Napuno na naman ng aspalto ang kalsadang dinadaanan ko. Ito ang laging solusyon ng lokal na gobyerno sa mga nabibiyak na semento. Pero kung iisiping mabuti, hindi ito magandang solusyon para sa nakararami. Dahil kapag aspalto ang ginamit ngayon, aspalto rin ang gagamitin sa susunod. Hindi talaga naso-solusyunan ang problema kundi pinagkakakitaan lang ng iilan. Malaki nga naman ang budget na ilalabas kapag nakakita sila ng kalsadang bitak-bitak. At hindi naman talaga sila ang nakakaramdam ng epekto ng kanilang mga pinaggagagawa. Kundi ako, sila, kami. Kaming mga dumadaan sa kalsadang mini-make-up-an nila. Kaming taun-taong napeperwisyo kapag nagbubungkal sila ng semento. Kaming wala namang magawa kapag may bagong luma silang proyekto.
Kailan kaya maaayos ang problema ng aming kalsada?
: (
No comments:
Post a Comment