Bukod sa nakakasawang showbiz balita, isa pang bagay na
dismayado ako sa nightly TV newscast dito sa Pilipinas ay ang sports news.
Puro na lang kasi si Manny Pacquiao at mga artistahing
atleta ang laman ng kanilang balitang pampalakasan. Paano naman 'yung iba?
Madalas pang tuwing may laban lang si Pacquiao at ang Azkals nabubuhay ang
sports news sa TV Patrol at 24 Oras. Wala silang balita sa iba pang Pilipinong
atleta sa iba't ibang larangan ng pampalakasan na lumalahok sa mga patimpalak
dito at sa ibang bansa.
Kaya naman kung gusto mo talagang malaman ang mga
pinakabagong balita sa mundo ng pampalakasan, manood ka na lang sa sports
channel o magbasa sa sports section ng dyaryo dahil wala tayong maaasahang
regular sports news sa local nightly TV newscast.
: |
No comments:
Post a Comment