Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, December 15

GM at forwarded messages

Kung may cellphone ka malamang nakakatanggap ka kahit isa sa dalawang yan. Hindi ko alam sa inyo pero kapag nakakatanggap ako ng GM, naiinis ako. Pag forwarded messages, ayos lang. Jokes, mas ayos. Pero pag GM, binubura ko agad.

Madalas kasi, hindi ka naman kasama doon sa text na ipinadala sa'yo. Para kang nagbabasa ng dalawa o higit pang tao na nagcha-chat pero hindi ka talaga kasama. Yung tipong...

kamote-usta n u?

sitaw-ganda ung movie knna noh?

patola-bat bgla u nwla knna?

at s lhat MAINGGIT KAYO SA'KIN!

Yung unang tatlong linya, madalas ganyan ang mababasa mo, yung huli, joke lang yan. XD

Ang group message o mas kilala sa texting world na GM ay iyong pagpapadala ng mensahe sa pili (o minsan sa lahat) na nasa contacts list ng iyong cellphone. Ang madalas nitong laman ay mga personal na mensahe at opinyon ng nagpadala sa halos lahat ng bagay. Kasama ka man o wala, basta pinadalhan ka, wala kang magagawa. Matatapos ang mensahe sa mga katagang "txt txt tau! GM"

Ang forwarded messages naman ay iyong mga quotes, jokes, chain letters and anything else in between. Madalas akong magkalat ng jokes kasi gusto ko lahat mag-smile kahit walang Coke. Minsan lang ako magpasa ng love quotes kasi pakiramdam ko, emo yung mga nagkakalat nun. At hinding-hindi ako nagfo-forward ng mga chain letters.

Kapag nakatanggap kayo nung mga text na tinatakot kayo (kunwari mamamatay ang kuko mo pag di mo pinasa ang text sa 365 people o kaya sasara ang pwet mo pag di mo pinasa sa 35 marsians ang text na natanggap mo), wag niyo nang ipasa. Burahin niyo na lang agad. Tatawagin ko kayong utu-uto kapag nagpaloko kayo sa ganyang mga chain letters. Tandaan ninyo na tanging video lang ni Sadako ang nakamamatay in just 7 days.

Kung tutuusin, wala namang masama sa GM at forwarded messages. Depende na lang yun sa nakatanggap. Minsan dapat matuwa ka pa nga kasi naalala ka nilang i-text. Pero minsan, hindi ka naman talaga naalala. Nagkataon lang na nandun ka sa contacts nila nung nagkalat sila ng GM.

Pero one thing's for sure. Tuwang-tuwa yung mga cell networks sa bawat load na nagagastos mo.

: )

No comments: