Anong oras na?
Hanggang ngayon, wala pa rin akong relo. Tanging cellphone ko ang nagsisilbing orasan ko ngayon. Pero nung wala pa akong sariling cellphone, at dahil wala rin akong relo, nanghuhula ako ng oras.
Nung high school pa ko, kapag nasa byahe ako, tumitingin ako sa relo ng ibang pasahero para malaman ang oras. Pero hindi ako kuntento sa isa, dapat 3 ang aking makita at ang average nito ang syang paniniwalaan kong oras. Halimbawa: 7:30, 7:40 at 7:45. Bale 7:38 ang tancha kong oras na. Galing no? Hanggang ngayon, kapag wala akong dalang cellphone, ganyan ang gawain ko.
Anong oras na kaya?
: )
No comments:
Post a Comment