Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, September 10

Watda?!?!

Bago matapos yung 24 oras kagabi, pinakita nila yung teaser ng Survivor Philippines. At dahil tinamad akong tumayo sa upuan para manually ilipat yung channel, napanood ko ito nang buo.

Tae! Nakakainis! Pinilit nilang kopahin yung intro nung sa US version! Ang resulta: nagmukhang peke. Kung gusto nyong makita, kung gusto nyo lang, hanapin nyo sa YouTube. Pero hindi ko yan nirerekunmenda ha?

So ayun, panonoorin ko yung first episode nito sa Lunes. Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na papanoorin ko yung first episode nito. Pag maganda, susubukan kong subaybayan. Pag nagmukhang Extra Challenge, hindi na ko manonood. Gusto ko ring malaman kung ano pa ang ginaya nila doon sa US version bukod sa intro.

Pero base sa teaser, hindi siya kaakit-akit panoorin.

: )

No comments: