Buong linggong nang-inis ang mga kano nang biglang ibaba sa Category-2 ng United States Federal Aviation Administration (FAA) ang ating aviation industry dahil raw sa pagbagsak nito sa kanilang standards.
Ayon sa nabasa ko, Category-2 is a rating given to airline industries that do not meet ICAO standards. At anim sa pitong components ng aviation audit nito ay pumalpak raw tayo.
Dahil dito, pinapayuhan ng US ang kanilang mga mamamayan na huwag sumakay sa mga eroplanong galing o papunta sa Pinas. At pinakaapektado dito ang Philippine Airlines (PAL) dahil tanging PAL lamang ang local airline na lumilipad sa US.
Pero sabi nila, panakip-butas lamang ito sa totoong issue. Pini-pressure raw ng US ang Pinas na pirmahan ang lisensya ng isang US airline, ang Hawaiian Airlines kapalit ng pagbabalik sa Category-1 ng ating aviation industry. Pag Category-1 nga pala, malinis ang record mo at pumasa ka sa standards nila.
Kung sabagay, baka nga may kasalanan talaga ang mga nakaupo sa pwesto kaya nagkaganyan at nabigyan tayo ng Category-2 rating. Unang-una nang dahilan ang corruption. Sabi ng Senado at Kamara, naibigay naman raw nila ang hinihinging budget para rito. Kung gayon, bakit nagkaganun? Ibig sabihin, hindi ginawa ng tama nung nakaupo yung trabaho nya. Ang ending: pag-Downgrade.
Hay, diba sa US yung FAA na yun? Talaga bang pag may sinabi ang US, kailangan itong sundin ng mundo? Talaga bang US ang may hawak ng mundo? Siguro nga oo. Siguro nga kasi yung presidente natin e tuta ni bush. Siguro nga kasi lihim tayong state ng America. Siguro nga kasi makapangyarihan ang bansa nila.
: (
No comments:
Post a Comment