Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, August 15

Harry Potter and the Half-Blood Prince, di na tuloy sa November

Yup, you read it right. Hindi na nga matutuloy sa original release date na November 21, 2008 ang much-awaited film adaptation ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Iniurong ito sa July 17 sa susunod na taon. Ibig sabihin, next year na rin ito ilalabas dito sa Pinas.

Ayon kay Alan Horn, Warner Bros. president and chief operating officer, "The move was made to take advantage of an open weekend in Hollywood's busy summer season." Sabi pa niya, "The film had been on schedule, and the change was not due to any production snags."

100% tapos na raw ang film. Pwede na nga raw itong ilabas sa November. Yun nga lang, sasamantalahin nga raw nila yung "open weekend" pagdating ng summer next year.

Hindi naman raw maaapektuhan ang production ng last 2 films ng Harry Potter na kukunan buong taon next year at naka-schedule i-release sa November 2010 at summer ng 2011. Sa mga hindi nakakaalam, 2 films ang gagawin ng Warner Bros. para sa Deathly Hallows. Hahatiin nila yung libro. Magmumukha siyang Matrix Reloaded at Revolutions.

Samantala, inilipat rin ang release date ng bagong Star Trek film ng Paramount Pictures mula December papuntang May 8, 2009. Pareho rin ang dahilan ng Paramount. Sasamantalahin rin nila ang "open weekend" sa summer next year.

Sa mga gusto namang makita ang movie trailer ng
Harry Potter and the Half-Blood Prince, click mo lang ito: trailer. November pa nga nakalagay dun e!

photo from Associated Press and Yahoo! news

: (

No comments: