Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, August 8

Tayo'y mag-otso-otso (otso!-otso!)

At tulad ng aking inaasahan, isang ordinaryong araw rin lang ang August 08, 2008 (08/08/08) na sinasabi ng marami (iba lang pala) na "swerteng" araw raw. Wala namang nangyaring anumang swerte ngayong araw sa akin. Ni hindi nga ako nakapulot ng P500 sa kalsada e. Ordinaryong araw lang talaga. Ang alam lang ng nakararami ay ngayong gabi magsisimula ang 2008 Beijing Olympics sa ganap na 08:08:08 PM (oras sa Beijing).
08/08/08. Ano bang meron dito?
Kanina, nadaanan ko yung isang simbahan na may kasalan. Mukhang isa ito doon sa daan-daang nagpadala sa paniniwalang swerte ang araw na ito kaya sila nagpakasal. March pa lang kasi, nababalitaan ko nang marami ang gustong magpakasal sa araw na ito. Swerte raw kasi. Ewan ko ba. Bakit ba sila nagpapaniwala doon?
Hindi talaga ako naniniwala sa mga paniniwalang wala naman talagang basehan. Isa na diyan yang paniniwalang swerte ngayong araw dahil may tatlong "8" sa date ngayon. Sabi raw kasi ng mga chino, ang "8" ay nangangahulugan ng salitang "prosperity," at dahil tatlo ang "8" ngayong araw, nangangahulugan raw ito ng "prosperity, prosperity, prosperity." Sobra-sobrang prosperity. E ano ngayon? Maski nga mga feng shui experts nagsasabing wala namang espesyal sa araw na ito. Ghost month pa nga raw ngayon e. Pero kung ano man ang ibig sabihin nun, hindi ko na alam.
Sabi nila, wala naman raw masama at walang mawawala kung maniniwala ka na may swerte. Pero hindi ko pa rin kinagat. Naniniwala kasi ako sa "Weather-weather lang." Ibig sabihin, kanya-kanyang panahon lang yan. Pero wala talagang swerte. At kahit maniwala akong may swerte, mapagtatanto ko rin sa huli na niloloko ko lamang ang aking sarili. Dahil wala naman talagang swerte. Ikaw mismo ang gagawa ng ikasasaya o ikaiinis mo. Ikaw lang.
08/08/08. 100 years pa ulit ang kailangan bago muling dumating ang araw na iyan. Pero kahit ilang libong taon pa ang bibilangin bago muling magkaroon ng ganyang date, mananatili pa rin itong isang ordinaryong araw sa kalendaryo. Walang espesyal. Walang swerte.
Paano kaya next year, pagkakaguluhan rin kaya nila ang September 09, 2009? Swerte rin kaya ang 09/09/09?
: )

No comments: