Hanggang ngayon, bumabaha pa rin ng mga "food supplements" at "herbal medicines" sa merkado. May pampalakas ng katawan, panlinis ng bato at bituka, gamot sa arthritis at diabetes, pampapayat, pampatalino, pampaputi, pampagana sa kama, at syempre, pampabata. Pero iba-iba man ang ipinangakong magagawa nila, pare-pareho naman ang nakatatak sa mga karton nila.
Noong nakaraang buwan lang naglabas ng statement ang BFAD tungkol sa mga "food supplements" at ayon mismo sa kanila, "ANG MGA FOOD SUPPLEMENTS AY HINDI NAKAKAGAMOT NG ANUMANG SAKIT." Sapul! Bullseye! Karagdagang nutrisyon lamang ang naibibigay nito sa katawan ng tao. Wala nang iba pa. Pero bakit marami pa rin ang tumatangkilik dito kahit lampas P20 ang bawat kapsula nito?
Tandaan nating lahat na "Prevention is better than cure." Mas maigi pa rin ang wastong pagkain, regular na exercise at healthy lifestyle kaysa mga kapsula na may pare-parehong tatak sa karton nila.
: )
No comments:
Post a Comment