig na lang sa balita para sa iba pang impormasyon tungkol kay Helen.

Sabi nga ni Kuya Kim, "Wala sakuna sa pamilyang laging handa!"

: )

It's Miss Venezuela!


Pinanood ko kanina yung Miss Universe 2008 bago ako pumasok kaya nalaman ko agad kung sino ang nanalo. At ito'y walang iba kundi si Ms. Dayana Mendoza ng Venezuela. Pumangalawa naman si Taliana Vargas ng Colombia. Nakasama naman sa Top 5 sila Marianne Cruz ng Dominican Republic, Vera Krasova ng Russia, at Elisa Najera ng Mexico.


Hindi ko naman napanood yung nabalitaan ko kanina pag-uwi ko na nadulas raw sa kalagitnaan ng evening gown competition si Miss USA Crystle Stewart. Baka naliligo ako nung nangyari yun kaya di ko nakita.

Sa mga hindi nakakaalam, sa Nha Trang, Vietnam ginanap ang Miss Universe 2008. Kaya naman noong evening gown competition na e nag-joke yung host dahil umaga doon nung mga oras na yun. Gets mo?
Dahil na rin sa pagkapanalo ni Miss Venezuela, mayroon na ngayong hawak na 5 Miss Universe titles ang Venezuela. Huli itong nanalo noong 1996. Mayroon rin silang hawak na 5 Miss World titles. Ang galing!

Wala namang naiuwi ang ating representative na si Jennifer Barrientos kahit na Best in National Costume. Mukhang tinamad bumoto on-line ang ating mga kababayan.

: )

Photo from Yahoo! News and Associated Press

Thursday, July 10

Watda?! Nag-roll back pa!


Kaninang 12:01 raw ng umaga ay nag-roll back ng presyo sa gasolina ang Pilipinas Shell, Petron at Flying V. Yun nga lang P1 lang ang kanilang binawas.

Pambihira! Nag-roll back pa e P10 pa raw ang babawiin nila sa presyo ng gasolina! Ngayon weekend nga lang baka magtaas ulit sila ng presyo e. Malapit na talagang umabot sa P60 per liter ang diesel at P70 naman sa gasolina.

Tsk. Tsk. Oras na talaga para tanggalin ang VAT sa gasolina.


: (

UAAP 71: UE vs. NU & ADMU vs. AdU

*July 10 at the Philsports Arena (ULTRA)*

Game 1: UE defeated NU, 82-69

The scores:

UE 82--Martinez 16, Arellano 14, Thiele 11, Espiritu 11, Llagas 8, Bandaying 7, Lee 6, Zamar 5, Lingganay 4, Tagarda 0, Noble 0, Etrone 0, Reyes 0.

NU 69--Asoro 19, Baloran 17, Aguilar 12, Ponferrada 4, Luy 4, Tungkul 3, Fabula 3, Galapon 3, Batac 2, Jahnke 2, Dela Cruz 0, Catamora 0.

Quarters: 19-14, 35-36, 65-49, 82-69

Game 2: ADMU defeated AdU, 72-45
The scores:

ADMU 72--Tiu 12, Buenafe 8, Baclao 8, Salamat 8, Salva 7, Reyes 7, Nkemakolam 6, Austria 5, Sumalinog 3, Chua 2, Baldos 2, Escueta 2, Al-Hussaini 2, Burke 0, Long 0.

AdU 45--Gonzalgo 11, Santos 7, Olalia 5, Yambot 5, Galinato 4, Colina 4, Alvarez 3, Nuyles 2, Agustin 2, Gorospe 2, Lozada 0, Cañada 0, Margallo 0,

Quarters: 14-12, 30-27, 44-37, 72-45

source: Inquirer.net

: )

FHM Philippines TOP 100 Sexiest Women in the WORLD!


1. Marian Rivera (tindi talaga ni hype ng Marimar)
2. Megan Fox (dapat ito #1!)

3. Katrina Halili (dapat #2)

4. Angel Locsin (natalo ni Marian e)

5. Diana Zubiri (basta nasa top 10 pwede na)

6. Ehra Madrigal (top 5 siguro)
7. Iwa Moto (pwede na)

8. Cristine Reyes (basta nasa top 10)

9. Anne Curtis (dyosa!)

10. Angelica Panganiban (basta hindi siya mataba)

11. KC Concepcion (di ata siya bagay dito pero pwede na rin)

12. Alessandra de Rossi

13. Bianca King (dapat lang!)

14. Jennylyn Mercado (tae, bat nandito to? pwede pala kahit buntis?)

15. The EB Babes (pwede group? dapat may Honeybees rin!)
16. Bea Alonzo (syempre naman!)

17. Francine Prieto (medyo tumataba na siya e)

18. Iya Villania (pwede!)

19. Riza Santos (dapat nasa top 10 to!)

20. Michelle Madrigal (mas sexy si Ehra e)

21. Maja Salvador
(?)
22. Precious Adona (hubad kung hubad)

23. Nancy Jane (sa mga hindi nakakakilala, si Nancy Castilione to)

24. Rhian Ramos
(?)
25. Asia Agcaoili (hindi na ata mawawala to e)

26. Pauleen Luna (pwede!)

27. Heart Evangelista (maputi naman e)
28. Shaina Magdayao

29. Valerie Concepcion (pwede pa kahit may anak na)
30. Niña Jose (dapat nasa top 15)

31. Hazel Ann Mendoza (sama sila ni Niña)

32. The Kitty Girls (grupo rin?)

33. Yasmien Kurdi (?)
34. Mariel Rodriguez (lagot to kay kuya)

35. Toni Gonzaga (ito rin)
36. Gwen Garci (katulad ni Asia)

37. Bianca Gonzalez (?)

38. Roxanne Guinoo (dapat may kabayong kasama)
39. Joyce Jimenez (kahit nawawala pwede na rin!)

40. Iza Calzado (?)

41. Jennifer Lee (of course!)

42. Beyonce (uy! imported!)

43. Kim Chiu (ha?)
44. Jacq Yu (aaaa, yung kasama ni Aubrey!)

45. Sarah Geronimo (watda?!)
46. Gaby dela Merced (pwede!)

47. Maureen Larazabal (pwede pa!)

48. Maxene Magalona (baka magalit si Francis M. pag nag-comment ako)

49. Keeley Hazell (ang sikip nung damit niya)
50. Joyce So (sexy!)

51. Ariani Nogueira (yung sa eat bulaga?)

52. Wendy Valdez (nasan na ba to?)
53. Bubbles Paraiso (dapat nasa top 10 to!)

54. Cherry Ann Kubota

55. Valerie Garcia (pwedeng-pwede!)

56. Jaymee Joaquin
57. Raine Larrazabal

58. Ryza Cenon
59. Lunining (wow)

60. Sheena Halili

61. Angelina Jolie

62. Ornussa Cadness

63. Gail Nicolas

64. Rufa Mae Quinto
65. Scarlett Johannsson

66. Jackie Rice

67. Nikki Gil
68. Pops Fernandez
69. Krista Ranillo

70. Cristina Garcia

71. Kat Alano

72. Jenny Miller

73. Jewel Mische

74. Michaela Espinosa
75. Arra Castro

76. Kris Bernal

77. Renee Summer

78. Paloma

79. Jeri Lee

80. Amanda Griffin

81. Kristine Jaca

82. Precious Lara Quigaman

83. Myles Hernandez
84. Jamilla Obispo

85. Ella V.

86. Ana Lea Javier

87. Anna Scott
88. Alyssa Alano

89. LJ Reyes

90. Aliya Parcs

91. Lindsay Lohan

92. Sofie

93. Belinda Bright

94. Rich Asuncion

95. Sachie Sanders

96. Nicole Hernandez

97. Bianca Valerio

98. Kristine Hermosa

99. Aina Gonzalez

100. Victoria London


: )

Wednesday, July 9

Kaya nga tinawag na "air-con bus" e!

Naiinis ako dun sa mga taong sumasakay ng airconditioned bus na ayaw naman mahagip ng malamig na hangin. Madalas, mga matatandang babae ang mga yan.

Minsan, may nakatabi akong matandang babae at agad niyang inayos yung air socket (yun ba tawag dun?) para di siya mahanginan. Yung nakatutok naman sa akin e gusto rin niyang galawin dahil nilalamig raw siya! Anak ng pating! Bakit pa siya nag-aircon kung ayaw naman niyang malamigan?! Sasakay-sakay ng aircon bus ayaw naman sa aircon. Anong habol niya dun? Yung tv?!

Tae talaga.

: )

Sunday, July 6

UAAP Season 71 first 4 games result

*July 5 at the Araneta Coliseum*
Game 1: FEU defeated Adamson, 74-71
Game 2: UE defeated UST, 78-73

*July 6 at the Araneta Coliseum*
Game 1: UP defeated NU, 86-72
Game 2: ADMU defeated DLSU, 79-73

: )

Ces Drilon nakatanggap ng 3-month suspension

Tatlong buwang sinuspinde ng ABS-CBN ang kanilang senior reporter at correspondent na si Ces Oreña-Drilon dahil sa paglabag umano nito sa mga orders ng kanyang supervisor na nagresulta sa pagkakadukot sa kanya at tatlo pa noong June 8 sa Indanan, Sulu ng mga hinihinalang Abu Sayyaf.

Tinanggap naman ni Drilon ang naging desisyon ng pamunuan ng ABS-CBN at muli itong humingi ng tawad dahil sa dinulot niyang problema lalo na sa mga cameraman niyang kasama.

: (

Tuesday, July 1

Pinoy Fear Factor in South America

Kasalukuyang nagpapa-audition ang ABS-CBN para sa mga gustong sumali sa PINOY FEAR FACTOR. Hindi ko nga lang alam kung saan at kailan dahil tapos na yung audition doon sa PDA Concert Hall (June 29).

Ayon rin sa commercial ads ng programa, 30 days raw titira ang mga kalahok somewhere in South America. Palagay ko sa Amazon River. At ang top prize raw ay tumataginting na P2,000,000! Malayung-malayo sa format ng US version! Parang Survivor na nga e.

Onga pala, ang Fear Factor ay hindi galing sa US. Galing ito sa Endemol Netherlands na siya ring may gawa ng Big Brother at Deal or No Deal. Ang orihinal na titulo nito ay NOW OR NEVERLAND. Ang pangit no? Sa US lang ito ginawang FEAR FACTOR.

So, kung matibay ang sikmura mo, sumali ka dito.

: )