Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Saturday, August 30

UAAP 71 game results and schedule

*August 28 at the Araneta Coliseum*

Game 1: FEU defeated NU, 64-60

Quarters: 16-17, 37-33, 56-48, 64-60

Game 2: La Salle defeated UST, 81-79

Quarters: 15-13, 34-36, 54-47, 81-79

Team Standings

Teams

W L
ADMU

11
1

DLSU

9
3

FEU

9
3

UE

7
5

UST

5
7

UP


3
9

NU


2
10

AdU

2
10

Qualified for semifinals

Qualified for knockout game

Eliminated

Games today, August 30

at the PhilSports Arena:

2 PM – UP vs FEU

4 PM – Ateneo vs NU

Games tomorrow, August 31

at the PhilSports Arena:

2 PM - La Salle vs Adamson

4 PM - UE VS UST

source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Tuesday, August 26

The Amazing Race 13 cast


At sila na nga ang mga contestants ng much-awaited new season ng The Amazing Race. Abangan sila ngayong September!

: )

Survivor: Gabon on Qtv

Nitong mga nakaraang araw, ilang beses kong nakita yung mga teaser ng Qtv tungkol sa "Original" Survivor. Sabi pa sa isang commercial,


"The original Survivor marks its territory on Q"

At agad kong nalaman na yun yung Survivor Gabon. Kung ganun, naagaw nga nila ang broadcast rights nito mula sa Solar.


Pero may isa lang akong napuna. Hindi po "original" yung Survivor ng America. Expedition: Robinson ang unang Survivor series na ginawa and therefore the real Original Survivor.

...

Kung ganun, halos sabay palang ipapalabas ang Survivor Gabon at local version nitong Survivor Philippines sa Qtv at GMA. Yung nga lang, gabi-gabi yung Survivor Philippines, samantalang weekly naman yung Survivor Gabon. Yes, you read it right. Magmumukha ngang Extra Challenge yung Survivor Philippines dahil ilalagay ito sa Primetime block gabi-gabi.

: )

Eraserheads Reunion Concert Update


May napanood akong balita kagabi tungkol sa reunion concert ng Eraserheads. Nag-pull out na raw ang Philip Morris as sponsor ng event. May bago naman raw itong producer kaya tuloy ang concert sa August 30.

Pero may pagbabago raw sa venue. Sa Fort Bonifacio open field na raw ito gaganapin. Kung anong oras, hindi ko pa alam.

Samantala, good news sa mga hindi nagyo-yosi! Bukas na raw ang event sa lahat kahit pa hindi ka naninigarilyo! Pwede na rin makapanood ang mga minors below 18 pero di bababa sa 12 years of age. Tungkol naman sa ticket sales, lalabas raw ang details bukas, August 27 sa mga print ads, radio at tv.

Sige nga, pag bukas wala, magpapa-burger si Malaya!

: )

American Idol's new judge

Magiging apat na raw ang judges ng American Idol sa 8th season nito sa January 2009. Ang newly-installed judge na ito ay si Kara DioGuardi, isang Grammy-nominated songwriter, record producer, at singer na ngayon ko lang nakita.

Ikaw, pamilyar ba siya sa'yo? Maganda naman siya. Mas maganda nga siguro kung palitan na lang nila si Paula Abdul para masaya! : )

Monday, August 25

Kapag may group meeting, lagi mong kukunin ang cellphone number nila dahil kung hindi, magagaya ka sa akin

Walang pasok ngayon pero nasa SM ako. Nasa Netopia. Pansamantalang tumigil kahahanap ng mga ka-grupo ko. May group meeting kami dapat ngayon. SM ang meeting place at 10 AM ang time. Pero 11 ako dumating. Magaling na bata, di na natuto.
Lampas 9 na kasi nang nagising ako. Pinanood ko pa kasi yung "Beyond Conspiracy" kagabi. Ngayon, alam ko na na may conspiracy nga sa assassination ni Ninoy. Pero hindi yan ang problema ko ngayon. Hindi pa rin kasi nagtetext hanggang ngayon yung ka-grupo ko, at ang masama pa, siya lang ang may contact ako. Yung 3 pa, wala. Nagalit kaya sila sa akin?
Ngayon, aalis na muna ako at hahanapin ko sila, kung nandito pa sila sa SM. Ang alam ko kasi, may pupuntahan dapat kaming bahay. Anak ng pating! Kung umalis na sila, mas lalong hindi ko sila makikita! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! Alas-dose na!

: )

UAAP 71 weekend game results

*August 23 at the PhilSports Arena*

Game 1: UST defeated NU, 68-58
Quarters: 15-11, 31-23, 52-42, 68-58
Game 2: FEU defeated La Salle, 83-75
Quarters: 14-14, 37-32, 54-47, 83-75

*August 24 at the Araneta Coliseum*

Game 1: Ateneo defeated UP, 79-58
Quarters: 12-11, 36-28, 54-42, 79-58
Game 2: UE defeated Adamson, 58-45
Quarters: 16-11, 29-17, 44-32, 58-45

Team Standings

Teams

WL
ADMU

11
1

DLSU

8
3

FEU

8
3

UE

7
5

UST

5
6

UP


3
9

NU


2
9

AdU

2
10

Qualified for semifinals

Eliminated

Games on Thursday, August 28

at the Araneta Coliseum:

2 PM – NU vs FEU

4 PM – UST vs La Salle

source: Inquirer.net, UBelt.com

: (

Wednesday, August 20

Pinoy Idol: Gretchen Espina

Siya si Gretchen Espina, ang nagwagi (sa di nalamang dami ng boto) sa "Pinoy Idol" ng GMA na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia noong August 17 (grand finals). Tinalo niya sina Jayann Bautista at Ram Chavez para tanghaling the very 1st Pinoy Idol.

Pero technically, siya ang pangalawang winner ng isang Philippine Idol fenchise dahil alam naman natin na si Mau Marcelo ang unang naging "Idol" nang manalo ito sa "Philippine Idol" two years ago.

Hindi ko napanood ang finale ng programa. At hindi ko rin napanood ang kabuuan ng kompetisyon kaya hindi ko rin alam kung deserving ba talaga siyang manalo.

Bakit kanyo?

Bali-balita kasi na kaya raw siya nanalo sa Pinoy Idol ay dahil anak raw ito ng isang politiko (governor ng Biliran sa Eastern Visayas). Impluwensiya raw. Napag-alaman ko rin na ni minsan ay hindi ito napadpad sa Bottom Group (tulad ni Jayann, co-finalist niya) ng kompetisyon---ibig sabihin, maraming botante. Ito kayang "maraming botante" na ito ang tinutukoy nila na epekto ng impluwensiya ng kanyang ama? Hindi ko alam.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, Gretchen will be receiving a prize package worth P5.7 million, including 1 million pesos in cash from SM Supermalls, a management contract from GMA Artist Center, a recording contract from Sony-BMG, a brand new car, and a condo unit from Avida Towers in New Manila (tagpuan.com). Nalaman ko rin na napag-usapan raw pala ng tatlong finalist na may hatian silang gagawin sa pera mapapanalunan ng mananalo. Ayon sa Inquirer.net, Espina added: “I will share a portion of my winnings with the two other finalists. Napagkasunduan na namin ito (We agreed on this).” Bautista and Chaves will each receive P100,000 from her.

Ang bait.

: )


Monday, August 18

Ang bunganga at ang bibig

Alam niyo ba ang pinagkaiba ng salitang "bunganga" sa salitang "bibig"? Kung hindi pa, ngayon din ay sasabihin ko sa inyo.

Ang "bibig" ay ginagamit sa tao samantalang ang "bunganga" naman ay sa mga bagay at hayop naman.

Halimbawa:

"Isara mo nga yang bibig mo!" para sa "bibig"

at

"Ang laki naman ng bunganga nung balon!" para naman sa "bunganga"

Now you know.

: )

Gold # 8

Bilib na bilib ako kay Michael Phelps dahil nakuha niyang lahat ang Gold medal sa lahat ng events na nilahukan niya sa Swimming sa 2008 Beijing Olympics. Kahapon lang, nakuha niya ang ika-walong gold medal niya sa 4 x 100 meter medley relay kung saan pangatlo siyang lumangoy. Ang galing nga e! Ang bilis niyang mag-butterfly!

Eto naman ang listahan ng lahat ng events niya sa Swimming (na kinuha ko sa Wikipedia):

Date (in Beijing) Event Results Time
August 10 400 m individual medley Gold Medal 4:03.84
World record
August 11 4 x 100 m freestyle relay Gold Medal 3:08.24
World record
August 12 200 m freestyle Gold Medal 1:42.96
World record
August 13 200 m butterfly Gold Medal 1:52.03
World record
August 13 4 x 200 m freestyle relay Gold Medal 6:58.56
World record
August 15 200 m individual medley Gold Medal 1:54.23
World record
August 16 100 m butterfly Gold Medal 50.58
Olympic record
August 17 4 x 100 m medley relay Gold Medal 3:29.34
World record

Ang galing no? Gold medal na lahat, record-holder pa! Halimaw talaga! Siya na ngayon ang may hawak ng pinakamaraming nakuhang gold medal sa isang Olympics lang! Ang galing!

: )

UAAP 71 game results and schedule

*August 16 at the PhilSports Arena*

Game 1: La Salle defeated NU, 79-67
Quarters: 19-22, 31-42, 62-51, 79-67

Game 2: UE defeated UP, 95-65
Quarters: 26-13, 48-30, 74-45, 95-65

*August 17 at the PhilSports Arena*

Game 1: Ateneo defeated Adamson, 78-59
Quarters: Quarters: 22-11, 41-31, 59-48, 78-59

Game 2: FEU defeated UST, 74-69
Quarters: 21-21, 31-39, 41-54, 60-60 (reg), 74-69 (OT)

Team Standings

Teams

W L
ADMU

9
1

DLSU

8
2

FEU

7
3

UE

6
4

UST

4
6

UP


2
8

AdU


2
8

NU

2
8


Games on Thursday, August 21
at the Phil Sports Arena:
2 PM - UP vs Adamson
4 PM - Ateneo vs UE

source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Saturday, August 16

"Bongga ka day!"

Isa ka ba sa mga taong madalas magsabi ng "bongga"? Alam mo naman ba ang ibig sabihin nito? Kung hindi pa, ngayon din ay sasabihin ko sa'yo.

Ito raw ay mula sa dalawang salitang-ugat na "bobo" at "tanga" kaya naging "bongga." At maaari rin ang pinagsamang "bobo" at "gaga" para mabuo ang "bongga." Kaya masasabi natin na ang ibig sabihin ng salitang "bongga" ay "bobo na, tanga pa" o dili kaya'y "bobo na, gaga pa."

Halimbawa:
"Bongga talaga si Juan!"

Ibig sabihin:
"Bobo na, tanga pa talaga si Juan!"

O di ba ang saya? Mwahahahahaha!

Ngayon, gusto mo pa bang matawag na "bongga"?


: )

Friday, August 15

Harry Potter and the Half-Blood Prince, di na tuloy sa November

Yup, you read it right. Hindi na nga matutuloy sa original release date na November 21, 2008 ang much-awaited film adaptation ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Iniurong ito sa July 17 sa susunod na taon. Ibig sabihin, next year na rin ito ilalabas dito sa Pinas.

Ayon kay Alan Horn, Warner Bros. president and chief operating officer, "The move was made to take advantage of an open weekend in Hollywood's busy summer season." Sabi pa niya, "The film had been on schedule, and the change was not due to any production snags."

100% tapos na raw ang film. Pwede na nga raw itong ilabas sa November. Yun nga lang, sasamantalahin nga raw nila yung "open weekend" pagdating ng summer next year.

Hindi naman raw maaapektuhan ang production ng last 2 films ng Harry Potter na kukunan buong taon next year at naka-schedule i-release sa November 2010 at summer ng 2011. Sa mga hindi nakakaalam, 2 films ang gagawin ng Warner Bros. para sa Deathly Hallows. Hahatiin nila yung libro. Magmumukha siyang Matrix Reloaded at Revolutions.

Samantala, inilipat rin ang release date ng bagong Star Trek film ng Paramount Pictures mula December papuntang May 8, 2009. Pareho rin ang dahilan ng Paramount. Sasamantalahin rin nila ang "open weekend" sa summer next year.

Sa mga gusto namang makita ang movie trailer ng
Harry Potter and the Half-Blood Prince, click mo lang ito: trailer. November pa nga nakalagay dun e!

photo from Associated Press and Yahoo! news

: (

Thursday, August 14

Walang dibdib?

Kagabi, napanood ko lahat ng heat ng 400m Breaststroke Women sa C/S. At sa tingin ko, ito ang pangalawa sa pinakamahirap na swimming style sunod sa backstroke. Pero hindi yan ang paksa ng blog entry na ito. Dahil base na rin sa title, ito ang agad kong napansin sa lahat ng mga swimmers.


(Australia's Stephanie Rice, AFP PHOTO / GREG WOOD, Yahoo! Sports)

Ang alam ko, kapag maliit ang hinaharap ng isang swimmer, mas madali sa kanilang igalaw ang kanilang mga kamay sa paglangoy. Isipin mo nga naman kung si Diana Zubiri ang lumangoy. Di ba mahihirapan siya?

o0o---o0o---o0o

Txt Joke

BATA: Ate! Pag wala ka bang tenga, maghihikaw ka?

ATE: Siyempre hindi.

BATA: Eh kapag wala kang daliri, magsisingsing ka ba?

ATE: Hindi.

BATA: E bakit ka nagba-bra??

: )

Tuesday, August 12

2008 Beijing Olympic Games Medal Tally as of 6:00 PM August 12

Country Gold Silver Bronze Total
China 11 3 4 18
USA 7 6 8 21
Korea 5 5 1 11
Italy 3 4 2 9
Australia 3 1 5 9
Russia 2 4 3 9
Japan 2 1 2 5
Great Birtain 2 1 1 4
Czech Republic 2 0 0 2
DPR Korea 1 2 3 6

o0o---o0o---o0o

Wala pa ring Philippines...


: (

UAAP 71 weekend game results

*August 09 at the PhilSports Arena*

Game 1: UST defeated Adamson, 97-83
Quarters: 21-10, 44-29, 70-61, 97-83

Game 2: Ateneo defeated FEU, 78-74
Quarters: 13-15, 36-33, 57-51, 78-74

*August 10 at the PhilSports Arena*

Game 1: La Salle defeated UP, 81-61
Quarters: 19-9, 34-30, 59-48, 81-61

Game 2: UE defeated NU, 67-50
Quarters: 9-8, 19-19, 43-32, 67-50

Team Standings

Teams

W L
ADMU

7
1

DLSU

7
2

FEU

5
3

UE

5
4

UST

4
4

AdU


2
6

UP

2
7

NU

2
7


Next Game:
Thursday, August 13 at the PhilSports Arena
2 PM - FEU vs AdU
4 PM - UST vs ADMU

source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Monday, August 11

Star Wars: The Clone Wars

Matagal ko nang naririnig na may bagong Star Wars film na ilalabas si George Lucas. Hindi ko lang alam kung anong title. Ang akala ko dati, ire-remake niya yung Episode IV, V at VI, pero kahapon, nasagot ang aking mahiwagang tanong.

May nakita akong movie poster ng Star Wars: The Clone Wars sa Inquirer. Mukhang computer-animated ito at dahil nakita ko si Yoda, inisip ko na si Obi-wan at si Anakin yung dalawang nakatayo sa likod niya. At tama nga ako. Sila nga yun kahit di nila kamukha.

Ang latest Star Wars film na ito ay naka-set sa gitna ng Episode II at III kung saan naganap ang "Clone Wars." Ito rin ang kauna-unahang Star Wars film na ginawa gamit ang CGI o computer generated imagery nang buo. At ito rin ang unang Star Wars film na hindi distributed by 20th Century Fox. Nalaman ko rin na ito ang magiging introduction ng ilalabas na TV series sa US na may parehong title.

Lalabas ito sa mga sinehan dito sa Pilipinas ngayong buwan. Magiging hit rin kaya ito tulad ng mga naunang Star Wars film? Malalaman natin.

: )

Someone needs your help

Word spreads around fast and almost everyone has already heard about what happened to our dear friend, Tara Santelices (Assumption Antipolo’s Batch 2003 and Ateneo de Manila University’s Class of 2007, AB Political Science).

On the eve of her 23rd birthday, Tara was shot in the head during a hold-up while riding a jeepney along Imelda Avenue, Cainta, Rizal. Joee Mejias, who was with her at that time, rushed her to Amang Rodriguez Memorial Hospital in Marikina City. The parents of Tara and Joee arrived at the hospital shortly thereafter. When morning came, Tara’s parents finally decided to transfer her to the Medical City, Ortigas Avenue, Pasig City. Since 8:00am of August 6, Tara has been in the ICU fighting for her dear life. Her parents have decided not to push through with the operation.

Although it might seem that there is nothing else that we can do but wait for Tara to wake up from this horrific nightmare, we, the friends of Tara, have decided to raise funds for Tara’s hospital bills. This is the least we can do to ease the unbearable pain her family is going through. We have been given the go-signal from Tara’s dad, Tito Larry, and here are the details:

The temporary bank account is under Anne Marie F. Santelices, Banco de Oro, SA 2140-062201. For direct cash donations, please proceed to the ICU Waiting Room of the Medical City (Ortigas Avenue, Pasig City). Please look for Joee Mejias or Lila Santelices.

Any amount will be gratefully accepted. Anonymous donations are also welcome. Please spread the word. Forward this to your family, friends and even to everyone else you know. Please post this on Friendster, Multiply, Facebook and wherever else you can think of. Please send group messages on Yahoo Messenger. This will mean so much to us, her friends.

Please continue praying for Tara, for Joee and for both of their families. If you want to come see Tara, visiting hours at the ICU are at 9:00 am to 11:00 am and 5:00 pm to 7:00 pm.

Thank you so much for your time and kind consideration.

For inquiries, please contact Joee Mejias (09228154987) for calls and Jac Ledonio (09167243071) or Myka Francisco (09163695148) for text messages.

o0o---o0o---o0o

Oo nga pala, hindi ko personal na kilala si Tara Santelices pero dahil mabait akong tao, ipinaskil ko na rin ito para mabasa ng marami. Kung nais mong tumulong at kaya mong tumulong, tumulong ka.

Siya nga pala, nakuha ko nga pala ito kay Sara Matsuura. Yun lang.

: (

Saturday, August 9

UFC 87: Seek and Destroy

The Ultimate Fighting Championship presents UFC 87: Seek and Destroy which will be held on August 9, 2008 (August 10 in Manila) at the Target Center in Minneapolis, Minnesota.

The Main Event is set for the UFC Welterweight Championship bout between champion Georges St. Pierre and challenger Jon Fitch.

Other fights of the evening are as follows:

Main Card*
Kenny Florian vs Roger Huerta (Lightweight bout)
Brock Lesnar vs Heath Herring (Heavyweight bout)
Manny Gamburyan vs Rob Emerson (Lightweight bout)
Jason MacDonald vs Demian Maia (Middleweight bout)

Preliminary Card*
Cheick Kongo vs Dan Evensen (Heavyweight bout)
Chris Wilson vs Steve Bruno (Welterweight bout)
Ben Saunders vs Ryan Thomas (Welterweight bout)
Luke Cummo vs Tamdan McCrory (Welterweight bout)
Andre Gusmao vs Jon Jones (Light Heavyweight bout)

*fights are subject to change without prior notice; some fights may not be broadcast

Top 3 rin sila

Malapit na palang matapos ang Pinoy Idol. Hindi ko man lamang napansin. Kung di ko pa nakita yung commercial sa tv, hindi ko pa malalamang li-lima na lang pala ang natitira sa competition. At ngayong weekend na raw ang kanilang last Gala Performance at double-elimination round para malaman kung sino ang magiging Top 3. Parang sa Philippine Idol.

Pero kung kailan at saan gaganapin ang finale, wala akong ideya. Maski si Mr. Wikipedia, walang balita.

Sa totoo lang, hindi ko mapigilang i-compare ang Pinoy Idol sa Philippine Idol dahil pareho itong hindi masyadong gumawa ng ingay. Matatapos na nga lang, di pa napapansin ng tao.

: (

Friday, August 8

Tayo'y mag-otso-otso (otso!-otso!)

At tulad ng aking inaasahan, isang ordinaryong araw rin lang ang August 08, 2008 (08/08/08) na sinasabi ng marami (iba lang pala) na "swerteng" araw raw. Wala namang nangyaring anumang swerte ngayong araw sa akin. Ni hindi nga ako nakapulot ng P500 sa kalsada e. Ordinaryong araw lang talaga. Ang alam lang ng nakararami ay ngayong gabi magsisimula ang 2008 Beijing Olympics sa ganap na 08:08:08 PM (oras sa Beijing).
08/08/08. Ano bang meron dito?
Kanina, nadaanan ko yung isang simbahan na may kasalan. Mukhang isa ito doon sa daan-daang nagpadala sa paniniwalang swerte ang araw na ito kaya sila nagpakasal. March pa lang kasi, nababalitaan ko nang marami ang gustong magpakasal sa araw na ito. Swerte raw kasi. Ewan ko ba. Bakit ba sila nagpapaniwala doon?
Hindi talaga ako naniniwala sa mga paniniwalang wala naman talagang basehan. Isa na diyan yang paniniwalang swerte ngayong araw dahil may tatlong "8" sa date ngayon. Sabi raw kasi ng mga chino, ang "8" ay nangangahulugan ng salitang "prosperity," at dahil tatlo ang "8" ngayong araw, nangangahulugan raw ito ng "prosperity, prosperity, prosperity." Sobra-sobrang prosperity. E ano ngayon? Maski nga mga feng shui experts nagsasabing wala namang espesyal sa araw na ito. Ghost month pa nga raw ngayon e. Pero kung ano man ang ibig sabihin nun, hindi ko na alam.
Sabi nila, wala naman raw masama at walang mawawala kung maniniwala ka na may swerte. Pero hindi ko pa rin kinagat. Naniniwala kasi ako sa "Weather-weather lang." Ibig sabihin, kanya-kanyang panahon lang yan. Pero wala talagang swerte. At kahit maniwala akong may swerte, mapagtatanto ko rin sa huli na niloloko ko lamang ang aking sarili. Dahil wala naman talagang swerte. Ikaw mismo ang gagawa ng ikasasaya o ikaiinis mo. Ikaw lang.
08/08/08. 100 years pa ulit ang kailangan bago muling dumating ang araw na iyan. Pero kahit ilang libong taon pa ang bibilangin bago muling magkaroon ng ganyang date, mananatili pa rin itong isang ordinaryong araw sa kalendaryo. Walang espesyal. Walang swerte.
Paano kaya next year, pagkakaguluhan rin kaya nila ang September 09, 2009? Swerte rin kaya ang 09/09/09?
: )

Thursday, August 7

UAAP 71: UP vs NU & DLSU vs UE

*August 07 at the Araneta Coliseum*

Game 1: NU defeated UP, 72-59

Quarters: Quarters: 19-23, 36-32, 61-49, 72-59

Game 2: DLSU defeated UE, 70-61
Quarters: Quarters: 12-15, 36-30, 53-46, 70-61

source: Inquirer.net
Next Game:
Saturday, August 09 at the PhilSports Arena (ULTRA)
2 PM – AdU vs UST
4 PM – FEU vs ADMU

: )

Monday, August 4

I (don't) feel good! Tanananananana!

Sabi sa commercial ng multivitamins, "Bawal magkasakit." Sinubukan kong sundin yun. Pero tinamaan pa rin ako ng lintek na sakit ng ulo noong Huwebes na nauwi sa lagnat at sipon. Kagagaling ko nga lang sa sipon nun e. Tapos lagnat naman?!

Ngayon, medyo ayos na ako. Hindi nga lang ako makahinga ng maayos. Parang may nakaharang na Neozep sa butas ng ilong ko. Patuloy rin ang pag-agos ng mainit-init na sipon mula rito. Buti na lang, may panyo ako. Naubos na kasi yung bitbit kong tissue.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi nauubos ang sipon ko e. Saan ba galing yun? Hindi kaya unti-unit nang nalulusaw ang utak ko? Ang saklap naman nun.

Sana gumaling na ako. Sana tumalab na rin yung mga iniinom kong gamot. At sana, makahinga na ako ng maluwag.

: (

Naranasan mo na bang

Makakuha ng mababang marka sa quiz dahil mali ang na-review mo?

Ako, oo. Maraming beses na. Nakakatawa nga e. Di kasi nakikinig.

: )

Sa Argentina naman sila

Kung sa Thailand kasalukuyang nagte-tape ang Survivor Philippines, sa Argentina naman sa South America magte-taping ang Pinoy Fear Factor.

Wala lang. Gusto ko lang sabihin.

: )

UAAP 71 game results

At dahil nilagnat ako nung Thursday hanggang Saturday, hindi ko nagawang i-post yung laban noong July 31. Sa wakas, may tumalo rin sa Ateneo. Kahapon lang, tinalo naman ng NU ang FEU! Ang galing! Upset!

o0o---o0o---o0o

*July 31 at the Araneta Coliseum*

Game 1: UST defeated NU, 88-77

Game 2: FEU defeated Ateneo, 72-66

*August 02 at the Araneta Coliseum*

Game 1: UP defeated Adamson, 76-68

Quarters: 20-20, 43-33, 55-55, 76-68

Game 2: UE defeated La Salle, 68-62

Quarters: 19-15, 39-31, 62-46, 68-62

*August 03 at the Araneta Coliseum*

Game 1: NU defeated FEU, 69-61

Quarters: 12-18, 32-36, 52-51, 69-61

Game 2: Ateneo defeated UST, 64-57

Quarters: 13-12, 29-25, 49-45, 64-57

source: Inquirer.net

Team Standings after the First Round of Eliminations

Teams



W

L


ADMU



6

1


DLSU



5

2


FEU



5

2


UE



4

3


UST



3

4


UP



2

5


AdU



2

5


NU



1

6


Next Game: August 07 at the Araneta Coliseum
2 PM – UP vs NU
4 PM – DLSU vs UE

: )