Matagal ko nang naririnig na may bagong Star Wars film na ilalabas si George Lucas. Hindi ko lang alam kung anong title. Ang akala ko dati, ire-remake niya yung Episode IV, V at VI, pero kahapon, nasagot ang aking mahiwagang tanong.
May nakita akong movie poster ng Star Wars: The Clone Wars sa Inquirer. Mukhang computer-animated ito at dahil nakita ko si Yoda, inisip ko na si Obi-wan at si Anakin yung dalawang nakatayo sa likod niya. At tama nga ako. Sila nga yun kahit di nila kamukha.
Ang latest Star Wars film na ito ay naka-set sa gitna ng Episode II at III kung saan naganap ang "Clone Wars." Ito rin ang kauna-unahang Star Wars film na ginawa gamit ang CGI o computer generated imagery nang buo. At ito rin ang unang Star Wars film na hindi distributed by 20th Century Fox. Nalaman ko rin na ito ang magiging introduction ng ilalabas na TV series sa US na may parehong title.
Lalabas ito sa mga sinehan dito sa Pilipinas ngayong buwan. Magiging hit rin kaya ito tulad ng mga naunang Star Wars film? Malalaman natin.
: )
No comments:
Post a Comment