Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, March 31

Loren at Mar, nangangampanya na

Isang product endorsement ang kay Mar at isang gasgas na pagko-congratulate sa mga graduates naman ang kay Loren. Sa dalawa, mas may sabit yung kay Loren.

Hindi lingid sa ating kaalaman na maaaring tumakbo sa pagka-Presidente ang dalawa sa 2010. At ngayon pa lang, nagpaparamdam na sila. Baka di rin magtagal, magparamdam na rin si Villar.

Nakakainis lang kasi masyado pang maaga. Yung kay Mar, pwede nya pang ilusot kasi product endorsement yung sa kanya. Pero yung kay Loren, halatang-halata.

US pa lang ang alam kong may Presidential Election ngayong taon e sinasabayan na nila yung mga kandidato? Nakakainis talaga. Imbes na matutuwa, maba-bad trip ka sa ginagawa nila.

: (

No comments: