Umabot na nga sa P40 ang palitan ng piso sa dolyar at pinangangambahang umabot pa ito sa P38 level. Nasabi kong "pinangangambahang" dahil sa totoo lang, maraming apektado sa paglakas ng piso.
Una na rito ang mga OFWs. Dahil sa pagbaba ng palitan sa dolyar ay bumababa rin ang halagang naipapadala nila sa kanilang pamilya dito sa Pinas.
Apektado rin ang ilang maliliit na kumpanya, may mga nagsasara pa nga e.
Pero kahit lumakas ang piso, hindi naman natin ito nararamdaman. Hindi naman bumababa ang presyo ng bilihin. Hindi rin bumababa ang presyo ng gasolina. Ano nga ba ang epekto sa atin ng paglakas ng piso?
Hay... Ikaw, alam mo?
: (
No comments:
Post a Comment