Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, September 5

Ang bagong balat ng aking Friendster blog

Kani-kanina lang, habang kinukopya ko yung latest blog entry ko dito papuntang Friendster blog e napansin kong may pagbabagong naganap sa Friendster Blog universe.

Aba! Nabuhusan ata ng kape yung mga taga-Friendster kasi bigla nilang naisipang mag-ayus-ayos ng bakuran! Meron na ngayong "tags" at "categories" ang Friendster blog! Maaari mo na ring i-align center ang mga paragraphs na dati ay pahirapan gawin! Meron na rin itong ino-offer na "Advanced Options" na wala akong balak galawin hangga't di ako pamilyar.

Sa mga gusto itong makita, pundot lang dito!

O kung meron kang Friendster account, try it yourself.

Sa ngayon, nangangapa pa ako. Medyo malabo yung mga buttons doon. Buti pa dito at saka sa Blogger, madali lang.

: )

No comments: