Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, June 30

Manny dito, Pacquiao doon


Napuno ng mukha ni Manny Pacquaio ang mga pahayagan kaninang umaga. Siyempre, nanalo kasi siya. Pero palagay ko kahit pa siya ang natalo, siya pa rin laman ng mga balita. AT hanggang pagdating ko sa bahay, si Pacquiao pa rin ang laman ng mga news programs! Pati yung lumubog na MV Princess of the Stars dinamay sa laban ni Pacquiao! Nakalimutan raw ng mga naulila ang sakit na dulot ng trahedya dahil sa pagkapanalo ni Pacquiao. Ano yun? Lokohan?! Dapat kasi, hindi pinagtatagpi-tagpi ang mga balita. Pag Sulpicio, Sulpicio lang! Pag si Pacquiao, Pacquiao lang! Walang kung anu-ano pa. Respeto na rin dun sa mga namatayan.

Pero asahan pa rin natin na si Pacquiao ang magiging laman ng mga balita hanggang sa susunod na linggo. Siya kasi ang pinakamainit na tao ngayon kaya sasabit ang media sa kanya. Ibabalita pa ang naging training niya; kwento ng buhay niya; anong masasabi niya sa laban niya; sinong gusto niyang sunod na makalaban; buntis ba misis niya; may bagong kotse at driver ba ang nanay niya; tatakbo ba siya sa 2010, at kung anu-ano pang kabulastugan.
Hay. Balita talaga sa Pilipinas. Laging exaggerated. Congrats na lang kay Pacquiao!

: (

photo from http://www.boxingscene.com/?m=show&id=14674

Friday, June 27

F.F. in S.A.


Nakita ko yang maikling commercial na yan last Saturday habang break ang PDA. At obvious na obvious na ito yung Fear Factor Philippines. Pero ano yung S.A.? Ang hula ko, San Antonio. Pero nung nag-Wiki ako kani-kanina lang, sabi sa South Asia raw. Nitong mga huling araw lang, nag-announce na sila ng audition dates para sa show na yan. At ayon pa sa commercial, 30 days raw silang titira sa labas ng Pilipinas. Ano yun? Survivor? Mukhang ito talaga ang itatapat ng Dos sa Survivor Philippines ng Siyete. : )

Thursday, June 26

Wow! Parang ako nga!

Nakita ko lang 'to sa blog ni Jamie tapos naisip kong subukan. At yan na ang resulta.

o0o---o0o---o0o

Determined Realist (DR)

(Just visiting? Take the free test and determine your personality type!)

Determined RealistDetermined Realists like to bear responsibility and welcome challenges. They are stable, reliable persons. External contacts are very important to them; they mix well and are very active. They are excellent organisers and are very happy when things are done correctly and punctually; they can quickly react impatiently if others are not as conscientious, orderly and dutiful as they are. They prefer structured work which produces visible results quickly to abstract, long-drawn-out processes. Determined Realists have no problem with routine as long as it serves efficiency. However, they very much dislike unexpected and unpredictable occurrences which mess up their careful plans. Once they have committed themselves to a cause they do this with dedication and are willing to make considerable sacrifices for it.

Determined Realists do not avoid conflicts and criticism but face up to them and look for solutions. As they have a keen eye for the errors and shortcomings of others and are often quick at expressing criticism, they sometimes rub people up the wrong way especially when they lose their temper and jump to conclusions. Due to their marked sense of justice they are quickly willing to correct themselves and never take offence if someone speaks to them frankly. You do not have to seek hidden motives with them; you always know where you are. Determined Realists are often found in executive positions as they combine commitment, competence and the ability to assert themselves. In their spare time, they often also accept responsibility in clubs and other institutions.

Traditions rate highly with Determined Realists. They attend every family event and never forget a birthday or wedding anniversary. Family and friends are very important to them. With their open, communicative manner, they find it easy to get to know people and have a large circle of friends and acquaintances. They are never superficial, but reliable and loyal friends who are always there when they are needed. Determined Realists take their relationships very seriously - they dream of finding a partner for life. In a love relationship, they seek above all stability and loyalty and here, too, they are willing to invest a lot in a harmonious togetherness. Determined Realists master crises or difficult phases with composure; they would never think of breaking a promise given. As a partner, one can always rely on their support.

o0o---o0o---o0o

Sa tingin ko naman halos lahat ng nakalagay dyan ay nagma-match sa akin.

: )

Tuesday, June 24

Nakatanggap na naman ako ng spam/scam

Pagbukas ko ngayon ng e-mail ko, nakita ko ang message na ito. At hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako nito. Basahin niyo't maiinis kayo sa laman.

Kung totoo sana to, mayaman na sana ako.

o0o---o0o---o0o

FROM THE DESK OF MR AHMED HASSAN
AUDITS & ACCOUNTS DEPT
BANK OF AFRICA (BOA)
Ouagadougou Burkina Faso



Dear Friend,

Greeting's to you and your entire family!

I am MR AHMED HASSAN, a banker with the above mentioned bank in Ouagadougou Burkina Faso in West Africa, holding the post of the Audit & Accounts dept. On December, 25, 2003, one Mr. Katif Salah,a German Nationality, An Astute Business man of international repute, a contract with ecowas country, whose endeavors spans various areas of Business interest, (Real estate, contract and Farming .etc) made a numbered time (Fixed) Deposit, valued at $22.5 M (Twenty Two Million Five Hundred Thousand United State Dollars) for twelve calendar months in my Bank Branch.

Upon Maturity, we sent a routine notification to his forwarding address but got no reply. After a month, we sent a reminder and finally we discovered from his company that Mr.Katif Salah. was aboard the AF4590 plane, which crashed December, 25 2003. After further investigation, it was discovered that he died without making a WILL and all attempts to trace his next of kin proved fruitless. On further investigation, it was discovered that Late Mr.Katif Salah, did not declare any next of kin or relatives in all his official documents, including his Bank Deposit paper work here in our Bank. The total sum, $22.5M is still in my bank and the interest is being rolled over with the principal sum at the end of each year. All efforts to trace and locate his next of kin proved abortive.

In accordance with the country's banking laws and constitution guiding this banking institution stated that after the expiration of 5 years, if no body or person comes for the claim as the next of kin , such money will be revert to the Burkina Faso government treasury if nobody applies as the next of Kin to claim the fund. Consequently, It is upon this respect, I seek to present you as a foreign partner to stand as the next of kin to the late Mr. Katif Salah, since no one will come up for the claim.

Upon acceptance of this proposal, I shall send to you by mail the BOA Bank "Next of Kin Payment Application Text Form" as well as detailed information on how this business would be carried out. And you will be in position of 40% after the deal is done, I guarantee that this will be executed under legitimate arrangement that will protect you from any breach of the law, as I will use my position in the Bank's here to perfect this business transaction & secure Approvals and guarantee the successful execution of this transaction.

Please be informed that your utmost confidentiality is required. If this interests you, I want to remind you of the confidentiality of this Transaction at hand whatever your decision is. I await your urgent response,and fill those question below to enable us proceed this business onward. Here is my private email adress
ahmed_hassan09@mixmail.com.


Your Full Name..........................
Your Sex.................................
Your Age..................................
Your Country..............................
Your pass or photo.......................
Your Occupation..........................
Your Personal Mobile Number.........
Your Personal Fax Number.............


As soon as i receive your positive respond i will send you the text of application which you will use to apply in my bank as next of kin.

Thanks.
MR AHMED HASSAN

o0o---o0o---o0o

Ano sa tingin mo?

: )

Monday, June 23

Aspalto na naman

Napuno na naman ng aspalto ang kalsadang dinadaanan ko. Ito ang laging solusyon ng lokal na gobyerno sa mga nabibiyak na semento. Pero kung iisiping mabuti, hindi ito magandang solusyon para sa nakararami. Dahil kapag aspalto ang ginamit ngayon, aspalto rin ang gagamitin sa susunod. Hindi talaga naso-solusyunan ang problema kundi pinagkakakitaan lang ng iilan. Malaki nga naman ang budget na ilalabas kapag nakakita sila ng kalsadang bitak-bitak. At hindi naman talaga sila ang nakakaramdam ng epekto ng kanilang mga pinaggagagawa. Kundi ako, sila, kami. Kaming mga dumadaan sa kalsadang mini-make-up-an nila. Kaming taun-taong napeperwisyo kapag nagbubungkal sila ng semento. Kaming wala namang magawa kapag may bagong luma silang proyekto.

Kailan kaya maaayos ang problema ng aming kalsada?

: (

Saturday, June 21

BAYANI


Napansin ko ngayong linggo na karamihan ng mga bus na tumatakbo sa kalsada ay may mga sticker ng Philippine flag na may salitang "BAYANI" sa katabi. At ang "BAYANI" na ito walang iba kundi si BAYANI FERNANDO, ang chairman ng MMDA.

Sa una, aakalain mong simpleng sticker lang ito tungkol sa Araw ng Kasarinlan. Pero ako, unang beses ko pa lang nakita, alam kong pakulo na naman ito ni BF. At hindi ko alam kung bakit pinapayagan ito ng gobyerno. Pagkatapos ng mga pa-pogi niyang tarps sa EDSA at Commonwealth, heto na naman siya't nagpapapansin. At para sa mga hindi nakakaalam, may balak raw tumakbo sa pagka-Presidente ang mokong.


Isa na naman itong patunay ng pag-aaksaya sa kaban ng bayan.

: (

*photo from http://www.flickr.com/photos/the_amateur/2367793629/

Wednesday, June 18

Ces at 2 pa, pinalaya na

Ngayon ko lang nalaman na pinalaya na pala kagabi pa sila Ces Drilon, cameraman Jimmy Encarnacion at Mindanao State University professor Octavio Dinampo 10 araw matapos silang madakip ng mga hinihinalang Abu Sayyaf. Mabuti naman at maayos ang kanilang naging lagay.

Sa kuhang ito na galing Yahoo! News at Reuters, nagbigay ng maiklaing press conference ang mga pinalayang sina Ces (2nd R) at Jimmy (L). Kasama rin ang naunang pinalaya na si Angelo Valderama (R) at si Senator Loren Legarda na sinasabing tumulong sa negosasyon para pakawalan ang mga biktima. Pero para sa akin, nagpapapansin lang siya. Dalawang taon na lang kasi, eleksyon na.

Ang tanong ngayon, may ransom bang ibinigay?

: )

Game Over: Celtics defeated Lakers, 4-2

Pagkatapos ng mahigit 22 taon, nakuha rin sa wakas ng Boston Celtics ang kanilang ika-17 NBA title sa katatapos lang na Game 6 laban sa L.A. Lakers, 131-92.

Si Paul Pierce ang tinanghal na NBA Finals MVP, samantalang tinanghal naman bilang NBA Defensive Player of the Year si Kevin Garnett.

Congrats sa Boston Celtics for winning the 2008 NBA Finals! Thanks na rin sa L.A. Lakers pero, ganyan talaga e. Oras ng Celtics ngayon! Congrats uli sa Celtics!

At napansin niyo ba? Nakuha nila ang kanilang 17th NBA title ngayong 17th day (18 na dito sa Pilipinas) of June. Astig!

: )

*photo from Yahoo! Sports

Monday, June 16

Game 6




At dahil nagawang ipanalo ng Lakers ang Game 5 nila laban sa Celtics, tuloy ang laban sa Finals!

Makakamit na kaya ng Celtics ang kanilang 17th championship o magkakaroon pa ng Game 7?


Abangan sa Wednesday ang sagot!


: )

PBA on Solar Sports

Tuluyan nang napunta sa Solar Sports ang tv coverage ng susunod (at mga susunod pang) season ng PBA. Sa halagang P508 M, nakuha ng Solar ang rights para i-broadcast ang PBA sa C/S (RPN 9) at Basketball TV.

Tinalo ng Solar ang bid ng ABS-CBN 2 na mas mababa ng halos P31 M, at ang ABC 5 na mas mababa ang bid. Sinasabing nag-back-out ang mga ito dahil sa taas ng offer ng Solar. Napabalita rin na sumingit ang GMA 7 at IBC 13 sa negosasyon pero itinanggi ito ng una at natalo naman ang huli.

Kaya sa mga PBA loyalist diyan, mawawala na sa ABC 5 ang PBA. Abangan niyo na lang yung Solar dahil ibabalik nila ang PBA sa original channel nito, ang RPN 9.

: )

4 wheels to 2 wheels

Dahil sa mahal ng langis at gasolina ngayon, dumarami ang mga may-kotse na nagmo-motor na lamang o di kaya'y nagko-commute. Mas nakakatipid raw kasi sa gasolina ang mga motor kaysa mga sasakyang may apat na gulong. Halos 4 na beses raw ang layo ng mararating ng mga motor kung ikukumpara sa mga kotse. At syempre, mas mura ang motor sa kotse. May libre pang damit.

Ako nga, wala na sa panaginip ko ang magka-kotse. Mas maghihirap ako kung may kotse ako kaya kuntento na ako sa bus at jeep. Pero kung may gustong magbigay sa akin ng kotse, buong-puso ko yang tatanggapin. Gusto ko yung mahal ha?

: )

Sinong Tatay Mo?!

Kamusta ang inyong Father's Day? Masaya ba o parang ordinaryong araw lang? Sa bahay namin parang wala namang pinagkaiba maliban sa kailangan naming i-greet si Papa ng "Happy Father's Day!"

Tulad nung Mother's Day, napuno rin ang mga pahayagan at telebisyon ng mga Father's Day-related ads. Kaliwa't kanan sa dyaryo, minu-minuto naman sa telebisyon. At hindi espirito ng Father's Day ang naramdaman ko sa mga ito kundi komersyalismo.

Para bang sinasabi nilang "Dahil Father's Day ngayon, bumili ka ng produkto namin!" Di ba nakakainis? At kahit gaano kaganda ang mensahe nila, tandaan natin na ang silbi ng mga commercial ads ay bumenta ng produkto nila. Tanggapin mo na lang yung mensahe nila pero wag kang kakagat sa mga alok nila.

Ang Father's Day ay para sa mga Ama ng tahanan at hindi para pagkakitaan.

HAPPY FATHER'S DAY!

: )

Tuesday, June 3

"Anlabo ng mundo!"

Tae, bukas ko pa makukuha yung salamin ko. Anlabo tuloy ng paningin ko! Sabagay, kailangan na rin palitan ng lens nun kasi tatlo na yung basag nun. Ang kapalit, tatlong araw rin ng pagdurusa ko. Kaya kanina, hindi ko agad nakita at nakilala si Malaya. Nag-text pa ko e halos kaharap ko na siya. Nakakainis talaga pag malabo ang mata! nakakainis!

Anlabo ng mundo!

: (

"Kagat ba ng aso yan?"

Kahapon, nagpunta kami ni Mama sa kaibigan niyang ophthalmologist para magpasukat ng mata at magpagawa ng salamin. Sa QC Health Center kami pumunta dahil doon ang pinakamalapit niyang klinika. Pagdating doon, may nagpapa-inject ng anti-tetanus dahil sa kagat ng aso. Nagshe-share lang kasi sila ng clinic.

Habang naghihintay sa kanya, may pumasok na babae (21 raw siya) at nagsabing nakagat raw siya ng aso. Nang tinanong nung doktora kung saan yung kagat, pinakita niya yung likod niya, malapit sa kanang balikat niya. Tapos biglang humirit yung lalaking kaibigan nung doktora...

Lalaking Kaibigan: Kagat ba ng aso yan?

Babae: Opo.

LK: Baka kagat ng boyfriend mo yan!

(tawanan lahat ng nasa clinic)

B: Hindi po.

LK: Kagabi yan no? Di mo siguro napansin kasi nakatalikod ka!

(tawanan ulit)

...

Gets mo?

: )

"No Approved Therapeutic Claims"

Hanggang ngayon, bumabaha pa rin ng mga "food supplements" at "herbal medicines" sa merkado. May pampalakas ng katawan, panlinis ng bato at bituka, gamot sa arthritis at diabetes, pampapayat, pampatalino, pampaputi, pampagana sa kama, at syempre, pampabata. Pero iba-iba man ang ipinangakong magagawa nila, pare-pareho naman ang nakatatak sa mga karton nila.

Noong nakaraang buwan lang naglabas ng statement ang BFAD tungkol sa mga "food supplements" at ayon mismo sa kanila, "ANG MGA FOOD SUPPLEMENTS AY HINDI NAKAKAGAMOT NG ANUMANG SAKIT." Sapul! Bullseye! Karagdagang nutrisyon lamang ang naibibigay nito sa katawan ng tao. Wala nang iba pa. Pero bakit marami pa rin ang tumatangkilik dito kahit lampas P20 ang bawat kapsula nito?

Tandaan nating lahat na "Prevention is better than cure." Mas maigi pa rin ang wastong pagkain, regular na exercise at healthy lifestyle kaysa mga kapsula na may pare-parehong tatak sa karton nila.

: )