Monday, September 24
Recycled Goods (apo issue sa Zaido 3)
Gusto ko sana sabihing "Wala naman akong nakikitang masama roon," pero kung ang Zaido ang so-called unofficial sequel ng Shaider, bakit hindi na lang sila gumawa ng bagong set ng mga kalaban? Pati sidekick ni Zaido, sana pinalitan rin nila.
Pwede namang si Zaido lang ang kunektado kay Shaider, pero bakit pati yung mga dating kalaban ni Shaider, kailangan pang buhayin at i-remake? Pati si Annie na-remake.
Kung naging mas creative sila, hindi na nila kailangang i-recycle ang istorya. Makakagawa sila ng bagong istorya, bagong kalaban, at higit sa lahat, hindi magiging Annie o Amy ang magiging pangalan ng sidekick ni Zaido.
I'm so disappointed. Bilang isang Shaider fan, para sa akin, hindi siya worth watching for.
: (
Sila na naman? (apo issue sa Zaido 2)
Oo, sila na naman. Sila na naman dahil sila na naman ang kalaban ni Shaider, este Zaido pala.
Nandyan si Le-Ar, yung malaking mukhang mahilig mag-utos. Oo, nandun din siya at may make-over sya. Pumangit nga lang.
Nandyan si Babaylan Ida, yung hindi mo malaman kung girl o boy o bakla o tomboy. Baka butiki? Binuhay rin siya sa pamamagitan ni Paolo Ballesteros. Bakla nga siguro si Ida.
Nandyan si Drigo, yung maitim na may balde sa ulo. Si Jay Manalo ang napili nilang gumanap dito. Pero this time, wala na siyang balde, lumiit at nagmukhang malaki ang mukha nito. Balita ko, tulad ni Ida, apo rin siya nung unang Drigo. Pero kanino? Kay Ida rin?
Nandyan din ang dakilang mga Amazonas! Lahat sila, buhay! Mas sexy nga lang ngayon.
Nandyan din yung mga army ng mga halimaw. This time, para silang yung mga kalaban sa Encantadia, yung parang bara-bara lang ang pagkakagawa ng costume. Sumasayaw-sayaw pa nga dun sa primer e.
Pero kung lahat sila ni-remake, yung mga halimaw naman sana hindi na ni-remake!
At hindi lang sila ang sila na naman, pati ang sidekick ni Shaider, may apo rin! May sidekick rin kasi si Zaido, Annie o Amy naman ata ang pangalan. Apo nga kaya siya ni Annie? Pero kanino? Di ba loveteam sila ni Alexis? Siguro may third party.
: (
Zaido, apo ni Shaider? (apo issue sa Zaido 1)
Nagtataka lang ako, sabi kasi ng GMA, apo raw ni Shaider si Zaido. Pero sabi rin nila, magsisimula yung Zaido 20 years o 2 dekada pagkatapos ng mga kaganapan sa Shaider.
Nakuha mo na ba ang pinagtatakhan ko? Kung hindi, ipapaliwanag ko.
It takes about 40-60 years bago magkaroon ng apo ang isang tao. Kung 20 years lang, malamang anak mo pa lang ang buhay. Now, let's talk about Shaider.
Let's assume na nagkaanak si Alexis (pinoy name nung alterego ni Shaider) sa edad na 25. And after 25 more years, nagkaapo naman sya. 50 na agad, sanggol pa ang apo niya. Pero sa Zaido, after 20 years, Pulis Pangkalawakan na agad ang apo ni Shaider! Wohow! Ang galing naman.
Pero dahil Philippine setting naman ang Zaido, at alam naman natin kung paano nagsisimula ang mga Pinoy dramas, pwedeng magsisimula ang palabas noong bata pa ang apo ni Shaider. Pwede na. Tapos dahan-dahan silang lalaki. Pwede na rin.
Pwede rin namang i-apply ang pagiging alien ni Shaider. Pwedeng ang 10 years sa atin ay 30 na sa mga alien. Di ba?
Pero ang alam ko, tao si Alexis. So pano yun?
: (
Ang lintek na vendo 4
Bumili ako ng Milo sa vending machine. Pagkatapos mag-ingay nung vendo, kinuha ko na yung baso.
Mukha namang walang problema. Pero yun ang akala ko. Pagtikim ko dun sa Milo, LINTEK! WALANG ASUKAL! Ano ba naman yan kuya! Napakasakit, Kuya Eddie! Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong kapaklang pangyayari?! Pati ba naman asukal, ipinagkait na rin sa'kin?! Bakeehtt???
: (
Ang lintek na vendo 3
Matapos ang proseso, nagulat ako dahil walang baso. Nung sinilip ko, sumabit dun sa taas! Pero nahulog na yung kape dahil may stain yung baso! TINAMAAN NGA NAMAN NG LINTEK! WALA NA NAMAN AKONG KAPE!
Sa susunod, sisiguraduhin ko munang gumagana bago ako bumili.
: (
Ang lintek na vendo 2
Maya-maya pa'y umandar na yung machine. Hinintay kong tumahimik yung vendo at nang sa wakas ay tapos na ang "coffee brewing," kinuha ko na yung baso. Pero pag-angat ko ng baso, ANG GAAN! Nung tiningnan ko yung laman, kalahati lang ang laman! ABA! LINTEK NA VENDO TO! DINAYA AKO!
Wala naman akong nagawa kasi wala naman akong marereklamuhan. So yun, ininom ko na rin. Bitin nga lang.
: (
Friday, September 21
"Don't Steal"
Nakita ko yan sa isang sticker na nakakabit sa windshield (windshield nga ba?) ng motor.
Nakakatawa dahil sa totoo, totoo ang nakalagay dun.
Currently, yung ZTE issue ang nagpapatunan nyan.
: (
Ano ba yung tinatayo dun malapit sa Philcoa?
Hindi yun mall, school building, o updated version ng Paskong Pasiklab. Yun ang UP North Science and Technology Park. Kung hinahanap mo yung South, sakay ka ng UP Ikot.
Maraming nagsasabi na gagawing call center yun. Naniniwala naman ako dahil mukha namang dun rin ang pupuntahan nun. Balita ko may kinalaman ang Ayala doon. Pakulo rin naman yun ni Gloria so malamang, Call Center nga ang ilagay dun.
: (
The Knight Bus
Habang binabaybay namin ang Commonwealth Avenue, biglang bumilis ang takbo ng bus! Sinabayan naman ng eksena sa tv: humaharurot ang Knight Bus kung saan nakasakay si Harry! Parang bigla kong naramdam (pati ata lahat ng pasahero ng bus) ang biyaheng-Knight Bus! Parang walang pakialam yung driver basta makauwi siya ng bahay! Pare-pareho kami ng movements sa loob ng bus. Pag kumanan yung bus, nahahatak kami sa kaliwa. Pag kaliwa naman, kanan. Ilang minuto rin kaming parang binabagyong eroplano, buti na lang, di nawawalan ng traffic sa Commonwealth. Naging maaliwalas ulit ang lahat.
Sanay naman ako sa mga ganung bus. Nakakauwi naman akong buhay at di tulad ng naranasan ni Harry sa Knight Bus, hindi naman kami tumatalsik pag nagpepreno yung bus. Parte na yan ng araw-araw ko. Mas mabilis, mas masaya. Lalo na kung male-late ka na.
: )
The Flush
Unti-unti nang lumbog ang tubig at ako'y nabunutan ng tinik. Umalis na ko, dala ang isang aral na natutunan ko sa isang lugar na hindi ko inakalang may matututunan ako.
: )
Mga Inabonohang Abono
Abono. Yung iba kulay lupa, yung iba puti.
Naalala ko bigla ang aking elementary days sa JASMS.
Hindi ko na maalala kung kailan nagsimulang lumitaw ang mga abonong yun sa bakuran ng JASMS. Basta ang naalala ko lang, simula nang lumabas yun, taun-taon na akong nag-uuwi ng abono sa bahay. At hindi lang ako, pati mga kapatid ko. Wala naman kaming palayan sa bakuran pero bakit nga ba bumili ako?
Yan ang malaking tanong ko sa sarili noong nasa elem ako. Bakit nga ba?
Ang naaalala ko, may papasok sa classroom namin, madalas dalawang matandang babae. Tatlo kung isasama mo si teacher. Ibibida nila sa amin ang dala nilang abono. Ituturo rin kung pano gamitin. At pag natapos sila, bibigyan nila kami ng order slip. Mabuti sana kung pagkain pero hindi! Gusto nilang bumili kami ng abono! Tapos pag di ka bumili, pipilitin ka ni teacher. At dahil malakas ang impluwensya ni teacher, bibili ka na rin. At pagkatapos ng ilang araw, darating na yung order mo, pero minsan bitbit na talaga nila ang produkto nila, daig pa bumbay.
Sa halagang P10 bawat isa, may abono ka na. E san mo nga ba gagamitin?
May kaklase ako noon, ang daming binili, iniisip ko nga kung may ekta-ektaryang palayan sila sa bakuran. Ano kayang nangyari sa kanya?
Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yun. Inabuso nila ang pagiging mangmang namin. Naiwan kaming nagtataka kung bakit may hawak kaming abono, habang sila'y tuwang-tuwa dahil sila'y kumita. Gusto ko ring isiping nagsabwatan sila ni teacher dahil sila pa ang nag-udyok sa amin na bumili ng abono. Ano bang malay namin kung may kickback sila?
At pagkatapos kong magligpit ng gamit, lumabas ako ng bahay, naghukay sa bakuran, binutas ang pakete at ibinuhos ang lahat ng abono sa hukay saka tinabunan.
Sa ngayon, hindi pa rin siya tumutubo. Ni hindi nga tumataba ang lupa e. Siguro dapat binenta ko na lang sa bata.
: (
Monday, September 17
0-14
Sa ikli ng pagsubaybay ko sa UAAP Basketball lalo na sa performance ng UP, wala pa akong nakitang team standings na ganyan.
Mandakin mong na-sweep nila ang pagkatalo sa dalawang rounds ng eliminations with a 0-14 losing streak! Walang panalo! Ni minsan hindi nila nalamangan ni isa sa mga nakalaban nila!
Ang galing talaga!
: (
UAAP Cheerdance Competition Results
UP - 92.66 %
UST - 92.16%
FEU - 91.66%
ADMU - 90.63%
AdU - 90.62%
UE - 90.55%
DLSU - 89.54%
NU - 84.23%
Kung mapapansin nyo, .5 lang ang lamang namin sa UST. Dikit na dikit ang laban. Kung hindi pala nasira yung isang pyramid nila e malamang champion ulit sila.
Ang Ateneo at Adamson, .01 lang ang pagitan. At syempre, nasa baba ulit ang NU.
: )
Friday, September 14
1 vs. 100 Last Man Standing match (dapat sa video to e.)
Isa itong special episode ng 1 vs. 100 US version kung saan mismong the Mob ang maglalaban-laban hanggang sa isa na lang ang matira para manalo ng $250,000.
Exciting to seryoso! Masaya at astig!
JUST CLICK HERE!
Enjoy!
: )
Tuesday, September 11
Manny Pacquiao, Kapuso na! (follow-up)
Nabasa ko sa dyaryo kahapon na binigyan pala ng engrandeng welcome party ng GMA thru SOP (yung tuwing Linggo) si Manny Pacquiao. Halos buong show raw ay nandun sya. Sabi pa, bukod sa kumanta ay sumayaw pa raw ang boksingero. May ilalabas nga raw itong dance album.
Nabasa ko rin na noong Sabado pa raw ito pumirma ng kontrata sakay ng isang private plane galing Cebu. Hindi ko lang alam kung kanya. Ite-televise sana ang pagpirma kaso na-delay ang lipad nya. Balita ko pa nga e si Raymond Gutierrez (yung kakambal ni Richard na mukhang bading at kadugo ni Tim Yap) sana ang sasalubong sa kanya pero dahil sa tagal, di na nito nagawa pang maghintay.
Sa ngayon, pagkatapos raw ng laban ni Pacman next month ay magsisimula na itong gumawa ng kalokohan sa bakod ng Siyete. Siguro gagawa na nga siya ng Singing contest para sa mga boksingero.
: )
Monday, September 10
Tingi-tingi
Bukod kasi sa ink e nagbebenta rin daw kasi sila ng cologne...na tingi-tingi.
Astig. Ano? Bili na!
: )
Pinoy Idol 2 sa GMA7?
May posibilidad raw na mag-air ang second season ng Philippine Idol sa GMA7, Pantapat sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.
Alam naman nating lahat na hindi masyadong gumawa ng ingay ang Pinoy Idol noon dahil nasa ABC5 ito.
Pero ang alam ko, under negotiation pa ito sa Fremantlemedia, ang may-ari ng Idol franchise. Sino kaya makakakuha?
: )
Manny Pacquiao, Kapuso na.
Ayon sa Wikipedia: "In September 2007, he signed up with GMA Network as a artist." Balita rin na gagawa siya ng show sa GMA. Kung hindi sitcom ay isang reality show ang gagawin nito. Nabasa ko rin sa Inquirer about 2 weeks ago ang isang joke tungkol dito, na ang gagawin niyang show ay isang singing contest for boxers.
Sa totoo lang, no big deal ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA. Alam naman nating lahat na noong unang panahon e ABS-CBN ang naging tambayan nito. Madalas nga siyang mag-guest sa mga programa nito para magpa-cute o para magyabang lang.
Kung tama ako, may tampo ang boksingero sa ABS-CBN. Nagsimula ang lahat nang gumawa siya ng malaking pagkakamali---nang tumakbo siya noong nakaraang eleksyon.
Lumalabas kasi na maski noong simula pa lang ng kampanya, mas pabor ang mundo sa kalaban nitong si Incumbent Congresswoman Darlene Antonino-Custodio, at halos araw-araw ay may balita dito ang Channel 2. Nabasa ko rin sa isang dyaryo na nagalit ito kay Korina Sanchez for some reason noong kasagsagan ng eleksyon. Napansin ko nga noon na hindi na siya nagpapaunlak ng interview sa ABS-CBN at laging may exclusive interview naman ang GMA kay Manny. Napansin niyo rin ba na GMA na ang nakakakuha ng exclusive rights para i-air sa free tv ang mga laban ni Pacquiao?
Simula noon hindi ko na siya nakita sa mga programa ng ABS-CBN.
Siguro mapapansin niyong medyo bias ang blog entry na ito. Sorry pero wala na kayong magagawa dahil yan ang mga napansin at nalaman ko simula nang magtampo si Manny. Ngayon, kung may gusto kayong itama o punahin, libre namang mag-comment di ba? Bahala na kayo.
Abangan na lang natin ang bagong show ni Pacman.
: )