Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, March 3

"HAPPY BIRTHAY MA!"

Biyernes ng hatinggabi, halos tulog na ang lahat. Ako at yung kuya ko na lang ang gising. Tapos na si Donna, turn ko na.

Sinimulan ko sa pagsusulat ng "HAPPY BIRTHDAY MA!" at sa ibaba nito'y "INGAT PALAGI AND GOD BLESS!" at baba pa nito'y "NAGMAMAHAL, RayMonD."

Nilagyan ko rin ng ilang design. At dahil minamadali, blue pen na lang lahat.

Natapos ang lahat. Ayos naman sa paningin ko. Pero nang muli kong binasa...

ANAK NA PATING!

BAKIT "HAPPY BIRTHAY MA!" ANG NAISULAT KO?!?! BAKIT WALANG "D"?!?!

LANGYA! Di ko man lang napansing mali yung spelling ko! Ano nangyari sakin?!?! Buti na lang napansin ko kundi, kahiyahiya pag nabasa ni Mama kinabukasan.

Natapos na ko. Si Pot na dapat, kaso inaantok na raw sya. So si Kuya Mac na. Ewan ko kung anong nilagay kasi natulog na ako agad.

Kinabukasan, birthday na ni Mama. Natuwa naman sya dun sa Birthday Card. Halata nga lang yung binura ko ng liquid eraser, pero ayos na rin. Basta ang importante, masaya si Mama.

: )

No comments: