Kamusta ang inyong Father's Day? Masaya ba o parang ordinaryong araw lang? Sa bahay namin parang wala namang pinagkaiba maliban sa kailangan naming i-greet si Papa ng "Happy Father's Day!"
Tulad nung Mother's Day, napuno rin ang mga pahayagan at telebisyon ng mga Father's Day-related ads. Kaliwa't kanan sa dyaryo, minu-minuto naman sa telebisyon. At hindi espirito ng Father's Day ang naramdaman ko sa mga ito kundi komersyalismo.
Para bang sinasabi nilang "Dahil Father's Day ngayon, bumili ka ng produkto namin!" Di ba nakakainis? At kahit gaano kaganda ang mensahe nila, tandaan natin na ang silbi ng mga commercial ads ay bumenta ng produkto nila. Tanggapin mo na lang yung mensahe nila pero wag kang kakagat sa mga alok nila.
Ang Father's Day ay para sa mga Ama ng tahanan at hindi para pagkakitaan.
HAPPY FATHER'S DAY!
: )
No comments:
Post a Comment