Matagal na akong naiinis sa maikling validity period ng cellphone loads sa lahat ng networks. Ang P15 load sa Smart ay valid lamang for 1 day. E paano kung di ka naman pala-text? At sabihin nating 2 or 3 times ka lang nag-text, e di masasayang lang ang ni-load mo dahil nga mag-eexpire ito within 24 hours!
Hindi yata makatarungan na automatic na mawawala ang remaining load balance mo once na dumating ang expiration date nito sapagkat binayaran mo na ito. Kapag nag-expire ang unused load mo, para kang nagbayad ng system loss sa Meralco. Nasayang lang ang pera mo. Pero syempre, kung adik ka sa text at lagi kang unli, di yan problema sa’yo. Wala namang tumatagal na load sa’yo e.
Isa pang service na may di makatarungang maikling validity period ay ang Sulitxt15 ng Globe at Alltext20 ng Smart. Sa halagang P15 at P20, may 100 texts ka na sa kaparehong network. 1 day validity sa Globe at 2 days naman sa Smart. Siguro wala kayong nakikitang mali dito, pero hindi ba’t limited lamang sa 100 texts ang service na ito? Bakit di na lamang alisin ng mga networks ang 1-day validity period at hayaang maubos ng subscriber ang 100 texts na sya naman talagang in-avail nito sa simula pa lamang. Tutal, once na magamit lahat ng 100 texts tapos na rin ang service. There’s no need for an expiration date. Sa kaso naman ng unlimited text service, natural lang na may validity period ito. Abuso na yun pag wala.
Sana mabasa to ng mga taga-Smart, taga-Globe, at taga-Sun. Tanggalin nyo na ang expiration dates sa regular load ninyo. Gawin nyo na ring P0.50 ang halaga ng bawat text message. At utang na loob, wag nyong hahayaang lagyan ng gobyerno ng tax ang texting kung ayaw nyong mag-expire ang business nyo.
: )
No comments:
Post a Comment