Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, March 3

Hit and Run

Yung kapit-bahay namin na kababata ko, na-Hit and Run.

Di ko alam kung ilang buwan na. Hindi na rin dumadalaw yung madalas na dumalaw sa kanya.

Pero hindi lang siya ang na-Hit and Run. Marami sila.

...


Hindi ko alam kung bakit may mga babaeng nabubuntis nang wala sa oras. Unexpected. Ang masama pa nito, karamihan, underage.

Hindi ko rin alam kung utu-uto sila dun sa lalaki o ginusto rin niya ang nangyari. Ang resulta: sanggol sa sinapupunan.

Sino ba ang nagkulang? Ang magulang o yung mismong bata?

Ano ba ang naging problema?

Kakulangan sa kaalaman o matinding tawag ng laman?

Hindi ko alam.

: (

No comments: