Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, December 30

Sign

Isang Biyernes, humingi ako ng sign kay Lord tungkol sa isang bagay.

Sabi ko, pag may nakita akong dalawang maya na magkatabi, ang ibig sabihin noon ay oo. At kapag tatlo naman ay hindi.

Isang linggo ang lumipas ay nakita ko yung sign. Pero magulo.

Paglabas ko ng bahay, agad kong nakita yung dalawang maya sa bubong ng kapit-bahay namin. Pero wala pang isang segundo ay may lumapag na isa pang ibon sa tabi nila at maya-maya'y sabay-sabay silang lumipad.

Anong ibig sabihin nun? "BAHALA KA MAMILI?"

: )

ABS-CBN, itinangging gagawa ng remake ng Twilight

Kaninang umaga habang ako'y nag-aalmusal ay narinig ko sa programa ni Ted Failon sa radyo na itinanggi ng ABS-CBN na sila'y gagawa ng remake ng Twilight. Ayon sa kanila, kung totoo man raw na gagawa sila ng remake ay sila mismo ang magsasabi nito sa publiko.

Ang tanong ko ngayon, saan galing ang poster na ito?


: )

Friday, December 26

Moonlightlupa


Ganun ba talaga ka-sikat ang Twilight para paggastusan ng ABS-CBN sa halagang $1,000,000? Di ba naging sikat lang ang novel-turned-film na ito dahil gwapo ang mga kinuha nilang bampira?

: )

Wednesday, December 17

Spell "TWILIGHT"

Magtatatlong linggo ko nang nakikita ang isang kapansin-pansing movie guide board ng NOVA Market (formerly known as Robinsons Novaliches) dahil sa spelling nito ng "TWILIGHT" dahil ang nakalagay dun ay

TWILIGTH

Sayang at laging bitbit ng kapatid ko yung digicam ng kuya ko dahil pag nagkataon na dala ko yun at nandun pa rin ang "TWILIGTH" Hahaha! Siguradong ipapaskil ko yun dito!

: )

Monday, December 15

Curiosity killed the cat

At dahil gusto kong malaman kung kailan ba talaga (kung ngayong Monday ba o sa Friday pa) ang season finale ng Survivor: Gabon, pinuntahan ko yung Wiki article nito at di sinasadya, nalaman ko kung sino ang nanalo. TAE! Na-spoil ko sarili ko! Nalaman ko rin kung ano ang title ng susunod na season ng Survivor, ang Survivor: Tocantins - The Brazilian Highlands.

December 14 ang nakalagay doon na air date ng season finale sa US. Ibig sabihin, ngayong araw dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, mamaya lang ang ipapalabas na ito sa tv.

OW SIYET! KAILANGAN KO NANG UMUWI!

: )

GM at forwarded messages

Kung may cellphone ka malamang nakakatanggap ka kahit isa sa dalawang yan. Hindi ko alam sa inyo pero kapag nakakatanggap ako ng GM, naiinis ako. Pag forwarded messages, ayos lang. Jokes, mas ayos. Pero pag GM, binubura ko agad.

Madalas kasi, hindi ka naman kasama doon sa text na ipinadala sa'yo. Para kang nagbabasa ng dalawa o higit pang tao na nagcha-chat pero hindi ka talaga kasama. Yung tipong...

kamote-usta n u?

sitaw-ganda ung movie knna noh?

patola-bat bgla u nwla knna?

at s lhat MAINGGIT KAYO SA'KIN!

Yung unang tatlong linya, madalas ganyan ang mababasa mo, yung huli, joke lang yan. XD

Ang group message o mas kilala sa texting world na GM ay iyong pagpapadala ng mensahe sa pili (o minsan sa lahat) na nasa contacts list ng iyong cellphone. Ang madalas nitong laman ay mga personal na mensahe at opinyon ng nagpadala sa halos lahat ng bagay. Kasama ka man o wala, basta pinadalhan ka, wala kang magagawa. Matatapos ang mensahe sa mga katagang "txt txt tau! GM"

Ang forwarded messages naman ay iyong mga quotes, jokes, chain letters and anything else in between. Madalas akong magkalat ng jokes kasi gusto ko lahat mag-smile kahit walang Coke. Minsan lang ako magpasa ng love quotes kasi pakiramdam ko, emo yung mga nagkakalat nun. At hinding-hindi ako nagfo-forward ng mga chain letters.

Kapag nakatanggap kayo nung mga text na tinatakot kayo (kunwari mamamatay ang kuko mo pag di mo pinasa ang text sa 365 people o kaya sasara ang pwet mo pag di mo pinasa sa 35 marsians ang text na natanggap mo), wag niyo nang ipasa. Burahin niyo na lang agad. Tatawagin ko kayong utu-uto kapag nagpaloko kayo sa ganyang mga chain letters. Tandaan ninyo na tanging video lang ni Sadako ang nakamamatay in just 7 days.

Kung tutuusin, wala namang masama sa GM at forwarded messages. Depende na lang yun sa nakatanggap. Minsan dapat matuwa ka pa nga kasi naalala ka nilang i-text. Pero minsan, hindi ka naman talaga naalala. Nagkataon lang na nandun ka sa contacts nila nung nagkalat sila ng GM.

Pero one thing's for sure. Tuwang-tuwa yung mga cell networks sa bawat load na nagagastos mo.

: )

Saturday, December 13

So totoo pala yung leak

Napatunayan kong totoo ang nakuhang leak sa isang showbiz-oriented website at pinost ko dito three months ago tungkol sa Survivor Philippines.

Nalaman ko lang kasi kanina sa isang kaibigan na si JC nga ang nanalo at pareho ito doon sa leak na aking nakuha.

: )

Friday, November 28

"Ma, bayad o!"

Paano ka mag-abot ng bayad sa jeep? Katulad ba ng title ng blog entry na ito? E kung nasa dulo ka ng jeep, ganyan ka rin ba mag-abot ng bayad?

Hindi ko inaabot ang bayad ng mga taong ganyan ang sinasabi. Kasi hindi naman ako yung driver. Nakikiabot lang sila. Wala akong paki kahit mangalay pa sila kakaabot.

Kapag ako kasi nagbabayad, "Makikisuyo lang po." o "Pakiabot lang po." ang sinasabi. Hindi ba't mas magandang pakinggan yun kaysa "Ma, bayad o!" na para bang ikaw yung driver ng jeep. Pwede pa siguro kung magkatabi kayo nung driver.

Kaya sa susunod na sasakay ka ng jeep, siguraduhin mong makikisuyo at makikiabot ka ng bayad.

: )

Friday, November 21

Kill him! Kill him!

Kanina lang ay nabasa ko itong interesanteng article tungkol sa mga dapat mawalang tv characters sa US television. At sa lahat ng mga nasa listahan, isang pangalan ang lumutang sa lahat -- si Mohinder Suresh ng Heroes.


Ayon sa kanila...

"There are a million things we'd like to get rid of on "Heroes" (Can this show ever get back to its Season 1 glory days?), but let's start with the obvious, most-glaring: Mohinder Suresh. For a supposedly intelligent scientist, Mohinder has done the dumbest things. He's indecisive, and what's worse is that he's clueless when he finally does make those critical decisions. His idiotic actions make no sense and have turned him into an irritating character. Just hearing his voice with its fake accent annoys us, and it doesn't help that he narrates the opening and closing of each episode. It seems that no one ever dies on "Heroes," but if they ever do, the first to go should be Mohinder."

Just click here para makita yung ibang nasa listahan.

Personally, pagkatapos kong mapanood yung first episode ng "Villains" ay nainis talaga ako doon sa ginawa ni Mohider sa syringe. Isaksak ba naman sa sarili! Hindi naman ganun si Mohinder sa first 2 seasons di ba? Para tuloy siyang si Sylar nung first episode. Sana tinuluyan na lang siya ni Maya.

: )

Thursday, November 6

Landmine

Nakaapak ka na ba ng tae ng aso sa daan? Di ba nakakainis? At mas lalo kang maiinis kung may mahalaga ka pang pupuntahan. Nakaka-bad trip hindi ba?

Sino ba ang dapat sisihin kapag nakaapak ka ng tae sa kalye? Yung aso ba? Yung may-ari ng aso? O ikaw mismo dahil hindi mo tiningnan ang iyong nilalakaran kaya ka naging biktima sa daan.

: )

Nasayang na Milo

Isang Sabado ng umaga, habang ako’y nag-aalmusal ay nagtimpla ako ng mainit na tsokolate na mas kilala sa tawag na Milo. Nang ito’y handa na, agad ko itong ininom. At agad ko rin itong iniluwa (katulad ng mga eksena sa pelikula), hindi dahil ito’y mainit kundi dahil ito’y maalat.

Asin pala at hindi asukal ang aking nailagay sa inumin kong tinimpla. Bakit kasi magkamukha ang asin at asukal? Nasayang tuloy yung Milo. Walang uminom nito, maski aso namin tinanggihan ito.

Lesson learned: wag pagtatabihin ang asin at asukal dahil hindi maganda ang resulta kapag napagpalit mo sila.

: )

Saturday, November 1

Di nakatiis

Last Sunday, habang nagluluto si Papa ng ulam namin ay binigyan siya nung kapit-bahay naming kumpare niya ng isang bote ng red horse. Hindi ko alam kung anong meron pero sagot raw niya ito.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao sa bahay na ako’y umiinom. Dalawang beses na rin akong umuwi sa bahay na parang wala sa sarili. Kaya naman hindi ko matiis na tingnan yung bote ng red horse habang inuunti-unti ito ni Papa.

Ngunit sinabi ko sa sarili ko na kung makikita ako ng mga nakababata kong kapatid na umiinom ng beer e baka magsilbi akong isang masamang halimbawa sa kanila. Pero naisip ko rin na hindi ba’t ganun mismo ang ginagawa ni Papa?

Kaya nang inilapag ni Papa yung bote sa lamesa at nakita kong may laman pa, nilapitan ko yung bote at sinabing:

“Akin na lang to, Pa ha?”

: )

Sunflower crackers for me and for you!

Nilinaw na ng BFAD na melamine-free ang LAHAT ng variants ng Sunflower crackers at cream sandwiches. Ibig sabihin, ligtas nang kainin ang lahat ng produkto ng Croley Foods Manufacturing Corp., ang gumagawa ng Sunflower products.

Matatandaang naglabas ng statement noong nakaraang buwan ang Hong Kong Center for Food Safety (CFS) kung saan lumabas na positibo sa melamine ang Sunflower Blueberry Cream sandwich sa isinagawa nitong testing. Negatibo naman sa parehong melamine testing ang Sunflower mango cream sandwich, Sunflower orange cream sandwich, Sunflower strawberry cream sandwich at Sunflower crackers chicken flavor.

Malaking misteryo naman ngayon kung paano nag-positibo sa melamine ang Sunflower blueberry cream sandwich sa Hong Kong CFS gayong negatibo naman ito sa test ng BFAD. Kasalukuyan ngayong naghihintay ng paliwanag ang BFAD mula sa CFS sa isinagawa nitong paraan ng testing at kung paano nag-positibo sa melamine ang Sunflower blueberry cream sandwich.

: )

Exterminate Expiration Date

Matagal na akong naiinis sa maikling validity period ng cellphone loads sa lahat ng networks. Ang P15 load sa Smart ay valid lamang for 1 day. E paano kung di ka naman pala-text? At sabihin nating 2 or 3 times ka lang nag-text, e di masasayang lang ang ni-load mo dahil nga mag-eexpire ito within 24 hours!

Hindi yata makatarungan na automatic na mawawala ang remaining load balance mo once na dumating ang expiration date nito sapagkat binayaran mo na ito. Kapag nag-expire ang unused load mo, para kang nagbayad ng system loss sa Meralco. Nasayang lang ang pera mo. Pero syempre, kung adik ka sa text at lagi kang unli, di yan problema sa’yo. Wala namang tumatagal na load sa’yo e.

Isa pang service na may di makatarungang maikling validity period ay ang Sulitxt15 ng Globe at Alltext20 ng Smart. Sa halagang P15 at P20, may 100 texts ka na sa kaparehong network. 1 day validity sa Globe at 2 days naman sa Smart. Siguro wala kayong nakikitang mali dito, pero hindi ba’t limited lamang sa 100 texts ang service na ito? Bakit di na lamang alisin ng mga networks ang 1-day validity period at hayaang maubos ng subscriber ang 100 texts na sya naman talagang in-avail nito sa simula pa lamang. Tutal, once na magamit lahat ng 100 texts tapos na rin ang service. There’s no need for an expiration date. Sa kaso naman ng unlimited text service, natural lang na may validity period ito. Abuso na yun pag wala.

Sana mabasa to ng mga taga-Smart, taga-Globe, at taga-Sun. Tanggalin nyo na ang expiration dates sa regular load ninyo. Gawin nyo na ring P0.50 ang halaga ng bawat text message. At utang na loob, wag nyong hahayaang lagyan ng gobyerno ng tax ang texting kung ayaw nyong mag-expire ang business nyo.

: )

"Tingnan mo kasi!"

Isang tanghali pagsakay ko sa bus ay may nakatabi akong isang lalaking bulag at kasama nitong maingay na babae. May kasama rin silang isa pang pares ng bulag at maingay ring babae na nakaupo naman sa aming likuran.

Sa tv ng bus, pagkatapos ng Game knb? ay sumunod agad ang opening song ng Wowowee. Sa kasamaang palad ay nakisawsaw sa kasiyahan ang mga katabi ko. Daig pa studio audience. Nang magsimula ang “hep-hep, horay!” segment ay kaagad na pinuna nung babaing maingay si Pokwang.

BABAING MAINGAY: mukhang tanga talaga yan si Pokwang.

BULAG: bakit naman?

BABAING MAINGAY: tingnan mo kasi!

Laking pasalamat ko nang nakababa na ako ng bus.

: )

Itlog ng pugo

Sa tuwing sumasakay ako ng bus pauwi, hindi nawawala ang mga naglalako ng itlog ng pugo kapag humihinto ang bus sa SM at Tungko. At sa paglipas ng mga taon, hindi nagbago ang presyo nito na P10 bawat supot. Pero dahan-dahan namang kumokonti ang laman nitong itlog.

Noong P8/liter pa ang diesel (yes kids, tama ang inyong nabasa), 10 pirasong itlog (kasama yung asin) ang kapalit ng P10 ibinayad mo. Nang pumalo sa P15/liter, 9 na lang. 8 itlog na lang nang naging P25/liter ang diesel. At ngayong naglalaro sa P43-45 ang bawat litro ng diesel, hulaan mo kung ilang itlog na lang ang laman ng bawat supot.

Anim. Anim na itlog ng pugo na lang (kasama yung asin) ang makukuha mo sa halagang P10. Andami no? Sana ngayong nasa P38 level na ang diesel, maging pitong itlog na sana ang laman ng bawat supot.

Buti pa ang fishball, P0.50 each pa rin.

: )

Wednesday, October 29

Virgin Coconut Oil

A few years back, nauso ang virgin coconut oil sa Pinas sa hindi ko malamang dahilan. Siguro sadya lang talagang sumasabay sa uso ang mga Pinoy. At nakakahiya mang sabihin, isa ako doon sa sumubok ng mahiwagang mantikang ito. Pero hindi dahil sa uso ito noon kundi dahil gusto ko lang matikman yung sweet corn flavor.

Ngunit nadismaya ako sa lasa ng sweet corn flavor. Hindi sya sweet, di lasang corn at wala talagang flavor. Mabango lang. Kaya ginamit ko itong replacement sa baby oil one fine morning. Ipinahahid ko ito sa braso at kamay ko. Pero hindi ako natuwa sa resulta.

Isang oras ang lumipas sa bus ay nagbago ang amoy ng sweet corn flavor sa aking balat. Napalitan ito ng halimuyak ng napapanis na niyog. Ang masama, hindi lang ako ang nakaamoy nito. Puno ng pasahero ang bus na sinakyan ko. Sana nilamon na lang ako ng lupa.

Pagkababa ko sa Philcoa ay agad akong bumili ng alcohol sa Mercury Drug. Pinilit kong tanggalin ang amoy ng panis na niyog ngunit nanuot na ata ito sa balat ko. Sa inis, “Lintik na VCO yun!” ang tanging nasabi ko. Sira ang araw ko.

Sa ngayon, di na masyadong popular ang VCO. Siguro tulad ko, ang mga nakagamit nito’y nag-amoy panis na pan de coco o nag-tae dahil sa pag-inom nito.

Magmula noon, di na ulit ako gumamit ng VCO, kahit pamprito ng itlog.

: )

Ang DVD player namin

Nami-miss ko na manood ng vcd at dvd. February last year pa nang huli kaming nakanood ng dvd nang buo. Mahigit isa’t kalahating taon na rin kasing nagloloko ang dvd player namin. Nagloloko dahil minsan gumagana ito pero nagha-hang after 45 minutes tapos di na muling gagana. ‘No Disk’ ang lalabas sa screen kahit may nakasalang namang dvd. For short: sira.

Hindi ko alam kung may kinalaman ang mga piniratang kopya sa pagkasira ng aming dvd player. Siguro orig lang gusto niya. Halos lahat naman kami sa bahay ayaw na itong ipaayos. Kung ipapaayos rin lang kasi, bumili na lang ng bagong unit. Ang problema, wala pa ring pambili. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin at mahirap talagang maghanap ng salapi.

Sana bukas umulan ng dvd players… Teka, ang sakit ata nun. Pera na lang pala! Para lahat masaya!

: )

Malapit na!

P49.20 nagsara ngayon ang palitan ng piso sa dolyar.

Malapit nang umabot ng P50=$1!

: )

Monday, October 27

Four eyes

Hindi ako natatawa ni natutuwa kapag may nagsasabi sa akin na apat ang aking mata, kahit pabiro pa. Hindi ko naman kasi ginustong lumabo ang aking paningin at magsalamin. Kaya insulto sa akin ang pagtawanan ang pagkakaroon ko ng salamin.

: (

Near Death Experience

Anong gagawin mo kapag pakiramdam mong mamamatay ka na?

Isang hapon, pagsakay ko sa bus ay may nakatabi akong isang lalaking balot na balot sa jacket at may dalang malaking bag. Naka-hood sya kaya di makita ang kanyang mukha. Dala na rin ng pagdududa at mga napapanood na tv series tulad ng 24, kinabahan ako dahil sa takot na isang suicide bomber ang aking katabi at bomba ang laman ng kanyang bag. Kahit di mapakali, hindi naman ako nagpahalata dahil baka bigla niyang pasabugin ang dala niyang bomba.

Agad akong nagdasal at humingi ng tawad sa aking mga kasalanan habang umaasang di pa ito ang katapusan. Marami pa akong gustong gawin. May reporting pa ko bukas. Gusto ko muna mag-asawa’t magkaanak. Ayoko pang mamatay. Nasabi ko na lang na “Lord, kayo na’ng bahala sa pamilya ko.”

Nang nagkaroon ng bakante sa may harapan, agad akong lumipat ng upuan at saka nagmuni-muni.

Pero makalipas ang kalahating oras, bumaba yung lalaki, bitbit yung bag niyang malaki. Walang sumabog. Walang bomba. Walang nangyari. Nakarating naman ako nang buhay sa bahay kaya nagdasal na lang ako’t nagpasalamat na buhay pa.

Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring yun. Ganun pala ang pakiramdam ng mamamatay na. Sana nga lang hindi yun mangyari kahit kailan.

Ikaw, anong gagawin mo kapag pakiramdam mong mamamatay ka na?

: )

Oras ng Katotohanan

Anong oras na?

Hanggang ngayon, wala pa rin akong relo. Tanging cellphone ko ang nagsisilbing orasan ko ngayon. Pero nung wala pa akong sariling cellphone, at dahil wala rin akong relo, nanghuhula ako ng oras.

Nung high school pa ko, kapag nasa byahe ako, tumitingin ako sa relo ng ibang pasahero para malaman ang oras. Pero hindi ako kuntento sa isa, dapat 3 ang aking makita at ang average nito ang syang paniniwalaan kong oras. Halimbawa: 7:30, 7:40 at 7:45. Bale 7:38 ang tancha kong oras na. Galing no? Hanggang ngayon, kapag wala akong dalang cellphone, ganyan ang gawain ko.

Anong oras na kaya?

: )

Wednesday, October 15

Hindi ako takot sa aso

Pero takot akong makagat ng aso.

Sino ba naman ang hindi takot makagat ng aso't mabiyayaan ng rabies?

: )

Monday, October 6

Law enforcer

Madalas akong makakita ng mga nagmo-motor na walang suot na helmet.

Pero madalas rin akong makakita ng mga pulis at taga-mmda na walang suot na helmet!

: )

red and yellow and pink and green, orange and purple and blue

Nakakita ako ng rainbow kanina habang nasa bus ako pauwi. Agad kong napansin na mas maliwanag yung parte ng langit na nasa loob ng rainbow. Kaya naman naisip kong alamin kung bakit ganun ang nangyari. At ang resulta? Nahanap ko sa http://www.eo.ucar.edu/rainbows/

Why is the sky brighter inside a rainbow?


Notice the contrast between the sky inside the arc and outside it. When one studies the refraction of sunlight on a raindrop one finds that there are many rays emerging at angles smaller than the rainbow ray, but essentially no light from single internal reflections at angles greater than this ray. Thus there is a lot of light within the bow, and very little beyond it. Because this light is a mix of all the rainbow colors, it is white. In the case of the secondary rainbow, the rainbow ray is the smallest angle and there are many rays emerging at angles greater than this one. Therefore the two bows combine to define a dark region between them - called Alexander's Dark Band, in honor of Alexander of Aphrodisias who discussed it some 1800 years ago!



Ganun pala. Sayang, wala akong dalang camera kanina, nakunan ko sana.

: (

Friday, October 3

Kung nabuo ang Season 2 ng Heroes, ganito dapat ang nangyari...

Sa pag-iikot ko sa Wikipedia, naisipan kong tingnan yung article ng Heroes. Sadly, hindi ko pa napapanood yung first 3 episodes nito dahil una, wala pa ito sa Pinas at ikalawa, hindi ako marunong mag-Torrent.

Pero hindi tungkol dyan ang entry na ito. Napag-alaman ko kasi na kung nabuo ang season 2 ng Heroes, ganito dapat ang mangyayari...


Original Volume Three: Exodus

Before the writers' strike began, volume three, "Exodus" was intended to take place within the second season. Rather than catching the vial at the end of volume two, Peter was originally going to be too late, and the volume would have dealt with the attempts to contain the virus within Odessa, Texas. It would have involved Claire sneaking into Odessa to find Nathan, Mohinder being called into Odessa due to his expertise on the virus and Maya discovering that her ability allows her to absorb the virus. Other dropped storylines included Elle attempting to hunt down Sylar and Angela Petrelli dreaming of the Heroes being killed by the Villains. A modified version of this scene involving Angela Petrelli was used in the season three premiere.


Astig! Sayang lang at hindi ito natuloy. Mas maganda sana kung ito muna ang ginawa nila bago ang Villains. Kaso wala na tayong magagawa dyan dahil kasalukuyan na
itong umi-ere sa US.

source:
Wikipedia

: )

Tuesday, September 30

The Pinoy Sole Survivor is...

*Spoiler Alert*
Kung masugid kayong manonood ng Survivor Philippines, wag niyo nang basahin ang mga nasa ibaba. Pero kung katulad niyo ako na hindi naman nanonood nito, sige lang! Basa na!

Sa pag-iikot ko sa mundo ng kabihasnan ay isang article ang umakit sa aking mga mata. Ito ang laman ng article mula sa http://www.showbizjuice.com/archives/2008/09/30/survivor-philippines-winner-revealed-jc-is-the-pinoy-sole-survivor/

SURVIVOR PHILIPPINES WINNER REVEALED: JC IS THE PINOY SOLE SURVIVOR

Nabuking ng showbizjuice.com sa usapan ng staff ng show

IT seems kulang sa confidentiality clause between GMA 7 management and its production staff.

Sa usapan ng ilang staff ng programa sa isang coffee shop, walang pakialam na ikinuwento ng isang taklesang staff ang nangyayari sa Survivor.

Ang pinaka-shocking revelation ng tsikahan ng staff na hindi napalampas ng source ng showbizjuice.com ay ang pangalan ng winner ng reality show.

Si JC! Siya ang Pinoy Sole Survivor.

Here’s the profile of JC that we got from a website:

John Carlo “JC” Tiuseco (Hardcourt Heartthrob)
JC, 23, is a hunky basketball heartthrob of San Sebastian University. When he was younger, he was very passionate about basketball and dreamed of becoming a professional player. But as he grew older, JC discovered that he has a lot more potential to make it beyond the hardcourt.

Banking on his athleticism and good looks, JC is sure that he has a good chance to capture the ladies’ hearts and to bag the coveted title of Sole Survivor.

Survivor Philippines is airing barely 2 weeks. We hate to spoil the excitement by revealing the big winner.

Again, this is news.

Posted on Tuesday, September 30, 2008, 10:00am

You have been warned. Kung hindi mo nagustuhan ang iyong nabasa, wala na akong magagawa. Hindi naman ako nagkulang sa paalala di ba?

Yan ang problema sa mga naka-tape na reality shows. Maski sa US yan din ang nangyayari di ba? Hindi talaga maiiwasan ang leak. At saan nga ba manggagaling ang leak na ito kundi sa mismong mga taong nasa likod ng programa, di ba?

Pero totoo kaya to? Ano sa tingin mo? Baka pakulo rin lang nila!

: )

Monday, September 29

San Beda bags NCAA crown

*September 26 - Araneta Coliseum*

Game 2: JRU defeated San Beda, 62-60
Quarters: 19-14, 30-28, 46-34, 62-60

*September 29 - Araneta Coliseum*

Game 3: San Beda defeated JRU, 85-69
Quarters: 24-12; 38-29; 64-48; 85-69

Best-of-three Finals

San Beda Red Lions 2 - 1 JRU Heavy Bombers


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Thursday, September 25

Ateneo wins UAAP title

*September 25 - Araneta Coliseum*

Game 2: Ateneo defeated La Salle, 62-51
Quarters:


Best-of-three Finals

Ateneo Blue Eagles 2 - 0 De La Salle Green Archers

source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Wednesday, September 24

NCAA 84: San Beda wins Game 1

*September 24 - Araneta Coliseum*

Game 1: San Beda defeated JRU, 72-68
Quarters: 19-18, 39-31, 55-50, 72-68


Best-of-three Finals


San Beda Red Lions 1 - 0 JRU Heavy Bombers



Schedule of games:


Game 2 - Saturday, September 27 @ 4 PM
Game 3 (if necessary) - TBA


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )


Tuesday, September 23

Brain Twister na naman

Na-receive ko ito kahapon at buong araw kong pinag-isipan ang sagot. Nagtulungan pa nga kami nung ka-klase ko para lang masagot ito. Ngayon, kayo naman ang gusto kong gumawa nito. Good luck!

Isa lang ako sa America, dalawa naman sa Indonesia at tatlo naman dito sa Philippines ngunit hindi mo ako makikita sa Japan at lalo na sa Globo. Nakikita mo ako madalas sa aklat. Ano ba ako?

_ U _ _ O _ sa tagalog at

_ _ _ I _ _ naman sa english

Ano? Nahulaan mo ba? Wag mong ipapaskil yung sagot sa baba. I-personal message mo na lang ako kung may sagot ka na o suko ka na.

: )

Monday, September 22

NCAA 84: San Beda defeated Mapua

*September 19 - Cuneta Astrodome*

Game 1: Mapua defeated San Beda, 53-51
Quarters:18-9, 33-22, 45-38, 53-51

Game 2: JRU defeated Letran, 63-61
Quarters: 15-24, 32-35, 48-48, 63-61

*September 22 - Cuneta Astrodome*

San Beda defeated Mapua, 60-53
Quarters: 22-16, 28-33, 44-41, 60-53


Schedule of games for the Best-of-three Finals between
JRU Heavy Bombers and San Beda Red Lions

Venue: Araneta Coliseum

Game 1 - Wednesday, September 24 @ 4 PM
Game 2 - Friday, September 26 @ 4 PM
Game 3 (if necessary) - Monday, September 29

source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

UAAP 71: Ateneo takes Game 1

*September 21 - Araneta Coliseum*

Game 1: Ateneo defeated La Salle, 69-61
Quarters: 15-12, 36-29, 55-45, 69-61


Best-of-three Finals

Ateneo Blue Eagles 1 - 0 De La Salle Green Archers


Schedule of games:

Game 2 - Thursday, September 25 @ 4PM
Game 3 (if necessary) - Sunday, September 28


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )


Wednesday, September 17

NCAA 84: Mapua joins San Beda, Letran and JRU in the Final 4

*September 17 - Cuneta Astrodome*

Game 1: Mapua defeated San Sebastian, 63-54
Quarters: 13-7, 25-26, 49-28, 63-54

Game 2: JRU defeated Letran,
Quarters:

Team Standings


Teams




WL
San Beda





11
3

JRU




9
5

Letran




9
5

Mapua




9
5

San Sebastian




9
5

CSB





4
10

PCU





3
11

UPHD





2
12


Qualified for semifinals with twice to beat advantage

Qualified for semifinals

Eliminated

Games on Friday, September 19
at the Cuneta Astrodome:

2 PM - San Beda vs Mapua
4 PM - JRU vs Letran


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )


Unlimited Unlimited Texting

Limang araw nang naka-unli yung phone namin at hindi ko alam kung kailan ito mag-e-expire. Yung sa kaklase ko ganun ang nangyari, limang araw rin ang tinagal bago nag-expire ang unli niya kahit pang-1 day lang naman ang ni-register niya.

Ano kayang nangyari sa Globe?

: )

Tuesday, September 16

First Day Flunk

Eto na ang listahan ng mga kapuna-punang bagay na napansin ko sa first episode ng Survivor Philippines na pinalabas kahapon! Walang kokontra dahil magsisimula na ako!

  • Ang sabi ni Paolo sa simula, hindi raw alam ng mga contestants na magsisimula na yung game nung nasa barko na sila. Pero parang mali yun dahil nung nakita nila si Paolo sa isa pang barko, mukha silang excited lahat. Game na.
  • Binilangan sila ni Paolo para sa wala. Sa kalagitnaan ng dagat ay pinatalon niyang lahat ang mga contestants sa tubig at binilangan ng 30 seconds. At hindi ko alam kung bakit. Ang layo naman nung pampang para makalangoy sila ng 30 seconds. So para saan yung 30 seconds? Si Paolo lang ang may alam.
  • Parang PBB yung pagpapakilala sa mga contestants. May VTR Pa!
  • Ang akala ko, bibigyan ng immunity yung unang makakarating sa pampang. Pero na-disappoint lang ako dahil wala namang ibinigay.
  • Blue and Reed ang tribe colors nila. Siguro kapag nag-merge, Yellow naman. How Pinoy.
  • Wala silang buffs. Maski colored towels, wala.
  • Masyadong detailed ang narration, which is irritating. At may label yung obstacle course nila! Ano bang akala nila sa mga viewers nila? Mangmang?
  • Kulang sila ng magandang camera angles.
  • Mas marami ang voice overs kaysa on-location narrations. Parang Extra Challenge lang. Ilang beses ko rin nakitang nag-voice over si Paolo pero hindi naman bumuka ang labi niya sa video.
  • Eto ang makulit: May parusa ang losing tribe! Ang akala ko, may Exile Island rin sila dahil yun ang pinakapamilyar na parusa sa Survivor. Pero hindi! Para akong nanood ng PBB! Ang parusa: ikinadena sila sa isa't-isa gamit ang tali na ginamit sa challenge at mananatili silang nakakabit hangga't walang sinasabi si Big Brother.
  • Ang daming commercial breaks.
  • Mayroon silang Survivor kit at ang agad kong napansin sa mga laman nito ay ang rain coat at rubber sandals! (?) Teka, Survivor ba talaga 'to?!
  • May sabit yung interviews. Halatang wala na sila sa game (sa island) dahil ang lilinis na ng mga suot nilang damit. Halatang post-production material na. Wala akong nakita interview sa mismong tribe camp nila.
  • Naubos yung lampas isang oras sa Day 1 lang. Ano yun, 1 episode per day? Siguro nanghihinayang sila sa tape kaya ginaya na lang nila yung PBB para walang sayang na tape.
Kaya naman ngayon, hindi ko alam kung panonoorin ko pa yung 2nd at 3rd episode kasi ang gusto ko lang talagang makita e yung mga challenge at tribal council nights. Wala na akong pakialam sa mga buhay-isla nila. Kaso, kabaligtaran yung nasa programa. Parang sahog lang yung mga challenges. Para lang akong nanonood ng PBB. Hay naku. Tae talaga.

: (

Monday, September 15

PDA 2 Grand Star Dreamer: Laarni Lozada


Laarni Losala, now known as Laarni Lozada became the Grand Star Dreamer of the recently concluded second season of the Pinoy Dream Academy, garnering a total of 651,696 text votes or 35.21% of the total votes.

Jay "Bugoy" Bugayan, also known as Bugoy Drilon placed 2nd with 29.70% (549,760 votes); Miguel Mendoza, 3rd with 13.69% (253,412 votes); Leizel Garcia, 4th with 13.36% (247,346 votes); Van Pojas, a.k.a. Van Roxas placed 5th with 6.06% (112,065 votes); and Cris Pastor placed 6th with only 1.97% (36,487 votes) of the total text votes.

: )

photo from the PDA Multiply site

NCAA 84: Letran, JRU qualified for semis

*September 15 - Cuneta Astrodome*

Game 1: JRU defeated San Sebastian, 57-55
Quarters: 15-11, 34-23, 43-33, 57-55

Game 2: Letran defeated Mapua, 62-52
Quarters:

Team Standings


Teams




WL
San Beda





11
3

Letran





9
5

JRU





9
5

San Sebastian





9
5

Mapua





9
5

CSB





4
10

PCU





3
11

UPHD





2
12


Qualified for semifinals with twice to beat advantage

Qualified for semifinals

Qualified for knockout game

Eliminated


Games on Wednesday, September 17

at the Cuneta Astrodome:

2 PM - San Sebastian vs Mapua

4 PM - Letran vs JRU


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )


UAAP 71 Finals: Ateneo vs La Salle

*September 14 - Araneta Coliseum*

Game 1: La Salle defeated FEU, 67-62
Quarters: 16-20, 34-38, 48-52, 67-62

Game 2: Ateneo defeated UE, 70-50
Quarters: 17-11, 32-31, 49-28, 70-50

Team Standings

Team Standings


Teams

W L
Ateneo

13
1

La Salle


10
4

FEU


10
4

UE

9
5

UST

6
8

UP


3
11

Adamson


3
11

NU

2
12

Qualified for the Finals

Semifinalists

Eliminated


Schedule of Games
Venue: Araneta Coliseum

Sunday, September 21, 4 PM
Thursday, September 25, 4 PM


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

Bakit naman kaya?

Bakit kaya may mga taong kahit ano ang isuot, maganda siyang tingnan. Pero meron naman na kahit anong ipasuot mo, parang wala namang nangyari.

: (

Saturday, September 13

Bakit kaya?

Bakit kaya mas napapansin ng mga tao ang pagkakamali mo kaysa mga nagawa mong tama?

: (

Thursday, September 11

UAAP 71: La Salle defeated FEU, 62-59

*September 11 - Araneta Coliseum*

La Salle defeated FEU, 62-59

Quarters: 8-10, 23-25, 47-39, 62-59

Team Standings


Teams

W L
ADMU

13
1

DLSU

10
4

FEU


10
4

UE

9
5

UST

6
8

UP


3
11

AdU


3
11

NU

2
12


Qualified for semifinals with twice to beat advantage

Qualified for semifinals

Eliminated


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )

NCAA 84: San Beda defeated Letran, 65-63

*September 10 - Araneta Coliseum*

San Beda defeated Letran, 65-63

Quarters: 9-20, 23-30, 39-42, 54-54, 65-63

o0o---o0o---o0o

NCAA: Fiba rule to decide ‘Final 5’

By Cedelf P. Tupas

Philippine Daily Inquirer

First Posted 00:21:00 09/07/2008

MANILA, Philippines—Might as well call it the Final Five.


The NCAA will use the Fiba classification point system to settle one of the tightest Final Four races in league history.


San Beda and Letran could end up tied for the No. 1 slot but there is also the possibility of having four teams ending up deadlocked for the last three slots with similar 9-5 records.


The Lions could wrap up the top spot and the twice-to-beat incentive that goes with it if they win on Wednesday against the Knights, who could drop into a four-way tie with San Sebastian, Mapua and Jose Rizal.


In this case, San Sebastian will play Jose Rizal and Mapua will battle Letran with the winners playing off for the No. 2 seed and the twice-to-beat-edge and the loser automatically clinching the third seed.


The losing teams will also play in another knockout match to determine the No. 4 team.
If the Knights prevail, they will play San Beda again in a playoff for the top spot, leaving SSC, Mapua and JRU to fight for the two remaining spots.


In case of a three-way tie at 9-5, Mapua and JRU will square off in a do-or-die match with the winner facing San Sebastian for the No. 3 seed.


o0o--o0o---o0o

Team Standings


Teams




WL
SBC





11
3

SSC-R




9
5

MIT





9
5

LC





9
5

JRU





9
5

CSB





4
10

PCU





3
11

UPHD





2
12

Qualified for semifinals with twice to beat advantage

Qualified for knockout game

Eliminated


Games on Monday, September 15

at the Cuneta Astrodome:

2 PM - San Sebastian vs JRU

4 PM - Letran vs Mapua


source: Inquirer.net, UBelt.com

: )