Noong Lunes, habang ako'y nakasakay sa punung-punong tren ng MRT approaching Boni Avenue Station, biglang nagsalita ang driver ng tren sa PA system...
"Ortigas Station, Orti-", sandali siyang huminto at agad bumawi, "Boni Avenue Station, Boni."
Maraming pasahero ang napangiti tulad ko. Minsan talaga kahit medyo hirap tayo sa isang sitwasyon, may mga pangyayaring hindi mo inaasahan ang maglalagay ng ngiti sa iyong mga labi.
: )
Thursday, August 22
Friday, August 9
Mani
Isang hapon habang ako'y inaantok sa loob ng bus, biglang may umakyat sa bandang Boni na nagbebenta ng mani sabay sigaw:
"Mani! Mani! Mani kayo dyan! Mainit pa, bagong lutong mani! Mani!"
Araw-araw namang bagong luto ang mani nila. Araw-araw ding mainit dahil bilad ito sa araw. May dalawang pasahero siyang nabentahan sa bandang harapan at tumuloy siya sa likuran.
"Mani kayo dyan! Mainit pa! Mani!"
Nang wala nang iba pang bumili, hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.
"Mani! Ayaw nyo? Itatapon ko 'to!"
Nagtawanan bigla ang ilang pasahero pati na ako. Agad naman siyang bumaba ng bus pagkatapos niyang gumawa ng eksena. Sandali ring nawala ang nararamdaman kong antok.

Subscribe to:
Posts (Atom)